NAPANSIN n'ya ang pagkatulala ko sa sinasabi n'ya sa akin. Kagabi pa kasi ang babaeng ito eh. Bukod sa lumabas s'ya sa libro, bumanggit ng mga powers kuno -- tapos ngayon ay may misyon na ako. Mabuti sana kung medical mission ang sinasabi n'ya -- ang kaso, parang hindi. Tapos tuturuan pa daw n'ya akong gamitin ang kapangyarihan. Naupo ako sa katabi n'yang silya at nagsimulang kumain. Sanay na ako sa ganitong luto ko, ewan ko lang sa kanya. Hindi ba at noong sinaunang panahon ay marunong magluto lahat ang mga babae? Fine, not all of them but most of them. Kasi noon, napaka-domestic ng tingin sa mga ito. Para bang kulang na lang ay sabihin na -- 'huwag ka na lang mag-aral, tutal sa bahay ka rin lang naman maglalagi para magluto, maglinis at mag-alaga ng anak'. I have nothing against bein