Flashback continued. . . PINANDILATAN ko ng mata si Anita sa pagsasabi n'ya ng pangalan ko sa lalakeng 'yon. Napakagaling mang-asar at sa huli ay ako pa ang binigyan ng manok -- may kasama pang sisiw! Kung anong ganap ang gusto n'ya ay bahala s'ya sa buhay n'ya. Nang makarating kami sa ampunan ay hindi rin kami nagtagal. Iniabot lang naming ang pasalubong namin at nagpaalam na kami. Sinabi namin na babalik kami uli pagkatapos ng pitong araw para dalhan sila uli ng pagkain. Tuwang tuwa sina Madam at maluha luha sa galak. Nang makabalik kami sa bahay ay kalat na ang dilim pero sa tulong ng dalawang gasera ay naging matiwasay ang paglalakad namin. Gumawa ako ng bahay ng manok at ng haplusin ko ang balahibo nito ay may lumabas na isang itlog. Ganoon din ang ginawa ko sa isa at parehas ang r