“Take care, okay?” bilin ni Valerian sa akin pag-park niya ng kaniyang sasakyan sa harap ng gate namin. Hindi naman ako nagsalita dahil nakakaramdam ako ng kiliti ngayon sa aking tiyan. Nerbyos at kilig kasi ang nararamdaman ko ngayon lalo na at hindi naman ako sanay na may naghahatid sa akin. Mukhang ginaganampanan na yata ni Valerian ang kaniyang pagiging boyfriend daw kahit na hindi naman dapat kailangan. Mabuti na lang din at hindi siya nag-aya kagabi nang naliligo ako. Akala ko kasi mag-aaya na naman sa akin pero kagaya ng sinabi niya, hindi. Kahit papaano rin ay hindi naging masakit ang aking katawan ngayon. Mukhang nasasanay na yata nag katawan ko sa pag-aaya madalas ni Valerian sa akin. “Susunduin kita mamayang hapon,” saad niya bago paltakan ng halik ang aking pisngi. “Nagkalat