"KASTEL," narinig kong tawag ni Kastelana sa akin. Para akong nagising mula sa nakaraan. Noong kinukwento n'ya sa akin ang pagkabata n'ya ay para bang ginawa ko rin ito -- it was like we were the same person at a different time. Reincarnation? I don't believe in that. Napailing ako. "Akala ko ay tuluyan ka ng naging estatwa," sabi nito sa akin at napahilot sa sentido n'ya. "Kaste -- ang haba ng pangalan mo. Pwede bang Lana na lang?" tumango naman ito. "Salamat." Ang dami kong gustong itanong sa kanya at nang tingnan ko ang orasan sa pader ay isang oras na kaagad ang nakalipas? "Sa kwento mo ay sixteen ka nang una mong makita ang kapangyarihan mo?" "Oo. Hindi ko 'yon sinasadya. Nang magpakita ang puting babae sa lawa ay nalaman ko na doon nagsimula ang lahat ng ito. Ang lolo at lol