Pinaglaruan ko ang aking daliri habang iniiwasan ang lalaking pagala-gala sa condo niya na nakasuot lang ng boxer. Yes, boxer lang. Walang suot na kung ano maliban sa boxer niya. Alam ko naman na condo niya ’to pero sana isipin man lang niya na may kasama siyang iba maliban sa kaniyang sarili. Humugot na lamang ako nang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili kong kanina pa kinakabahan. Hindi ko alam kung dahil ba topless siya o hindi kaya ay dahil nakakaramdam ako ng init magmula pa kanina? Ang hirap talaga kapag may time na nag-iinit ako tapos ikinulong pa niya ako sa isang lugar kasama siya.
Kasalukuyan siyang nagluluto ng dinner namin. Medyo nakakagulat nga dahil nakakaya pa niyang magluto kahit na nakainom siya. Ganoon ba kataas ang alcohol tolerance niya para hindi malasing? Nakakabilib kasi talaga. Mangilan-ngilan lang ang ganiyang lalaki o hindi kaya ay possibleng sanay na sanay lang siya sa pag-inom ng alak. Mag ganiyan kasing tao. Kapag nasasanay na sila sa alak, tumataas na ang alcohol tolerance nila at hindi naman malabo ang ganoon.
Magkadikit lang ang living room saka kitchen area niya. Kung baga ay nasa open space ’to at ang tanging naghahati lang ay ang bar counter niya. Amoy na amoy ko rin ang pagluluto niya at hindi ko alam kung tama ba ang pang-amoy ko. Steak yata ’yon at seafoods? Not sure. Basta para lang akong batang naghihintay sa isang tabi.
Hindi naman nagtagal ang pagluluto niya dahil inabot lamang ’yon nang ilang minuto bago niya ako tawagin. Noong una ay nagdadalawang-isip pa akong magpunta sa puwesto niya dahil sa nerbyos. Naiilang kasi akong nakakakita ng lalaking naka-topless tapos hindi ko pa gaanong kakilala. Idagdag na rin ang init na nararamdaman ko sa puson ko na hindi man lang kumalma.
“Hindi ka pa ba kakain?” tanong ni Valerian sa akin habang naghihimay siya ng hipon gamit ang kutsara't tinidor. Sanay na sanay siyang gamitin ’yon pangbalat at ’yon ang nakakamangha sa kanilang mga mayayaman talaga.
Ako kasi, mas gusto kong magkamay kahit na nasanay naman ako sa ganiyang paraan ng pagkain. Ewan ko ba! Hindi ko kasi ma-enjoy nang maayos. Kaya nga pinipili kong kumain nang nakakamay.
Matapos niyang balatan ang hipon, inilagay naman niya ang laman sa aking pinggan. Magkatabi lang kasi kami at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kumukuha ng pagkain ko. Siguro naaalibadbaran na siya dahil wala akong ginagalaw sa ulam na hinain niya.
“Not, it’s okay. Ako na,” naiilang na bulong ko bago kunin ang kutsara sa aking kanang bahagi.
“Sumisipsip ka ba ng ulo ng hipon?” tanong niya bigla sa akin bago na naman maglagay nang isang hipon sa aking plate. May iilan din siyang inilalagay na crap meat sa aking plato at medyo nakakataba ng puso.
Napailing naman ako sa aking naisip dahil hindi ko dapat nararamdaman ang gan’tong bagay. Ngayon lang kami nagkita tapos kung anu-ano na ang nangyayari sa isipan ko. Love at first sight isn’t true. Impossible namang magkagusto kaagad sa isang tao nang hindi pa naman lubusang nakikilala. Puwedeng naguguwapuhan ako pero hindi iyong gusto na parang gusto bilang lalaki. Napakaimpossible ng bagay na iyon. Literal na sobrang impossible.
“Magpapasundo na lang ako mamaya kina Daddy—”
“You’ll stay here, Hyacinth,” pinal na bulong niya.
“Bakit ba kailangan mong makialam?” tanong ko sa kaniya nang maubusan na ako ng pasensya. Hindi na nga ako mapakali sa nararamdaman ko tapos heto siya, dinadagdagan ang init ng ulo ko dahil lang gusto kong umuwi pero ayaw niya. Hindi naman dapat kasi kailangan na ganito ang gawin niya, dapat hinahayaan niya lang ako kasi hindi anman kami magkakilala. Hindi ba niya maintindihan ang bagay na ’yon?
Tinapunan ko siya nang masamang tingin nang napalingon siya sa akin dahil sa naging tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung tama pa bang makipag-away ako sa lalaking hindi marunong tumangga nang salitang hindi. Kasi nakakapikon na. Gusto ko na ngang magpahinga para sana makalimutan ko ang mga problemang dumating sa buhay ko kanina pero sinusubukan naman niya ang pasensya ko.
“Puwede naman kasing hayaan mo na lang ako. Wala ka naman kasing dapat gawin dahil hindi naman tayo magkakilala. Ayos na ’yong tinulungan mo ako kanina sa lalaking nangbastos sa akin,” mahabang lintaya ko ngunit hindi siya nagsalita. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin at kalmado rin ang kaniyang mukha. Hindi lumilitaw ang pagkakakunot ng kaniyang noo o hindi kaya ay hindi naging isang linya ang kaniyang labi na parang nagtitimpi. Walang ganoon. Literal na kalmado lamang siya at talagang tinititigan lang niya ako habang nagsasalita.
Lumundag ang puso ko nang titigan ko ang asul na mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit parang nahihipnotismo ako sa mga matang ’yon. Kaya naman minabuti ko na lamang na ilihis ang aking mga mata at simulan na lang kumain. Sa kabila ng bawat pagsubo ko, nanginginig ang kamay ko dahil sa nerbyos.
“Are you done?” tanong niya bigla gamit ang kaniyang kalmado at baritonong boses.
Imbis na sagutin ang kaniyang tanong, hindi ko na ’to binigyan pa ng pansin dahil hindi naman niya ako maiintindihan kahit ano pa ang pilit ko sa kaniya. Naging tahimik na rin naman na siya nang wala siyang makuhang sagot sa akin, which is good. Ayaw ko na rin kasing makipag-away pa. Masyado na akong pagod sa lahat tapos dadagdag pa siya. Sana ay hinayaan na lang niya akong umuwi.
Matapos naming kumain, siya ang nagpresinta na maghugas na ng mga pinagkainan namin kahit na kaya ko naman. Ngunit dahil nga mas matigas ang kaniyang ulo, hindi na ako nakipagtalo pa at hinayaan na lang siya.
Nagtungo naman ako sa sala para sana umupo dahil bumibigat na ang paghinga ko. Mas lalo akong naiirita at hindi mapakali dahil literal na mainit talaga. Ito ang mahirap sa isang babae. May time kasi na kaya kong pigilan pero may time talaga na hindi. Kaya sinubukan kong umupo at ipahinga muna ang sarili ko dahil baka mamaya ay mawala na lamang ’to, kaso hindi pala talaga.
“Are you okay?” tanong ni Valerian sa akin nang umupo siya sa aking tabi. Ang tanging humaharang na lamang para magkalapit kami ay ang unan sa pagitan namin. “You looked uncomfortable.”
Hindi ko siya pinansin at kinuha na lamang ang aking cellphone para libangin ang sarili ko. Alam niyang iniiwasan ko siya pero heto siya ngayon, lapit nang lapit. Hindi ba niya alam kung paano lumayo kahit saglit lang? Saka nakakailang din naman na naka-topless siya sa babaeng kagaya ko. Hindi naman kami close para ipakita ang kaniyang itaas na katawan. Saka naka-air conditioner din naman siya pero bakit kailangan ay mag-topless pa siya? Hindi ba siya nilalamig? Ako, halos ginawin na sa lamig at nerbyos pero siya, naiinitan pa? Alam ko namang nakainom siya ng alak at talagang kainit naman ’yon sa katawan pero kung naka-air conditioner naman na sana, kahit huwag na. Okay na ’yong manipis niyang damit hindi ’yong ganito.
“Can’t you just shut your mouth? Gusto kong munang magkaroon ng time sa sarili ko,” sambit ko kahit ba ang totoo ay may nararamdaman talaga akong init. Daig ko pa ang naka-take ng ecstasy para tumaas ang init sa katawan ko.
“I forgot to introduce my name,” sambit niya na nagpalingon na naman sa akin sa kaniyang gawi. “My name is Valerian Cain Smirnov.”
Umangat naman ang aking kilay dahil ngayon niya lang naisipan ipakilala ang kaniyang sarili. At teka, anong sabi? Smirnov? Kaya ba nandito siya sa Smirnov Hotel dahil isa siya sa may-ari?
“And I’m sorry if I’m going to do this. I can’t stop myself, Hyacinth,” dagdag pa niya.
Magsasalita pa sana ako ngunit bigla na lamang niyang sinunggaban ang aking nakaawang na labi.