Chapter 20

1238 Words

Pagpasok ni Valerian sa kaniyang kotse, mabilis ko siyang hinampas sa kaniyang braso. Puwede naman kasing umalis na lang kami hindi ‘yong basta na lang siyang lalabas at makikipagpalitan ng bala sa mga kalaban niya. Saka bakit ganoon na lang siya? Alam niya kung paano lumaban sa mga kalaban. “What?” tanong ni Valerian sa akin nang lumingon siya sa akin. Sakto namang naitago na niya ang kaniyang baril sa kung saan. Hindi ko nga lang alam kung saan niya inilagay ‘yon. Ngunit hindi naman ‘yon ang problema ko. Ang problema ko ay kung bakit hinayaan niya ang kaniyang sarili makipaglaban na lang sa mga kalaban niya nang mayroon ako rito. “What was that? P’wede namang umalis na lang dapat tayo at hayaan ang mga bodyguard mo roon! Paano kung natamaan ka ng bala?” tanong ko sa kaniya. Hanggang n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD