Chapter 6

1034 Words

FLASHBACK continued... SIMULA ng dumating si Anita ay naging masaya ang aking pananatili sa ampunan. Hindi bale ng iisa ang aking kaibigan. Ang mahalaga ay totoo s'ya at may malasakit sa akin. Ang kwarto ng mga bata sa ampunan ay dalawahan. Matagal akong mag-isa sa kwarto dahil walang gustong sumama sa akin. Okay lang naman dahil mas gusto ko ang tahimik pero noong nagtagal ay nakakalungkot rin pala.  Mabuti na lang at nandito na si Anita. Magkasama kami sa kwarto at nakakapagkwentuhan bago matulog. Sa hapag ay kami ang magkasama sa mesa. Daig pa namin ang magkapatid kung hindi lang itim ang kanyang buhok at kulot kumpara sa akin na alon alon at kulay mapusyaw na kayumanggi. At s'yempre, kailangan ko pa bang sabihin na kakaiba ang kulay ng aking mata? Labing anim na taon na ako nang mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD