Chapter 3

1294 Words
Napatakip ako ng aking bibig nang dumagsa na ang security guard. Pinalayo nila ako roon pero kinakabahan pa rin ako dahil nagkagulo. Sinubukan ko na ngang pahabain ang pasensya ko pero masyado akong sinusubok ng mga tao. Ang nagpalaki oa ng problema ay ang pagsuntok na lamang ng lalaki sa kaniya at ang malala pa ay binugbog niya ’to nang sobra. Pumintig ang aking sintido nang tuluyan na nilang itayo at paghiwalayin ang dalawang lalaki ngunit sa gulat ko, natagpuan ng aking mga mata ang lalaking kausap ko lamang kanina at binibigyan ng order niyang mojito na ngayon ay hinihingal at salubong ang kilay na nakatingin sa akin. “Sir, wait lang po—” “Let me go!” sigaw ng lalaki at mabilis iwinaksi ang kaniyang siko bago magpunta sa aking gawi ngunit mabilis siyang napatigil nang may tumawag sa kaniya. “Valerian!” Lumingon ang lalaking papunta sana sa akin at nilingon ang lalaking tumawag sa kaniya. Hindi ko alam kung Valerian nga ba ang pangalan niya o nickname niya lang? Hindi ko kasi inalam kanina dahil hindi naman ako interesado. Ngunit ngayon na iniligtas niya ako sa lalaking ’yon kahit na kaya ko naman, nagkagulo na naman ang mga paru-paro sa aking tiyan. “Kami na ang bahala rito,” aniya ng lalaking bagong dating saka lumingon sa aking gawi. Hindi ko alam kung magkamag-anak ba sila o ano pero bakit mukhang may pagkakahawig silang dalawa? “Siguraduhin mong hindi makakalabas sa kulungan ang lalaking ’yan. Kapag nakalabas, mapapatay ko nang wala sa oras,” madilim na babala niya sa kaniyang kasama bago lumingon sa akin. Lumapit naman siya sa aking gawi bago hawakan ang aking siko na nagpalaki ng aking mga mata. “Let's go.” “Ha?” gulat na tanong ko sa kaniya. “Hindi puwede. Kailangan kong—” “Let’s go, Hyacinth,” mariing sita niya sa akin. Napasinghap naman ako sa gulat dahil hindi ko inaakala na tatawagin niya ako sa aking pangalan. Akala ko ay tatawagin na naman niya akong miss pero nagkakamali pala ako. Hindi ko tuloy lubos maisip na tatawagin ako sa aking pangalan ng taong hindi ko naman kakilala. Ang alam ko lamang ay customer ko siya rito sa bar pero bukod pa roon, wala na akong alam sa kaniyang buhay. Ramdam ko naman na hindi siya masamang tao dahil hindi madilim ang kaniyang aura. Mabigat lang at puno ng awtoridad pero bukod doon ay wala na. Kaya sigurado akong mabait siya. Nagpatianod na lamang ako habang hawak-hawak niya ang aking siko. Tuwid na tuwid ang kaniyang paglalakad na animo ay hindi uminom nang ilang bote kanina. Umasim ang aking mukha pagkarating namin sa parking lot. Mukhang balak niyang umalis dahil nagtungo kaagad siya sa isang puting sports car na halatang mamahalin. Limited edition ba ’to o ano? Wala kasing plaka sa gilid. Kaya possibleng mayaman siya. Multimillionaire siguro. Kapag din naman milyonaryo, hindi rin sila naglalagay ng plaka sa kanilang nga kotse dahil may mga nakalagay roon na plate number na para lamang sa mayaman. Kaya imbis na ilagay nila, tinatanggal nila. Bakit ko alam? Siyempre, nabanggit na ’to sa akin ni Daddy. Inaral ko na rin kung paano ang mga galaw ng mga mayayaman. Kaya may time talaga na wala akong ginagawang kalokohan para maiwasan ang gulo. Ayaw ko rin namang idamay sina Mommy dahil lamang sa pagiging mainitin ng ulo ko. Pakabukas niya ng pinto sa passenger seat, hindi ako pumasok. Tinitigan ko lamang siya at tinatansya kung lasing na ba siya o hindi pa. Pero hindi ko naman kasi kayang hayaan siyang magmaneho dahil baka mamaya ay may mangyari pang masama sa akin. May tiwala naman sana ako sa kaniya kung nasa matino siyang pag-iisip, hindi lasing o hindi nakainom. Inilahad ko ang aking kamay sa kaniyang harapan habang tinitingnan ang kaniyang mga asul na mata. Umangat naman ang kaniyang isang kilay sa aking ginawa pero hindi ako nagsalita. “What?” nagtatakang tanong niya sa akin. “Susi,” maikling sambit ko. Bumalik naman sa dati ang kaniyang kilay pero nangitla naman ang kaniyang noo sa aking naging sagot. Ako na lang ang magpipresintang magmaneho. Ibibigay na lamang niya sa akin ang kaniyanga address at ako na ang bahalang magtungo roon nang maihatid ko siya sa kaniyang condo. Kapag kasi ako pa ang ihahatid niya, baka mapaano pa siya. Hindi naman kaya ng konsensya ko ’yon lalo na kung ako ang huli niyang kasama. “Susi ng alin?” nalilito ngunit seryosong tanong niya sa akin. “Kotse mo. Ako ang magmamaneho,” paliwanag ko sa kaniya. “Akin na.” “No. Ako ang magmamaneho, Hyacinth,” pamimilit pa niya. Lumundag naman ang puso ko sa saya lalo na nang marinig ko na naman ang pagtawag niya sa aking pangalan. Ngunit ipinilig ko ang aking ulo at tinaasan na naman siya ng kilay. Hindi puwedeng siya ang magmaneho dahil nga nakainom siya at wala akong pakialam kahit gaano pa kataas ang alcohol tolerance niya. Ako nga, hindi ako nagmamaneho kapag nakainom ako dahil delikado. Ayaw ko rin namang gawin ang bagay na ’yon dahil baka mamaya ay mapaano pa ako. “What do you mean? Alam mong nakainom ka pero ikaw magmamaneho?” mapang-asar na tanong ko sa kaniya. Nakakatuwid at nakakalakad naman siya nag maayos kaya alam kong kaya niya pero hinding-hindi ako mapapakali kapag alam kong nakainom siya kahit gaano pa ’yan kaliit. “Huwag mo akong utus-utusan. Gusto ko pang mabuhay,” pagsusungit ko sa kaniya, “Kaya ibigay mo na sa akin ang susi ng sasakyan mo kung gusto mong sumama ako sa iyo.” Umigting naman ang kaniyang panga habang nakatingin sa akin nang masama. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, kanina pa siguro ako nakahandusay sa maruming kalsada. Ngunit kailangan kong magmatigas dito. Buhay ko ang nakasalalay. Kung gusto man niyang mamatay, huwag na sana siyang mangdamay. Ilang saglit pa nang pagtititigan naman saka niya inilagay ang kaniyang palad sa kaniyang bulsa. Nanatili lang akong naghihintay hanggang sa ibigay niya ang susi sa aking kamay. Ngumiti naman ako sa kaniya nang tipid saka naman itinuro ang passenger seat. “Take your sit, sir,” magalang na sambit ko. Umirap naman siya sa aking ginawa ngunit pumasok rin lang naman siya sa loob ng kaniyang sasakyan. Ang tangkad-tangkad niyang tao pero grabe kung magmaldita. Cold nga siya, bossy pero maldita rin naman. Isinara ko kaagad ang pinto ng kaniyang sasakyan bago naman nagtungo sa driver’s seat habang nilalaro ang susi ng kaniyang sasakyan. Naka-apron pa ako pero hindi ko na tinanggal dahil panigurado namang ihahatid ko lang ang lalaking ’to sa kaniyang bahay o condo. Kapag naihatid ko na siya, babalik na lang ako rito sa bar para ayusin ang lahat. Hindi ko rin naman kasi papalagpasin ang nangyari kanina dahil ang dami niyang puwedeng bastusin, ako pa. Hindi pa man din ako nagpapatalo lalo na kung babatuhin ako nang ganoong salita pero nang sumagi sa isip kong ikukulong nga pala siya ni Valerian, mukhang hindi na yata ako makakabawi pa sa kaniya. Habang ako ay nagmamaneho, minsan ay sinusulyapan ko sa siya dahil hindi man lang siya nagsuot ng seatbelt. Mukhang labag pa sa kaniyang kalooban na ako ang magmamaneho ng kaniyang sasakyan dahil lasing siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa harapan at hindi sumusulyap sa aking gawi. Mabuti na rin naman ’yon kung tutuusin kaso ang problema ay hindi ko alam kung saan siya nakatira. Sinubukan ko na rin naman siyang tanungin pero hindi niya sinasabi. “Saan nga kasi ang bahay niyo?” pamimilit ko pa habang binabagalan ko ang pagmamaneho. Ilang beses pang na-overtake-an ang sasakyang minamaneho ko pero wala naman akong pakialam. “Kung hinayaan mo akong magmaneho, sana kanina pa tayo nakarating.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD