bc

Kastelana's Vow

book_age16+
1.6K
FOLLOW
10.6K
READ
reincarnation/transmigration
time-travel
goodgirl
powerful
witch/wizard
doctor
bxg
mystery
medieval
small town
like
intro-logo
Blurb

To my readers here in Dreame/Yugto,

Due to personal reasons, I have decided to stop writing for this company. All my ongoing stories will be completed in my new app (Raven Sanz — availabe in Playstore; coming soon to IOS).

Thank you for supporting my stories.

Sincerely,

Raven Sanz

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Present Time | La Guardia Town WALANG nagawa ang lamig ng aircon sa opisina ng medical director. Halata ang init ng ulo nito at ang talim ng mga mata ay halos humiwa sa buong pagkatao ko. Sino nga ba naman ang matutuwa kung pasado alas diyes na ng gabi ay ipinatawag pa s'ya para kastiguhin ako sa hindi pagsunod sa protocol ng ospital. Likas akong matigas ang ulo at hindi mo mapapahinuhod sa mga bagay na alam kong kaya ko pang itama. Kung walang wala na ay pipilitin ko pa rin na gawan ng paraan hanggang maubos ako. "Miss Salvador, care to explain what happened in the operating room early this evening?" may diin ang salita ni Dra. La Guardia, ang medical director at isa sa mga nagmamay-ari ng ospital na pinapasukan ko. Ibig kong mapangiwi sa mukha n'yang hindi maipinta. Daig ko pa ang nakurit ni Mama kapag nahuhuli n'ya akong kumakain ng kendi bago matulog. Honestly though, it was more like gigil than kurit kasi yayakapin rin n'ya ako at pupupugin ng halik pagkatapos. Masisira daw kasi ang ngipin ko, sayang naman. Idagdag pa ang malaking salamin na suot n'ya at ang hipid na hipid na pusod ng buhok na halos dumugo ang anit sa pagkakabanat.  Itsura ba na hindi pwedeng tumakas ni isang hibla ng buhok n'ya kung hindi ay baka magkaroon ng World War III. Ganito yata talaga kapag matandang dalaga. On a positive note, matangos ang ilong n'ya at kahit nanlilisik ang mga mata ngayon hindi maiikaila ang kulay nitong abuhin at napapalibutan ng natural na malantik na pilik -- katulad ng sa akin. Kung hindi ko alam na matandang dalaga s'ya ay iisipin kong baka s'ya ang tunay kong ina kahit hindi kami magkahawig. "Ma'am, with all due res --" simula ko sa pagpapaliwanag pero kaagad din n'yang pinutol. "Didn't they tell you about the protocol? The family had specific wishes!" sumabog na ang galit nito at halos mabingi ako sa sigaw n'ya. Hindi ko maintindihan kung bakit s'ya nagagalit sa akin. Una, buhay ang pasyente -- may bonus pang sanggol. Ang sabi ng asawa ng pasyente ay iligtas ang asawa n'ya sa panganganak. Niligtas ko naman at ginawa ko ang trabaho ko. I did do the unthinkable and followed my instincts and that's why the baby is alive and well. Kapiling na ito ng nanay n'ya. "If you could just li--" "There was another doctor with you in the operating room and she had a higher rank than you. She advised you not to proceed and yet, you still did! That was very reckless of you! What would you have done if the both of them died? What would you tell the family? This hospital and all the medical staff involved in that operation would be sued -- at kahit kaluluwa mo ay hindi kayang bayaran ang legal fees! Ano ka ba naman!?! Napakatigas ng ulo mo!" halos mapatid ang litid nito sa galit sa akin. Bigla itong namutla at siguro ay dahil sa edad na naglalaro sa kwarenta hanggang singkwenta ay madaling tumaas ang presyon. Mabilis akong umabot ng bottled water sa mesa sa gilid, binuksan at iniabot sa kanya. Nanatili akong tahimik at hinintay ang sunod n'yang sasabihin. She interrupted me twice at wala na akong balak magpaliwanag pa. Mukhang hindi rin naman n'ya pakikinggan. I guess there's nothing left to do but to wait for my dismissal. Baka nga pati lisensya ko ay kuhanin na rin ng governing body ng medisina. Pero kung tatanungin mo ako kung may ni katiting akong pagsisisi — wala. Maybe it's not too late to learn a new hobby kung hindi na ako pwedeng maging doktor. "Bweno, nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Dahil sa nangyari ay —" Biglang nag-ring ang telepono at sinagot n'ya ito. Susme, huwag mong sabihin na tumawag pa ng pulis para i-escort ako palabas ng gusali? Nakita ko s'yang tumango tango at panaka naka ang sulyap sa akin. Nang ibaba n'ya ang telepono ay pinagsalikop ang dalawa n'yang kamay at tiningnan ako ng diretso sa mata. "I am still not in favor about what you did. One of these days, your overconfidence and hard headedness will get you into a bigger trouble than you can imagine. However, the father of that child you saved just called. Wala s'yang bukambibig kundi pasasalamat at pagmamalaki na ikaw ang nagpaanak sa asawa n'ya. Kung hindi daw dahil sa iyo ay nagluluksa sila ngayon imbes na nagsasaya. For that, I admire your guts. However, you still need to be disciplined," bumuntong hininga ito. "Am I fired?" tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang naalala na wala naman akong gasinong ipon pa sa bangko. Nagrerenta ako ng apartment dahil nang maaksidente sina Mama at Papa ay walang insurance ang mga ito at nag-expire na. Kinailangan kong ibenta ang kakaunting pag-aari nila para maipalibing sila ng maayos. Maswerte pa rin ako na wala ng ibang utang bukod sa credit card para makapag-establish ng credit history. Masasabi kong inihanda nila ako sa buhay sakaling mawala sila dahil nakapagtapos na ako ng pag-aaral at nakapasa sa board exam para maging ganap na doktor. "You are not fired. But you will be suspended for four weeks with pay. I hope those four weeks will give you enough time to contemplate and think about what transpired today. Kastel, your mother may be my bestfriend but you are still an employee of this hospital and we have to follow the rules. Please clean your locker and return to work on the first Monday after those four weeks. Intiendes?" hindi ko alam kung awa o paghanga ang nakita mong dumaan sa mga mata n'ya. Regardless, I am still suspended. Nakahinga ako ng maluwag. "Naiintindihan ko po. Can I please take my leave now?" Tumango ito. "You may take your leave." Nang tumayo ako at lumakad patungo sa pinto ay narinig ko s'yang nagsalita uli.  "Kastel, if you need anything -- anything at all, please do not hesitate to call me," malambot na ang expression nito. Hupa na ang bagyo. Tumango ako sa kanya at nagbigay ng isang munting ngiti. It's to let her know there's no bad blood between us. Minsan ay hindi ko maiwasang isipin kung kahit saglit ba ay ninais n'yang magkapamilya o magka-anak man lang. Sa tingin ko ay napakalungkot na mamuhay mag-isa kahit pa palibutan ka ng karangyaan maging tanyag sa larangan na pinili mo sa buhay. Anyway, time to go home, have a quick hot shower and hit the sac. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook