Chapter 21

1241 Words

Sumama ang timpla ng aking mukha nang maglagay siya ng pagkain sa aking pinggan. Matapos ang naging usapan namin kanina, hindi na iyon nasundan dahil mainit talaga ang ulo ko. Hindi ko kayang makipagsabayan sa kaniya. Naiinis pa rin kasi ako sa naging usapan namin kanina. Kung ano kasi ang kaniyang gusto, ‘yon na ang kaniyang papakinggan. Mas lalo lang tuloy niyang dinagdagan ang atraso niya sa akin tapos ngayon maglalagay siya ng pagkain sa aking pinggan na parang wala siyang ginawang kasalanan? Sa katunayan nga ay kanina ko pa siya hindi pinapansin hanggang sa matapos siya sa kaniyang pagluluto. Ngunit ang problema ay wala naman akong ganang kumain. Naiinis kasi ako sa kaniya. Wala na akong ibang ginawa kung hindi sumunod na lang nang sumunod sa kaniya na para bang isa ako sa kaniyang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD