FLASHBACK continued. . . Ang gusali na pag-aari ni Madam Rosita ay may dalawang palapag. May apat na kwarto sa taas at sa baba ay isang maliit na salas, kusina at dalawang banyo. Narito din ang kanyang kwarto sa baba na may sariling palikuran. Mabait s'ya ngunit madalas ay seryoso. Ang lagi n'yang bilin sa amin, walang magiging problema basta nasa oras ang pagbabayad namin ng upa. Pero ngayong wala na kaming trabaho ni Anita hindi namin alam ang gagawin. Ang kaunting naipon namin sa pagtatrabaho ay kasya na lamang sa upa ngayong buwan na ito at pagkain ng dalawang linggo. "Anong gagawin natin? May nahanap ka na bang malilipatan?" tanong n'ya sa akin. Palakad lakad ito sa harap ko at nahihilo na ko sa pagtingin sa kanya. "Wala pa." "Kung bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng masunog, an