“Ano ba kasi ang pag-uusapan natin?” garalgal kong wika dahil sa nerbyos. Nakita kong umangat ang gilid ng kaniyang labi habang nakatingin sa akin nang mataman. He’s enjoying it. Halata na gusto niyang bina-blackmail niya ako para lang makapag-usap kaming dalawa. Hindi ba niya alam na nakakatakot isipin na posibleng may lumapit sa akin at patayin na lang ako basta dahil isa pala siyang mafia? “Hindi mo ako pinapansin. Kanina pa ako nagsasalita,” aniya na nagpatangis ng aking baga. Alam naman niyang nakakagulat ang sinabi niya sa akin kanina. Normal lang naman sa aking manahimik lalo na kapag nag-iisip ako. Gustong-gusto ko pa man ding tumakas kaso naalala ko, Smirnov siya at maraming mga alaga sa kung saan. The f**k?! “What do you want me to do then? Talk to you as if you didn’t reveal