Paglapag na paglapag ko ng order ng lalaking kanina pa nakatitig sa akin nang seryoso, sinalubong ko siya nang matamis na ngiti para ipakitang hindi ako apektado sa kaniyang ipinupukol sa akin. I shouldn’t be afraid of them. Kung mayaman sila, I don't care. Ang mahalaga lang naman sa akin ngayon ay makipagplastikan at pigilan ang sarili kong mainis sa kanila kahit na nakakapikon ang mga ipinupukol nila sa akin. Parang hindi naman sila nakakita ng babae sa ginagawa nilang kalokohan.
“Enjoy your drink, sir,” wika ko bago talikuran ang lalaking nasa harapan ko dahil patuloy ang pagkabog ng aking puso.
“One shot of mojito again, miss.”
Napaawang ang aking labi sa gulat nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Nilagok ba niya isang baso? Hindi naman siguro siya siraulo para biglain ang iniinom niya, hindi ba?
Tumikhim ako bago lumingon sa kaniyang gawi. Sinulyapan ko muna saglit ang kaniyang baso na ngayon ay wala na pala talagang laman bago ibalik sa kaniyang mga mata. Mukhang nilagok na lamang niya basta-basta at parang sanay na sanay ’to sa pag-inom ng alak dahil hindi halata sa kaniyang mukha na tinamaan siya sa ibinigay kong order niya.
“Pardon, sir?” mahina kong tanong dahil hindi naman gaanong malakas ang music dito sa loob ng bar.
Binasa niya ang kaniyang ibabang labi gamit ang kaniyang dila bago magsalita, “One shot of mojito.”
“Noted, sir,” pagsuko ko na lamang at akmang aalis na sana muli ngunit tumikhim siya para kunin na naman ang aking atensyon. Pagod akong lumingon sa kaniya dahil nagsisimula na naman akong mainis sa kaniyang ginagawa. Hindi ko alam kung dahil ba maikli ang pasensya ko o ayaw ko lang talagang paulit-ulit ang kaniyang pagtawag sa akin? P’wede naman kasing idiretso na lamang niya hindi ’yong ganito.
“Just bring your things here. Pabalik-balik ka pa kung pupunta ka roon,” maikling wika niya. “I’ll double my bill. Triple if you wanted.”
Ngumiti naman ako nang hilaw sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating. Kung dahil ba mayaman siya o ayaw niyang mag-serve ako sa ibang tao para hindi ako pabalik-balik sa puwesto niya. Ngunit mukhang impossible naman ang pangalawa. Baka dahil lang hambog siya at gusto niyang ipamukha na mayaman siya kaya sinabi niya ang gano’n.
Hindi na ako nagsalita pa sa kaniyang sinabi. Ang ginawa ko na lamang ay bumalik sa puwesto ko kanina para kunin ang aking gamit. Mukhang balak niyang uminom nang uminom hanggang sa maumay siya. Baka may problema rin. Siguro ay kailangan kong habaan na lang muna ang pasensya ko. Baka mamaya ay magkasagutan pa kami at ’yon ang ayaw kong mangyari. Kahit naman short tempered ako, kailangan ko pa ring mag-ingat lalo na at may image akong inaalagaan. Hindi naman pupuwedeng magalit ako nang magalit hanggang sa masira ang image ko sa business. Kahit papaano naman din ay may hiya ako saka ako ang susunod sa yapak ni Daddy. Hindi puwedeng ma-disappoint siya sa akin. Ayaw ko rin namang ma-disappoint ako sa sarili ko dahil mas malala ’yon.
Hindi ko alam kung ilang oras na rin ang lumipas. Basta patuloy lamang ako sa pag-serve ng alak sa lalaking ’to. Medyo nahihiwagaan din ako sa sarili ko kung bakit nadadala ako sa mga titig niya. Wala namang masama sa titig niya sa akin pero para kasing napapalibutan ako ng apoy. Nag-iinit ang katawan ko sa hindi malamang dahilan.
Hindi naman ako inosente para sa bagay na ’to. Nasa tamang edad na rin naman ako. Ngunit wala akong experience. Ang tanging nasa isip ko lang kasi ay mag-aral para makakuha ng achievements sa buhay. Gusto kong maging kagaya ni Daddy na kilala sa business industry dahil sa kaniyang galing sa pagpo-produce ng mga alak. Mababa ang sampung alak na inire-release ni Daddy sa isang taon. Ang kinagandahan pa ay maraming nagde-demand na consumers namin tungkol sa alak na ginagawa ni Daddy dahil ibang-iba raw ang lasa nito.
Siguro ay dahil mahilig mag-experiment si Daddy at nakahiligan talaga niya ang alak magmula pa noong siya ay binata kaya bihasa na siya sa larangan na ’to. Kaya gustong-gusto kong matuto para maging kagaya ni Daddy.
“What’s your name?” tanong ng lalaki sa akin habang nagtitimpla na naman ako ng kaniyang inumin.
“Hyacinth Scylla Levin, sir,” sagot ko gamit ang mahinahon kong boses.
“Levin? You’re the daughter of Alexander Levin? The owner of this bar and owner of the liquor company here in the Philippines?”
Lumingon ako sa kaniyang gawi at ngumiti nang tipid. “Yes, sir.”
Umangat naman ang kaniyang kilay sa aking naging sagot ngunit imbis na makipagtitigan pa sa kaniya ay minabuti ko na lamang ituloy ang aking ginagawa.
“So, that’s why you have a resemblance to your father,” pahayag nito.
Inilapag ko naman ang panibagong baso sa kaniyang harapan bago lumingon sa aming nga employee dahil nagkakagulo sila.
“Excuse me, sir,” paalam ko bago magtungo sa employee kong kanina pa hindi mapakali. May iilang napapatingin sa kanilang gawi ngunit hindi ko na ’yon binigyan pa ng pansin. Kailangan ko kasing ayusin muna ang waiter na ngayon ay nakayuko sa isang lalaki.
“Hindi mo ba alam kung magkano ’to?” sigaw ng lalaki at dinuro pa ang employee namin.
Napaangat naman ang kilay ko sa kaniyang ginawa bago lapitan ang waiter na ngayon ay kinakabahan nang sobra. Tinapik ko ang kaniyang balikat at itinuro muna ang kusina para ilayo muna siya sa lalaking ’to. Halatang bago pa lang din kasi siya. Kaya kailangan kong kausapin mamaya. Sa ngayon, kailangan ko munang kausapin ang matapobreng lalaking nasa likod ko.
“Pasensya na po, ma’am,” naiiyak na bulong niya sa akin. “Sana po hindi niyo po ako tanggalin. Hindi ko naman po sinasadya.”
“It’s okay. Magpunta ka na muna sa kusina para makahinga ka nang maayos,” paliwanag ko na dali-dali naman niyang sinunod.
Nang makita kong nakapasok na siya sa kusina, mabilis naman akong humarap sa lalaki na ngayon ay pinagbuntunan naman ako ng galit.
“I apologize for that, sir,” hinging paumanhin ko dahil nakita kong nabasa pala ang damit niya. Mukhang nagkabanggaan sila habang magbibigay ng order ang aking employee.
Hindi naman kasi maiiwasan ang ganitong senaryo pero nakakapikon kasi kapag tarantado ang isang tao. Kung puwede lang ibalibag ang lalaking ito, ginawa ko na. Kaso hindi ko naman puwedeng gawin ’yon lalo na kung wala naman siyang ginawang masama sa akin. Hindi kasi puwedeng basta ko na lamang siyang saktan nang walang valid reason.
“Apologize? Tingin mo ba may magagawa ang paghinga niyo ng paumanhin? Sino ka ba sa akala mo? Babae ka lang naman dito,” aroganteng sigaw niya sa akin.
Sinubukan ko namang ngumiti sa kaniya nang tipid dahil sinisimulan na naman niyang ubusin ang pasensya ko. Kapag talaga isang panlalait pa niya ang ginawa niya sa akin, tatamaan talaga siya nang sobra sa akin.
“Sir, pagpasensyahan niyo na po. Hindi naman po niya sinasadya. Kapag po kasi maraming tao ang—”
“Hingi ka nang hingi ng tawad! Wala naman akong mapapala sa sinasabi mo. Tingin mo ba matutuyo ang damit ko? Hindi naman!” sigaw niya muli. Ramdam kong napatingin na ang lahat sa amin dahil wala na rin ang music kanina kaya paniguradong naririnig na nila kami pero nanatili lamang akong kalmado. “Kung sumama ka na lang sa akin baka matuwa pa ako—”
Napasinghap ako sa gulat nang bigla na lamang siyang natumba. Hindi pa nakuntento ang lalaki sa suntok na ginawa niya dahil dinaganan pa niya ito bago pinagsusuntok.