FLASHBACK continued. . . Nagsisimula ng lumiwanag bagamat wala pa ang haring araw. Kusang humakbang ang aking mga paa papasok sa bakuran. Si Anita ay hinayaan akong pumasok mag-isa at nanatili sa kinatatayuan n'ya sa tabi ng kariton namin. Nang hipuin ko ang bakod na gawa sa kahoy ay kusang gumalaw ang mga kalat nang isipin ko na maging malinis ang paligid. Ang mga baging na naglaglagan at tumabon na sa bahay ay unti unting kumilos. Bago pa ako nakarating sa pinto ng bahay ay malinis na ang bakuran. "Anak, hipuin mo ang lupa," bulong ni Nanay mula sa hangin. Hindi ko alam kung ako lamang ang nakakarinig sa kanya o maging si Anita, pero sa oras na ito ay wala akong gustong gawin kung hindi pakinggan ang tinig n'ya. Sana, pwede ko rin s'yang yakapin kahit isang minuto lang. At s'yempre s