IN SHORT ay may gusto nga si Argenta kay Alaric? Tama ba ang nabuo kong konklusyon sa isip ko? "Sinabi ko kay Anita na baka nagkakamali lang s'ya ng tingin at hindi litrato ni Alaric ang kapit ni Argenta. Pero sa salaysay ng kaibigan ko ay paniwalang paniwala s'ya na si Alaric talaga ang nakita n'ya." "Hindi kaya kamukha lang n'ya?" "Noong una ay ayaw ko rin maniwala lalo at hindi na naman nasundan ang pangyayari na 'yon. Pero sabi ni Anita ay mag-ingat daw ako dahil ang mga tingin sa akin ni Argenta ay iba at hindi na katulad ng dati. Napansin ko ang pagiging ilag n'ya sa akin simula noong lumagi na kami sa bahay nila. Madalas kaming sunduin ni Alaric para mag-agahan hanggang hapunan. Sa tingin ko ay hindi nagustuhan ni Argenta na palagi akong nasa bahay nila. Nasanay kasi s'ya na sila