Flashback continued. . . "Bakit Nanay? May kasalanan po ba si Tatay sa kanya? May ginawa ka po ba o kung sinuman kina Tiya kaya s'ya nagalit?" Umiling ito. "Nagkakilala kami ng iyong ama sa karinderya na itinayo naming magkakapatid. Occulta Rune (Hidden Rune) ang pangalan nito. Isang gabi na ay masama ang pakiramdam ni Kal kaya pinauwi ko na s'ya ng maaga at pati ang dalawa ay pinasunod ko sa kanya dahil magsasara na din kami. Malapit na akong matapos sa paglilinis nang dumating si Magnus at nagugutom daw s'ya." Tumawa si Tatay. "Hindi marunong magluto ang iyong Nanay, anak. Sunog at hindi mahitsurahan ang niluto n'ya para sa akin. Bukod doon ay maalat pa pero kinain ko pa rin dahil gandang ganda ako sa kanya. Unang pagkikita pa lamang namin ay minahal ko na s'ya." Ang tinginan ng aki