KATAKOT takot na pagtanggi ang inabot ng short ko kay Lana. Hindi daw s'ya magtatrabaho sa kabaret. Napatampal ako sa aking noo. Kabaret agad? Pwedeng mainit lang ang panahon at millenium na kaya nagsusuot na ng shorts ang tao? Ngayon ay naglalakad kami papuntang bus stop para magpunta sa palengke nang tumigil ang isang bagong kotse sa harap namin. Nang bumaba ang bintana ng sasakyan ay narinig ko ang pagsinghap ni Lana. "Alaric," sambit n'ya. Para itong gulat na gulat ng makita ang lalake. Pasimple ko s'yang siniko at binalingan ang lalake sa manibela. "Gabriel, what brings you here?" "Sabi ko naman sa 'yo, babalik ako." "So, intsik ka na ngayon?" "Ha?" tanong nito. "Ang taas pa ng sikat ng araw, nandito ka at nanliligaw." "May oras ba ang panliligaw?" tanong n'ya sa akin. Dam