SAGLIT kong pinagmasdan si Kastelana sa sahig. Aparisyon lang s'ya kanina pero ilang sandali pa ay naging totoong tao ito. Hindi kaya delayed reaction lang ang nangyari kanina? Ikaw ba naman ang manggaling sa loob ng libro. Gustuhin ko man s'yang gisingin ay mukhang tulog na tulog na ito. Kumuha na lang ako ng comforter at kinumutan s'ya. Nakita ko sa may gilid n'ya ang libro. Ito siguro ang nalaglag kanina na narinig namin ni Gabriel. Pinulot ko ito at dinala sa kama. Nakahiga na ako ng maalala kong hindi pa pala ako nakapag-toothbrush. Hindi ko kasi matanggihan ang Chinese food na dala ni crush. Tamad na tamad akong bumangon pero nang maisip ko na ilang linggo nga pala akong walang pasok ay pwede pala akong mapuyat. Nang matapos ako ay binalikan ko ang libro sa kama ng mahiga ako. Th