Chapter 4

1258 Words
“Puwede naman kasing sabihin mo na lang kung saan ang address nang matapos na ang pag-aaway natin,” paliwanag ko sa kaniya. Kung makipag-away kasi ay akala mo bata. Base nga sa kaniyang mukha, pakiramdam ko kanina ay mas matanda siya sa akin pero bakit naman ganito siya makipag-away? Puwede naman kasing sabihin sa akin kung saan ang address hindi ’yong makikipagmatigasan pa. Hindi ko tuloy alam kung dala lang ba ’to ng alak dahil hindi naman siya gan’to kanina nang una kaming magkita. Para kasi siyang tahimik na tao, cold at higit sa lahat ay walang pakialam sa sasabihin ng iba. Bumuga na lamang ako ng hangin at itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada bago lumingon sa lalaking nasa tabi ko. Kanina pa siya hindi naimik. Ultimo pagsuot ng seatbelt, ayaw niya. “Please, kailangan ko pang bumalik sa bar. Kung ayaw mong sabihin kung saan nang maiuwi na kita, bababa na lamang ako,” paliwanag ko. Gabi na kasi. Kailangan ko na ring bumalik roon para mabantayan ang bar. Marami pa namang tao maya-maya dahil paniguradong dadagsain na naman ang bar namin. Ayaw ko namang biguin si Daddy dahil sinabi naman niya sa akin na kailangan kong magpunta roon para bantayan at tulungan sila tapos biglang nagkaroon ng aberya. Lalabas na sana ako ng sasakyan niya para magpara ng taxi pero mabilis niyang inabot ang aking kamay na nagpalingon naman sa akin sa kaniyang gawi. Kumukulo na ang dugo ko. Kung tutuusin ay hindi naman dapat ako nandito kung hindi niya ako hinila papunta sa parking lot. Akala ko rin ay ihahatid niya lang ako pero hindi pala. Dahil ultimo siya ay walang balak sabihin kung saan siya nakatira. “Don’t worry about your duty. Sinabi ko na sa pinsan ko na siya na ang bahala roon,” pigil niya sa akin para pakalmahin ako ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay dahil naiinis na talaga ako sa kaniya. Kung balak niyang patayin ang oras ko sa walang kuwentang bagay, sana binigyan na lamang niya ako ng pera. Baka matuwa pa ako. Tapos ano ang sinasabi niyang pinsan na niya ang bahala roon? Seryoso ba siya? Alam naman niyang sa amin ’yon at hindi naman kami nagpapapasok nang kung sino sa bar counter para may makialam na customer. Alam naman ’yon ng mga tao. Kaya bakit bigla na lang niya sinasabi ang ganitong bagay? “Bakit ba sumusobra ka na? Ayos na sa akin ’yong ipinagtanggol mo ako pero hindi ’yong makikialam ka pa ng business namin,” naiinis na saad ko sa kaniya. Hindi naman niya binitawan ang aking siko at nanatiling nakatingin sa aking mga mata na para bang may mga sinasabi siya sa akin. Ngunit mas nagmatigas ako. Wala naman siyang karapatang hilain ako papunta sa kotse niya. Nagpadala rin ako masyado sa pagiging mabait ko at nakalimutan ko nga pa lang customer ko siya. Siguro ay dahil gusto ko lang magpasalamat sana sa kaniya pero ngayon, mukhang nagsisisi na ako. “I apologize,” bulong niya pero gumalaw lang ang aking panga dahil sa sobrang inis ko sa kaniya. “Ipinasara ko na muna para hindi na madagdagan ang gulo kanina. Inayos na rin ng pinsan ko ang tungkol doon. Sigurado rin akong magbabayad ang pinsan ko nang triple sa inyo dahil ipinasara muna saglit ang bar niyo.” Kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang naging rason. Bakit kasi niya kinakailangan na isara ang bar namin kung gayon na bukas naman dapat ’yon hanggang alas tres nang umaga? Tapos magbubukas na naman ’yon nang alas kuwatro ng hapon. Masyado na siyang sumusobra. Kaya ba kalikot siya nang kalikot sa cellphone niya kanina habang nagda-drive ako kasi gusto niyang gumawa ng desisyon nang hindi sinasabi sa akin mismo? Ako ang inutusan ni Daddy pero siya? Stranger lang naman siya sa akin. Customer ko siya. Kaya wala dapat siyang pakialam kung magkaroon man ng gulo ulit kung ipinagpatuloy namin ’yon hanggang alas tres. Business naman namin kasi ’yon. Kailangan naming kumita at kailangan naming i-promote pa lalo ang bar namin at ang mga alak na ginawa ni Daddy tapos siya? Ipinasara na lang niya nang basta-basta? Ano ’to? Kalaban ba namin siya sa business at naninira na lang basta ng business? Hindi ko siya maintindihan! Kaunti na lang talaga ay tatamaan na siya sa akin. Kapag talaga hindi ako nakapagtimpi, kahit gaano pa siya kayaman kung pakialamero naman, makakatikim talaga siya nang sipa sa akin. “Kailangan niyo munang magpahinga. Alam kong malaki ang mawawala kaya nagbayad kami nang triple,” dagdag pa nito habang nagngingitngit na ako sa galit. Sumasama na rin ang timpla ng aking mukha dahil sa kaniyang sinasabi. Kaya hindi na ako nagsalita pa. “Regarding sa issue, don’t worry about that. Kami na ang magko-cover sa bagay na ’yon. Hindi rin naman namin hahayaang masira ang business niya dahil sa ganoong customer.” Inirapan ko siya at binawi ang aking siko. Mabuti na lamang at hinayaan naman niya ako sa aking ginawa. Saka may point naman siya sa bagay na ’yon pero masama pa rin talaga ang loob ko kung bakit hindi niya man lang tinatanong muna ang aking opinyon sa ganoong bagay. Sana next time, kapag alam naman niyang hindi kaniya ang isang bagay, huwag niyang pakialaman basta-basta. Puwede naman kasing magpaalam muna siya at hintayin kung papayag ba o hindi matapos niyang ipaliwanag sa akin. Matapos ang naging usapan namin, sinabi niya kung saan siya nakatira at sa isang kilalang hotel pala siya nakatira. Ibig sabihin lamang no’n ay mayaman siya— sobrang yaman pala niya. Imagine, sa isang kilalang hotel siya naninirahan. Isang condo roon ay madalas aabot nang ilang milyon. Iba pa ang bill, tax at kung anu-ano pang kailangan niyang bayaran. Kaya ngayong narinig ko na sa Smirnov Hotel siya nakatira? Parang nabuhusan ako nang malamig na tubig dahil sa kaniyang sinabi. Napalunok na lamang ako ng aking laway at minabuting pakalmahin ang aking sarili kahit na nanginginig na talaga ako sa nerbyos. Kaya pala kaya niyang bayaran nang triple ang nawalang customers namin dahil isinara niya ’yon nang makapagpahinga ang lahat. Sobrang yaman pala talaga niya. Akala ko pa man din ay hindi siya sobrang yaman. Kung baga ay mayaman siya kagaya ko kaso mali pala ako. Nang tumigil ang sasakyan sa parking lot na nasa harapan lamang ng Smirnov Hotel, hindi na ako nagsalita pa at lumingon na lamang sa kaniya para ibigay ang susi ng kaniyang sasakyan para sana makaalis na ako. Ayos na rin kasi sa akin na nandito na ako kung saan siya nakatira pero matapos ’yon ay aalis na ako. Alangan naming ihatid ko pa siya papunta sa condo niya? Para ano? Hindi naman ako siraulo. Oo, nakakaramdam ako ng init sa katawan ngayon kahit na wala naman kaming ginagawa pero hanggang doon lang dahil alam ko naman kung ano talaga ang dapat kong iwasan. Saka kaya ko namang tiisin ’to. Siguro ay kakain na lamang ako sa bahay para tanggalin ang kung anong klaseng init ang nararamdaman ko. “Where are you going?” tanong niya sa akin nang buksan ko na sana ang pinto ng driver seat. “Huh?” Napalingon ako sa kaniyang gawi para taasan sana siya ng kilay pero pinigilian ko. “Aalis ka pa?” dagdag na tanong niya sa akin. “Ano ba sa tingin mo?” balik ko naman sa kaniya dahil obvious naman na uuwi na ako. Gabi na rin at kailangan ko na ring magpahinga. “Hindi na. Matulog ka na sa condo ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD