NAKITA ko ang sarili kong kinikilig sa kwento n'ya kahit nalulungkot ako sa sinapit ng kanyang pamilya. Mahirap mabuhay ng mag-isa. Alam ko 'yon dahil sa ampunan din ako lumaki hanggang dumating ang mababait na umampon sa akin at itinuring akong kanila. Mapalad si Kastelana dahil may kaibigan s'yang katulad ni Anita. Ako rin naman ay pili lamang ang kaibigan. Ang totoo n'yan, si Andeng ang pinakamalapit sa akin. Ayaw n'yang tawagin ko s'ya ng Andeng dahil mabantot daw. Andrea Rodriguez ang pangalan n'ya at bagamat doktor rin katulad ko ay mas pinili na maging nurse sa bansang Canada. Pinalad itong makapasa sa exam at maging Registered Nurse. Last week ay tumawag s'ya at sinabing uuwi na ng Pilipinas dahil nakaipon na ng sapat. Balak n'yang magtayo ng pribadong klinika at gusto akong isam