Flashback continued. . . UMIHIP ang hangin at doon ako nagising. Panaginip lang pala ang lahat. Hindi ko pa gamay ang lahat pero sa palagay ko ay ito ang paraan nina Nanay para ipaalam sa akin ang lahat ng nangyari sa kanila. Nang dahil sa sakim na pagmamahal at inggit ay nauwi sa karahasan ang lahat. Hilam sa luha ang mga mata ko nang magmulat ako. Narinig ko rin ang pag-ingit ng hagdan at nang lumingon ako ay nakita kong pababa pa lamang si Anita. "Nakatulog ka rin ba? Napasarap ang tulog ko, pasens'ya ka na," natatawang sabi nito. Ngumiti ako. "Wala naman tayong gagawin at bahay mo rin ito. Kung matulog ka ng dalawang araw o kung gaano pa katagal ay walang problema." "Ano? Ayaw ko nga matulog ng ganoon katagal. Magiging mabaho na ako pag mahaba ang tulog ko." Napabunghalit ako ng