“Anong matulog sa condo mo?” nalilitong tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung nabingi lang ba ako o ano kasi masyado kong pinapakalma ang sarili ko. Saka marami rin naman kasing bumabagabag sa utak ko tapos dadagdag pa siya? Hindi ko naman kayang pagsabay-sabayin ang mga problemang mayroon ako sa buhay ko.
“Gabi na. Delikadong bumyahe mag-isa papunta sa bahay niyo tapos wala ka pang kotse,” paliwanag niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko nang mataman.
Sigurado ba siya sa pinagsasabi niya o dala lang ng alak? Kaya ko namang iligtas ang sarili ko sa kung ano. Para saan pa at nag-aral ako ng martial arts kung hindi ko gagamitin sa maayos na paraan, hindi ba? Saka kasalanan naman niya kung bakit ako nandito ngayon. Kung hindi niya lang ako hinila, sana nasa bar pa rin ako ngayon at inaayos ang gusot na nangyari.
Umirap naman ako sa kaniyang sinabi at piniling lumabas na lamang ng kaniyang sasakyan. Kung mag-alala sa akin, akala mo ay kilala na niya ako. Saka kaya nga ako uuwi para makapagpahinga at tanggalin ang init ko sa katawan na kanina ko pa nararamdaman. Hindi ko alam kung ovulation ko lang ba ngayon kaya hindi ako mapakali o baka dahil sa lalaking kasama ko ngayon? Ipinilig ko ang aking ulo para iwaksi ang iniisip ko ngayon. Baka nga dahil lang ovulation ko kaya siguro ganito. Hindi ko kasi matandaan kung kailan ako nagkaroon ng dalaw. Baka dahil malapit na akong magkaroon kaya hindi ako mapakali. Well, may times talaga na ganito ang nararamdaman ko. Minsan tumataas ang homornes ko at kailangan kong ilabas. Syempre, hindi naman ako gumagamit ng lalaki. Hindi naman ako playgirl. Malayong-malayo ako sa ganoon. Ang focus ko lang ngayon ay studies ko saka ang business namin.
Nagsimula akong maglakad papunta sana sa gilid ng kalsada at palayo sa Smirnov Hotel pero bago pa man ako makalayo nang tuluyan, naramdaman ko ang isang matigas na bisig na pumulupot sa aking bewang hanggang sa naramdaman ko na lang na umangat ang aking katawan.
Naamoy ko naman ang pamilyar na pabango ng lalaking inihatid ko. Hindi ako puwedeng magkamali na siya ’to dahil dumaan ang pabango niya kanina sa ilong ko. Kaya sinubukan kong magpumiglas hanggang sa nabilitan siyang buhatin ako na para bang bagong kasal.
“Tangina naman!” malutong na mura ko at mabilis na ipinulupot ang aking mga bisig sa kaniyang leeg. Tinapunan ko siya nang masamang tingin dahil sa sobrang inis ko sa lalaking ’to. Kung anu-ano na lang kasi ang ginagawa. Kung hindi manghihila, bigla namang mangbubuhat na akala mo ay hindi lasing. “Kapag nahulog tayo dahil sa kalasingan mo, sisipain ko panga mo,” pananakot ko sa kaniya.
Ngumisi naman siya sa aking sinabi na para bang nakikipagbiruan ako. Akala niya siguro hindi ko siya kayang kalabanin. Mga kagaya niyang lalaki, madali lang ibalibag. Black belter ako sa martial arts. Hindi madaling makakuha ng belt lalo na kung hindi naman magaling ang isang tao sa ganoong bagay. Kaya talagang nagpursige ako para maabot ko ’yon. Hindi naman ako mabigo dahil lahat ng paghihirap ko, nasuklian.
“Kaya kong umuwi,” pagrarason ko sa kaniya dahil totoo naman. “Kung hindi ka naman naniniwala, puwede namang ibigay mo ang susi ng kotse mo para ’yan na lang ang gamitin ko.”
“No. Sa condo ka na matutulog. Delikado,” pamimilit pa niya. Kaya napairap na lang ulit ako at piniling huwag lagyan ng emosyon ang aking mukha. May iilang napapatingin pa sa amin dahil nga buhat-buhat niya ako pero hindi ko binigyan ng pansin. Bahala sila sa iisipin nila. Siguro magpapatulong na lang ako kay Gwynne na huwag makakarating ang ganitong issue sa internet o kahit anong lugar dahil delikado sa career ko.
Business woman pa man din ako at anak rin nang isang businessman tapos gan’to ant makikita nila? Baka sabihin pang malandi akong nilalang dahil hinayaan kong buhatin ako nang isang lalaki papunta sa isang hotel. Hindi naman maganda ’yon sa image ko dahil madadamay at madadamay ang Daddy ko nito.
Pagkarating namin sa elevator, pinilit ko siyang ibaba ako sa pamamagitan nang pagkurot ng kaniyang balikat. Actually, matigas ang kaniyang balikat. Dahil siguro sa pagiging batak niya sa gym kaya wala akong makurot. Parang balat na nga yata ang nakukurot ko at hindi na laman niya.
“Ibaba mo nga kasi ako! Sasama na nga ako, eh!” pamimilit ko pa sa kaniya. Labag man sa kalooban kong manatili kasama siya sa kaniyang condo, panigurado naman kasing hindi niya ako titigilan hanggang sa sumama ako.
May aura kasi siyang pagiging bossy magmula pa kanina nang sine-serve ko sa kaniya ang drinks niya. Ayaw niya ring gawan ko ng drinks ang ibang customer. Gusto niya, siya lang daw.
Napailing na lang ako sa aking isipan dahil ultimo ganoong bagay ay nabibilog niya ako. Mukha kasing hindi siya tumatanggap ng sagot na hindi. Kailangan ay magawa ko palagi ang mga gusto niya.
“Later. Kapag nasa condo ko na mismo, puwede na kitang ibaba,” maikling sagot niya sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung nakailang irap ako sa kaniya ngayon habang nasa loob kami ng elevator. Mabuti nga at walang tao sa loob maliban sa amin. Kaya hindi nila kami mabibigyan ng mga titig na may halong malisya. Siyempre, paanong hindi nila ako tititigan nang may malisya kung binubuhat ako nang isang lalaki na hindi ko naman kilala? Baka nga mamaya, sobrang sikat ng lalaking ’to tapos wala akong kaalam-alam sa kaniyang existence. Paano naman kasi ako magkakaroon ng pakialam sa ibang tao kung ang buhay ko, pamilya at mga kamag-anak ko lang ang binibigyan ko ng pansin? Parang kaming magpipinsan nga ay walang boyfriend ko crush dahil masiyado kaming naka-focus sa buhay namin. Wala kaming time para makipaglandian at mukhang ako pa yata ang unang makakagawa no’n.
Pagpasok niya sa kaniyang condo, bumungad sa akin ang modern design ng kaniyang interior. Medyo nakakalula dahil halatang pinag-isipan ang lahat ng bagay. Magmula sa mga sofa hanggang sa combination ng kulay, lahat ay maganda sa aking mga mata. Paniguradong maganda rin ang presyo ng design na ipinagawa niya. Parang nakikita ko lang noon ’to sa internet tapos ngayon ay nakikita ko na sa personal. Ibang-iba pala talaga kapag sa personal mo makikita dahil ma-o-overwhelm ka sa ganda nito.
Kagaya ng kaniyang sinabi, ibinaba naman niya ako. Kaya napatayo ako nang maayos at hindi siya pinansin. Nalulula ako sa lawak ng condo niya. Kulang na lang, angkinin na niya ang isang palapag sa sobrang lawak! Hindi ko tuloy akalain na magkakapasok ako sa loob ng Smirnov Hotel at ang malala pa ay masilayan ang interior design ng isa sa kanilang condo! Kaya siguro mahal ang pagbili ng condo, bayad ng kuryente at tubig dahil nga sobrang ganda naman pala. Halatang hindi tinipid at akala mo ay mansion na.
“Dalawa ang kuwarto rito pero sa mismong kuwarto ko, roon ka matutulog,” pahayag niya.
Napalingon naman ako sa kaniya dahil sa bigla niyang sinabi. Hindi ko inaasahan na bibigyan niya ako ng permiso na matulog sa kuwarto niya pero tangina! Maling desisyon yata na lumingon ako sa kaniyang gawi dahil basta na lang niyang tinanggal ang kaniyang suot na white long sleeves! Topless tuloy siya sa paningin ko at tama rin ang akala ko. Maganda ang katawan niya. May eight pack abs ba naman, magandang braso na halatang nagbubuhat nang mabibigat, broad shoulders at medyo matigas din ang dibdib niya.
Inilihis ko ang aking mga mata at ramdam kong namula ang aking mukha dahil sa nasilayan ko. Ramdam ko rin mas lalong uminit ang katawan ko. “Siraulo ka ba? Basta-basta ka na lang nagtatanggal ng damit.”
“What's wrong? Damit lang ang tinanggal ko. Hindi ko naman hinubad lahat.”