FLASHBACK continued... NANDITO na kami sa tagpuan matapos ang limang minutong paghahanap. Habang naghihintay kami ay kumain kami ng ilang pirasong prutas na ibinalot namin sa aming kamiseta. Hindi bale ng madumihan ang damit namin, itim naman ito at hindi halata ang dagta. Nakita rin namin ang biriba kanina hindi kalayuan sa salungugapit. Ang biriba ay nahahawig sa atin pero maliliit ang buto. Ang sabi nina Madam ay ginagamit ang maliliit na butong ito para gawing pamatay ng insekto kapag nahaluan na ng kemikal. Busog na kami at kadidighal lamang ni Anita ng dumating ang mga kasama namin sa grupo na pawisan at pagod na pagod. "Kanina pa kayo dito?" tanong ni Mariana. Nakakunot ang noo nito at halatang inis. At ang kaibigan ko na likas na mapang-asar ay sumagot ng nakangisi. "Aba, oo