Chapter 1

1267 Words
Hyacinth Scylla Levin’s Point of View “Daddy,” tawag ko sa aking ama nang maabutan ko siya sa kaniyang office. Kagagaling ko lamang sa school. Mabuti nga at wala kaming subject ngayon. Kaya nakauwi ako nang maaga. May sariling business si Daddy, isang liquor company. Madalas ay tumitikim ako ng alak hanggang sa hindi ko napapansin na nagugustuhan ko na ’to. Mataas din ang alcohol tolerance at saka lang ako nalalasing kung pagod na pagod ako saka walang tulog. Paglingon sa akin ni Daddy, tinanggal niya ang kaniyang reading glasses at niyakap ako. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo na nagpangiti sa akin. Only child lamang ako kagaya ni Gwynne. Kaya madalas din kaming magkasama ni Gwynne ay dahil same kami ng course, section at year. “Maaga ka ngayon,” pahayag ni Daddy nang bitawan niya ako. Sabay naman kaming nagtungo sa sofa para umupo habang nakaakbay sa akin si Daddy. “Yes, Dad. Wala kasi akong next subject dahil may emergency meeting lahat ng professor. Kaya dumiretso ako rito kasi baka may maitulong ako,” wika ko. Natatawa namang umupo si Daddy sa chaise lounge habang ako ay nanatiling nakatayo at tinanggal ang pinamili kong pagkain para sa aming dalawa. Panigurado kasing hindi pa kumakain si Daddy dahil tambak ang mga paperwork niya. Kaya nga minsan ay binabaunan pa siya ni Mommy para lamang makakain. Nalilipasan kasi ng gutom madalas si Daddy at ayaw naman namin ni Mommy ’yon. Lumalago nga ang business niya pero hindi naman siya healthy. “You don't have to, sweetheart. Kaya ko naman ’yon,” pigil sa akin ni Daddy na nagpairap na naman sa akin. Inilapag ko ang pizza na binili ko at hamburger sa round table. Ramdam kong nakatitig sa akin si Daddy at parang binabasa ang iniisip ko. “Dad, nakakalimutan mo na namang kumain. Nabilinan ka na namin ni Mommy pero ang tigas pa rin talaga ng ulo mo,” problemadong sermon ko sa aking ama. “Sweetheart, it’s okay. Hindi naman ako gutom—” “Ganiyan palagi ang sinasabi mo, Daddy. Kailan ka ba makikinig sa amin na unahin mo muna ang kalusugan mo?” tanong ko sa kaniya at hindi pinansin ang rason niya dahil paulit-ulit na niya ’yong sinasabi. Sanay na sanay na ako sa mga lumalabas sa kaniyang bibig. “Kaugali mo talaga ang mommy mo—” “Malamang! Anak niyo ako, Dad,” pagsusungit ko sa kaniya na ikinatawa naman niya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero tawang-tawa siya kapag sinasabi kong anak nila ako. Totoo naman kasi! Kanino pa ba ako magmamana kung hindi ay sa kanilang dalawa lamang? Minsan talaga ay hindi ko makuha ang pag-iisip ni Daddy. Habang binabantayan ko siyang kumakain, nag-i-scroll ako sa aking social media account. Minsan ay may iilan akong nakikitang article tungkol sa pamilya namin pero wala namang bago roon. “Scylla,” tawag ni Daddy sa akin habang ngumunguya pa. Lumingon ako sa kaniyang gawi nang nakakunot ang noo dahil hindi man lang niya naisipang lunukin muna ang kaniyang kinakain. Sakto namang paglingon ko ay nakita kong kalulunok lamang niya. “Puwede bang pumunta ka na muna sa bar natin? Hindi ako makakapunta ngayon dahil busy ako sa mga document. Kailangan ko kasing matapos ’yan hanggang mamaya,” paliwanag ni Daddy sa akin. “Sure, Dad. Wala naman akong projects or something,” sambit ko at saka inilagay ang aking cellphone sa bag. “Hanggang ilang oras ba ako roon, Dad?” “Not sure. Pero mas mabuting after dinner? Dadagsain na naman kasi yata ang bar natin at dapat nandoon ka para magbantay.” Tumango naman ako sa sinabi ni Daddy dahil naiintindihan ko ang kaniyang sinasabi. Totoo kasi ’yon. Madalas talagang dagsain ang bar namin lalo na ngayong Friday na. Malamang ay wala ng klase ang mga nasa legal age na at magwawalwal na naman. Kailangan kong bantayan ang bar namin dahil minsan ay nagkakaroon ng gulo lalo na kapag nagkakainitan. Madalas ay mga lalaki ang gumagawa ng gulo at hindi naman maganda kung marami silang masisirang gamit. Wala namang problema sa akin kung ako ang magbabantay. Nag-train din naman ako ng martial arts. Kaya wala talagang problema sa akin kahit makipagbugbugan pa ako sa mga kagaya nila pero siyempre ay hindi ko gagawin. Kapag ako ang owner ng isang bar, kailangan kong kumalma at tanggalin lahat ng aking pagiging mainitin ang ulo. Dapat ay kalmado madalas at prefessional pa rin. May business kaming liquor. Kaya naisipan ni Daddy na magdagdag ng business pa at ’yon ay ang bar para i-promote ang mga alak na mayroon kami. Hanggang sa nakilala ang mga alak na gawa namin at ang bar namin. Madalas ay dinadagsa ’to nang kilalang tao sa business. Minsan ay may mga nasa legal age na at tinitikman ang mga alak na mayroon kami. Kaya talagang sobrang proud ako kay Daddy kasi kahit hindi naman na siya magtrabaho ay may makukuha pa rin naman siyang shares sa mga business na hawak ni Tito Eziah, Daddy ni Ate Khione. Pagkarating ko sa bar namin, bumungad sa akin ang usok ng vape saka sigarilyo. Medyo nakakahilo ang amoy dahil iba’t ibang pabango rin ang nagkalat sa loob. Medyo marami na ring tao sa bar namin pero mas dadami pa ’to mamayang gabi. Mukhang over time na naman ako kung sakali nito. Minsan kasi kinukulang ako sa mga barista dahil dinadagsa talaga sila. Kaya minsan ay tumutulong ako sa kanila para mapabilis ang mga trabaho nila. Kung minsan din ay tumutulong ako sa mga waiter ko para hindi sila mapagod. Balak ko ngang mag-hire pa ng mga waiter at barista, ultimo cashier ay kailangan kong dagdagan dahil kawawa sila. Kapag naman ang mga chef, hindi na kailangan steak at lechon lang naman ang mga mahihirap na nasa menu namin. “Magandang hapon, Ma’am Levin,” bati sa akin ng iilang employee namin dito sa bar. Ngumiti lamang ako sa kanila at mabilis natungo sa bar counter para tulungan ang mga barista ko. Nagsuot ako ng apron at itinali ang aking buhok para malaya akong makagalaw bago simulang timplahin ang order nilang cocktail. Habang nagtitimpla ako, naramdaman ko ang isang mata na kanina pa nakatingin sa akin. Sanay naman na akong matitigan nang ibang customer. Minsan pa nga ay to the point na nakakailang na dahil parang hinuhubaran ka sa isip nila pero ’tong lalaking ’to, ibang-iba. Kinikilabutan ako sa titig niya kahit na wala naman ’tong bahid ng pagmamanyak. Para kasi ’tong seryoso at binabasa ang galaw ko. Ang aura niya rin ay mabigat at nakakanerbyos. “One shot of mojito, miss,” baritonong boses niya. Napalingon naman ako sa kaniyang gawi at bahagyang natigilan nang mapansin kung gaano siya kaguwapo. Makapal ang kaniyang kilay, seryoso ang kaniyang asul na mga mata, matangos ang kaniyang ilong, mapula rin ang kaniyang labi. Ang kaniyang jawline? Wala akong masabi dahil perfect ’to. Magulo rin ang kaniyang blonde na buhok at hindi ko alam kung bakit kumalabog ang puso ko nang mapansin ko ang dalawang butones niya na nakabukas. Litaw na litaw tuloy ang kaniyang collarbone at ang kaniyang dibdib. Tumikhim ako at tumango bago ipagpatuloy ang pagtitimpla ng old fashioned na cocktail. Isusunod ko ang kaniyang order mamaya. Sa ngayon ay kailangan ko munang mag-focus. Ngayon ko lang siyang nakitang bumisita rito. Ilan kasi sa mga customers namin ay pamilyar na sa aking mukha habang ang iba naman ay bago lang kagaya niya. Sumagi naman sa aking isip ang kaniyang mukha. Kaya napailing na lamang ako at mabilis tinapos ang aking pagmi-mix sa old fashioned cocktail.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD