Valerian Cain Smirnov
Valerian Cain Smirnov
Hearts Aligned Series #2
Hyacinth Scylla Levin
“s**t!” malutong na mura ko nang makita ko ang pamilyar na mukha sa may hindi kalayuan.
Siya ’yon! Hindi ako puwedeng magkamali. Naaalala ko ang pagmumukha niya magmula nang gabing ’yon. Hindi naman kasi ako mabilis makalimot ng tao kahit gaano pa ako kalasing. Ang problema ko lang ay paano kung makilala niya ako? Ano na ang gagawin ko? Nakakahiya kung aakto ako na parang walang nangyari kahit mas malalim pa roon ang nangyari sa amin!
“Gwynne, alis na muna ako,” paalam ko sa aking pinsan.
Same year kami. Third year college at Business Administration ang course. Kaya hindi ako nahirapan makapag-adjust nang pumasok ako rito sa campus dahil pare-prehas naman kaming magpipinsan na nag-aaral dito.
Si Ate Khione ay fourth year college na. Kaunting panahon na lang ay makakapag-graduate na siya habang kami naman ni Gwynne ang susunod na ga-graduate.
“Huh? Bakit naman? May pupuntahan ka?” nalilitong tanong ng aking pinsan.
Hilaw akong ngumiti kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko talagang kumaripas ng takbo dahil nga sa lalaking bigla na lang lumitaw rito sa aming campus.
Sa pagkakaalala ko ay hindi siya college student. Nakasuot kasi siya ng formal attire noon at halatang kagagaling lamang sa isang business meeting. Ang mukha rin kasi niya ay hindi mukhang student dahil sobrang mature nito. Pakiramdam ko ay nasa limang taon ang gap naman.
“May bibilhin lang ako sa canteen,” palusot ko sa kaniya.
“Bibili ka na naman? Katatapos lang natin magmeryenda, hindi ba?“ tanong muli niya sa akin.
Ang daming tanong ni Gwynne! Daig pa niya reporter kung makapagtanong sa akin. Bakit ba kasi hindi na lang niya ako hayaan nang makaalis na ako sa lugar na ’to? Matagal pa naman kasi ang next subject namin. Alas dos pa! Anong oras pa lang? 10:00 am pa lang!
“Oo. Feel ko, hindi ako nabusog kasi kanina,” sagot ko sa kaniya at kinuha ang nga gamit ko. “Balik na lang ako mamaya. May pupuntahan din kasi ako.”
“Huwag kang mag-absent!” sigaw ni Gwynne nang makalayo na ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi naman kasi talaga ako gutom pero kung hindi ako aalis sa lugar na ’yon, baka mamukhaan niya ako. Ilang araw kaming hindi nagkita matapos ang gabing ’yon. Ngayon na lumitaw siya sa campus kong sobrang lawak, mukhang pinagtatagpo na naman kami ni Cupid.
Ipinilig ko ang aking ulo at dali-daling nagpunta sa main library ng campus namin. May kalawakan din ’to dahil nga main library na. Kulang ang tatlong palapag at isang covered court para lamang matumbasan ang main library.
Pagpasok na pagpasok ko sa library, binati na kaagad ako nang malamig na hangin na nagmumula sa air conditioner. Medyo napangiwi pa ako dahil mainit sa labas tapos pagpasok sa library ay sobrang lamig.
Mabuti pa sigurong magpalipas muna ako nang oras dito dahil baka matatagalan pa bago umalis ang lalaking ’yon. Sa dinami-dami ba naman kasing puwedeng makita ngayon, bakit ang lalaking tinakbuhan ko pa?
Pumuwesto ako sa pinakasulok ng library at naupo sa bakanteng table. Napahinga ako nang maluwag nang mapansin kong medyo marami rin ang tao rito sa library kumpara no’ng last na pagpunta ko rito.
“Found you,” wika nang isang pamilyar na boses. “You think you can runaway from me, Hyacinth?”