"GIVE me a second!" sabi ko kay Gabriel sa may pinto.
Dali dali kong binalikan si Kastelana. "Magtago ka muna. Hindi ka pwedeng makita ng bisita ko na ganyan ang suot mo."
"Bakit? Hindi naman ako hubad?" nagtatakang tanong nito.
Gusto ko ng mapapadyak sa inis. Hindi ba n'ya naiintindihan na panahon pa ni Kopongkopong ang suot n'ya. Paano ko ipapaliwanag kay Gabriel kung saan s'ya nanggaling. Isa pa, magkamukha kami! Gusto ko na ngang itanong sa kanya kung s'ya ba ang nawawala kong ina pero napakabata pa n'ya. Sa tantya ko ay halos magkasing-edad kami. Hindi kaya kakambal ko s'ya?
"Kahit pa, sumunod ka na lang. Halika, dito ka muna sa kwarto at magpahinga," hinila ko s'ya papunta sa kwarto ko at pinaupo sa kama. "Huwag kang magsasalita o lalabas ng kwarto. Huwag ka ring gagawa ng kahit anong kaluskos. Baka magtaka ang bisita ko at tumawag ng pulis," sabi ko sa kanya.
"Pulis?" takang tanong nito.
Maryosep naman.. pulis lang hindi pa n'ya alam??
"Pulis. Baka mapagkamalan kang magnanakaw mabagans'ya ka ng wala sa oras," sabi ko sa kanya.
"Ha?"
"Basta. Dito ka lang. Huwag kang magsasalita. Huwag kang gagalaw. Huwag ka na ring huminga," natatawa kong sabi sa kanya.
Of course, joke lang ang huli kong utos. Kung hindi s'ya hihinga ay mamamatay s'ya. But wait, aparisyon lang s'ya kanina. Ibig sabihin patay na ba s'ya? Ano ba talaga ang nangyayari? Ito naman kasi si Gabriel eh, dadalaw din lang wrong timing pa. Nang isara ko ang pinto ng kwarto ay halos lundagin ko ang front door. Nang pagbuksan ko s'ya ay tumambad sa akin ang seryosong mukha nito. Nevertheless, he was still handsome as ever.
Nakasuot ito ng puting long sleeves at wala ng kurbata. Nakarolyo na rin ang manggas hanggang siko at bitbit ang coat nito sa kabilang braso habang ang isang kamay ay may hawak na Chinese take out at bulaklak.
"This is for you," maiksing sabi n'ya at inabot ang bulaklak.
I tried hard not to show him that I was excited to find him at my doorstep. Pakipot muna ako ng kaunti.
"Salamat. Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"I heard what happened at the hospital. I wanted to make sure you're okay. Hindi mo ba ako patutuluyin? Nakakangawit tumayo dito sa pasilyo," nakangiwing sabi nito.
Shit. Ano bang nangyari sa manners ko? Nakakahiya at gusto ko ng kainin ng sahig.
"Sorry, my bad. Come in. Pasens'ya na hindi pa ako nakakalinis. Upo ka," sabi ko sa kanya.
Binilisan ko ang lakad at tinungo ang couch at inayos ang throw pillows doon. Pati ang blanket na ginamit ko kanina ay tiniklop ko ng mabilis para maging komportable s'ya.
"Kumain ka na ba?" tanong n'ya sa akin.
Tinuro ko ang ice cream container at kutsara sa lamesita. "Oo."
Napailing ito. "That's not food."
"I didn't feel like eating. I was so tired at nasermonan pa ako kanina ni doktora. Teka, paano mo nalaman ang bahay ko? At bakit ka nga pala nandito? Hindi naman tayo close."
Amused itong ngumiti. "Wala pang trenta segundo ang dami mo ng naitanong. First of all, I want to make sure you're okay. Nasuspinde ka daw. Isa pa, kung address mo rin lang -- nakita ko sa files mo. Pati nga cellphone number mo alam ko na rin," bahagya itong napatawa.
Nag-aalwas ito sa plastic ng dala n'yang pagkain. Agad na kumalat ang mabangong amoy ng Chinese food. Natakam tuloy ako sa wonton soup. Sana meron. Hindi ako nagkamali at dalawang container ang inilabas n'ya na may lamang sopas.
"As for the closeness part, I want to get to know you more. I would like to think the suspension is going to do you good. And perhaps, we can use that time to get to know each other too. What do you say?"
Aba, mabilis ang kumag. "Nah.. I don't know. Nasuspinde na nga ako pagdi-date pa ba ang aatupagin ko?"
Inabot ko ang wonton soup at nilantakan ito. Ngayon ako nakaramdam ng sobrang gutom. Gutom na sagad. Ngayon ko lang naalala, kape nga lang pala ang laman ng t'yan ko buong araw. Old habits die hard. Nag-aaral pa lang ako ay madalas kape na ang laman ng sikmura ko. Hindi dahil sa walang pambili dahil sapat naman ang baon na ibinibigay nina Mommy sa akin. Wala lang talaga kong oras bumili ng tinapay at kainin ito.
"Who says about going out on a date?" tanong nito.
Oh s**t. Did I assume and said it out loud? Nang tumingin ako sa mga mata n'ya ay humagalpak ito ng tawa.
"Jeez. Look at your face. Relax. It was just a joke."
Nakahinga ako ng maluwag mula sa pagkapahiya kanina. Ngali-ngali ko na s'yang pektusan. Affected ako doon ha, nagsunod sunod tuloy ang subo ko.
"I actually want to take you on a dinner date. But the restaurants are closed and this is the only take out place open. It's good though. Kain ka pa."
Namalayan ko na lang na naubos na namin ang lahat ng dala n'ya habang nagkukwentuhan. Kwela din naman pala ito. Madalas nga lang ay seryoso kapag nasa hospital. Workplace daw 'yon, katwiran nito. Minsan nga daw ay naiinggit s'ya sa attitude ko na walang pakialam sa sasabihin ng iba.
Pero alam mo ang hindi magpapatulog sa akin ngayong gabi? Hulaan mo. Si Kastelana? Hindi!! Si Gabriel.
Matagal na daw n'ya akong type kasi matalino daw ako at maabilidad, bonus na ang maganda. Naks! Ikaw kaya ang sabihan ng long time crush mo ng ganyan, tingnan ko kung makatulog ka? Unang pasok ko pa lang sa hospital ay hangang hanga na ako sa kanya. Alam mo 'yong itsura na parang hindi pinapawisan at mukhang mabango? That's him.
Nasa kasarapan kami ng pagkukwentuhan ng makarinig kami parehas ng kaluskos. Napapikit ako. Kastelana. I told her not to move. Damn it.
"What was that?" tanong ni Gabriel sa akin.
I tried to act normally. "Ah, baka. . . pusa ko lang," napatingin ako sa relo at mag-aalas dos na ng umaga. "Gabriel, medyo late na. Magpahinga na kaya tayo. May bukas pa naman," natatawa kong sabi sa kanya. Sana makumbinse ko.
"Pinapaalis mo na ako?" amused na tanong nito.
"Hindi naman sa --"
Ngumiti ito. "It's okay. Paalis na rin ako. I was just messing with you. Baka gutom na ang pusa mo, pakainin mo muna. I'll talk to you tomorrow," pagkuway sabi nito.
"Ha?"
"I have your cellphone number, remember?"
Alanganin akong ngumiti at tumango. "Okay, I will talk to you tomorrow. Ingat ka sa pag-uwi. Salamat sa pagkain."
Nang maisara ko ang pinto at mai-lock ay madali akong nagpunta sa kwarto ko. Si Kastelana ay nakatulog na pero hindi sa kama -- nasa sahig ito at himbing na. Balak ko pa sana s'yang tanungin pero sa tingin ko ay wala akong makukuhang sagot. Sabi ko nga kanina, may bukas pa naman.