Chapter 8

2995 Words
Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Tahimik na rito at dahil malayo na rin sa siyudad. Nakita ko si Kuya at Carmel na bumaba ng kanilang sasakyan kaya sumunod na rin ako. Bitbit ko ang aking hand bag at saka cellphone. Wala pa masyadong mga bahay dito at parang nasa unahan pa. Pero mukhang hindi na kasj kakasya ang saakyan d'yan sa maliit na daan na 'yan. Kaya pala huminto na si Kuya. "Are you sure this is the place, kuya?" Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid. This place is indeed beautiful to have a rest house like you are just in here to have a rest but I don't think I'd survive a month in here. Kung nandito man nga si Nanay Asun, kinakaya n'ya kaya? She was living her whole life in a big mansion and in a city. "Yes." Tumatangong sagot ni kuya sa akin. "I happened to asked Nanay Asun about her home town and I remember it was the place she told me." K "We'll bring Nanay Asun back to the city." Lumingon ako kay Carmel nang magsalita s'ya, nakatingin din s'ya sa akin at nakangiti s'ya na para bang kilala n'ya si Nanay Asun. Kung nadala s'ya ni kuya sa bahay ay possibleng kilala nga n'ya si nanay Asun pero since hindi ko naman alam kung gaano na sila katagal na mag-boyfriend ay baka nga. Napalingon ako sa gilid ng daan nang makaramdam ako na para bang may maraming mga mata na nakatingin sa akin at hindi nga ako nagkamali dahil may marami ngang tao na nakatingin sa amin. What? Ngayon lang ba sila nakakita ng tao? Why are they looking at us like we are different? Hey, people, we are breathing the same air. Napangiwi ako sa klase ng tingin nila. Muntik naman akong napatalon nang may humawak sa braso ko at nang lingunin ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Carmel. "You're uncomfortable," dinig kong sabi n'ya. "They way the look at us, they're like they want to take off all our clothes." Humakbang kami ng sabay kasunod ni Kuya Rusty nang tumango s'ya sa amin. Ramdam na ramdam ko rin ang pagiging hindi komporatable ni Carmel sa paligid. Are they really like this? I mean? What is interesting to see? Oo nga at mga dayuhan kami, hindi ba dapat ay ipakita nila sa mga dayuhan na okay lang na narito sila sa lugar nila? Pero hindi, dahil ang ginagawa nila ay nakaka-awkward. What the hell. Tumigil si Kuya sa paglalakad nang makalapit kami sa isang medyo may kalakihang bahay na may tindahan. Sumalubong sa mga mata ko ang paningin ng babae na nakatayo sa tabi ng maliit at kahoy nitong gate. Napangiti ako ng pilit at hilaw nang ngumiti s'ya. Hindi ko alam kung ano ang naging reaction ni Carmel doon pero napakapit ako sa kaniya. These people are making the hell out of me very much uncomfortable. Can't they just stay inside their houses and do something worthy? "Magandang hapon po, mga taga Manila po kami…" Simulang sabi ni Kuya sa babae na ngumiti sa akin. "My name is Rusty ang mga kasama ko naman ay sina Carmel at Amor. Nagpunta po kami rito para po sana kay Nanay Asun, pwede po ba namin malaman kung saan ang bahay n'ya?" Dagdag sabi pa ni Kuya. "Bakit ninyo hinahanap si Aling Asun?" tanong nito pabalik. Lumingon si Kuya sa amin at napangiti. Ibig sabihin ay narito si Nanay Asun, kilala nila si Nanay Asun. Hindi nagkamali si kuya Rusty. I will give you an award after this kuya! "You know… I mean, kilala n'yo po si Nanay Asun? Saan po ang bahay n'ya? Pwede n'yo po ba kaming samahan sa kaniya?" Singit ko sa usapan kaya bumaling sa akin ang babae. Napalingon pa ako sa mga taong nasa likuran namin nang marinig ko ang mga pagbulong nila. Gossips. I've been seeing this kind of people on facegram. They were called chismosa. I only smiled and bring back my attention to the woman we are talking. "Malapit lang po ba ang bahay ni Nanay Asun dito?' Dagdag tanong ni Carmel. Tumango ang babae kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Mga sampung minutong lakad mula rito ay naroon ang bahay nina Aling Asun. Diretsuhin lang ninyo ang daan na iiyan. Iyang makikita ninyong up and down na bahay ay iyan ang bahay nina Aling Asun." Itinuro nito ang daan kaya napatingin din kaming tatlo sa daan. "Ay teka, sandali, tatawagin ko lang si Maria para samahan kayo." "Thank you po," si Carmel ang nagpasalamat at tumango naman agad ang babae at saka tumalikod upang tawagin si Maria. Wala pa yatang 3 minutes ay nakabalik na ang ali at may kasamang babae na sa tingin ko ay mas bata sa akin ng maraming taon pero matangkad. "Sa bahay po ba ni Aling Asun?" Tanong nito at tumango si Kuya. "Sige po, tara na po." "Kuya, let's go?' Aya ko kay Kuya dahil medyo naasiwa na rin talaga ako sa klase ng tingin ng mga tao rito. Tumango si Kuya kaya nilingon ko si Carmel na tumango rin sa akin. "Sige po, salamat po sa impormasyon, ma'am." Kuya bowed his head so Carmel and I did the same. Sumunod agad kami kay Kuya dahil nauuna s'yang naglakad sa aming dalawa ni Carmel. Nauuna naman sa kaniya si Maria. Sh*t their land in here is so smooth! Tumutusok sa lupa ang heels ko at alam kong ramdam din iyon ni Carmel dahil pareho kaming naka-heels. "Malayo pa ba?" Hindi ko naiwasang itanong kay Maria kahit na naaalibadbaran na ako sa mga taong nakatingin sa amin sa gilid ng maliit na daan na ito. Motorbikes lang yata ang kakasya rito eh. Their wood of a fences are the ones that keeping their road smaller like this. Lumingon si Maria sa akin nang nakangiti. She's pretty but her body built is not proportioned. "Malapit na lang po, bali limang bahay na lang po ang dadaanan natin. Actually po, kita na po mula rito ang gate ng bahay nina Aling Asun," sagot n'ya kaya napatingin ako sa unahan. "Ano ang pangunahing pagkakakitaan ninyo rito, Maria?" Biglaang tanong ni Carmel kaya napatingin ako sa kaniya. What the hell is that question? "Pangingisda po, halos po lahat nang tao rito ay nangingisda para sa pamilya nila. Ang ilan naman ay may kung ano-anong trabaho kagaya ng pag-aayos ng mga bahay at pagagawa ng mga furnitures. "Furnitures?' Tanong pa ulit ni Carmel. Ano ba nagca-canvass ba s'ya rito? Is she hitting two birds in this one stone? Bakit ba s'ya nag-iinterview? LKuya sawain mo nga nitong girlfriend mo. "Opo, ang tatay ko po gumagawa s'ya ng mga furnitures kagaya po ng mga cabinet, upuan at iba pa. Ay teka po, ito na po pala ang bahay nina Aling Asun. Sandali lang po." Sinundan ko s'ya ng tingin at ganoon din sina kuya at Carmel. Lumapit s'ya sa gate ng bahay at saka tumingkayad. Sinisilip n'ya ang loob ng hindi naman gaanong mataas na gate. "Tao po…." "Salamat sa pagsama mo sa amin, Maria," sambit ni Kuya. Lumingon si Maria sa aming tatlo at saka isa-isa n'ya kaming tiningnan. "Walang-anuman po. Pasensya na rin po pala kayo sa mga kapitbahay namin, minsan lang po kasi may naliligaw dito sa lugar namin na mga mayayaman na kagaya po ninyo. Ang sabi mo ng nanay ko ay may dala raw po kayong mamahaling kotse kaya po na-intriga ang mga kapitbahay namin," nahihiyang sabi n'ya. Pa-simple kong tiningnan ang mga tao na hanggang dito ay nakasunod ng tingin sa amin. "Ayos lang iyon, Maria. Salamat sa tulong mo." Tumatangong sagot ni kuya. Anong ayos? Aren't they making other people uncomfortable and awkward? They should learn how to never give a damn to people they just met. That would be their way of welcoming their guests in here. "Maraming Salamat po, teka lang po." Tumalikod s'ya ulit sa amin at tumingkayad ulit sa gate. "Tao po… Penny!" "Oy, Maria, bakit?" Nagmamasid lamang kaming tatlo nila kuya at Carmel kay Maria na nakikipag-usap sa bababeng sumago mula sa loob ng gate. "Are you okay?" Nilingon ko si Carmel nang hawakan n'ya ulit ang braso ko at saka magtanong ito. I shook my head a little, "Those eyes staring at us is pissing me off." Madiin at pabulong kong sabi. Nakatayo si Kuya sa tabi ni Carmel at tinaasan ako nito ng kilay. I just shook my head. "May mga bisita kayo, mga taga-Manila. Si sir Rusty, ma'am Carmel at ma'am Amor. Hinahanap nila si Aling Asun." "Si Lola Asun?" Bumukas ang gate at sumilip ang isang batang babae sa amin. Ngumiti ako nang magtama ang mga paningin naming dalawa. Kumaway ako sa kaniya kaya mas binukas n'ya ang gate nila. "Hi, Penny, right? Ako si Amor, kasama ko ang kapatid ko si Kuya Rusty at si Carmel. Nandito ba si Nanay Asun?" Kalmado kong sabi sa kaniya. Palipat-lipat ang tingin ni Penny sa aming tatlo bago ito tumango. The moment she nodded her head, my heart seems like jumping in an excitement. Agad na nabuhay ang saya sa dibdib ko dahil makikita ko na ulit si Nanay Asun. Napatingin ako kay Kuya at Carmel at pareho silang may mga ngiti sa mga labi. "Pwede mo bang sabihin kay Nanay Asun na narito kami? Kilala n'ya kami," sabi naman ni Carmel. "Ah sige po, sasabihan ko lang po muna si lola Asun. Pasensya na po hindi ko po muna kayo papapasukin sa loob," sagot naman ng huli kaya tumango ako. "It's fine. Ayos lang, salamat, Penny," sagot ni Kuya. Hindi n'ya sinara ang gate nang tumalikod ito sa amin. Tiningnan ko si Maria at nagulat s'ya nang magtama ang paningin naming pareho. "Pasensya na po, ang ganda po kasi ninyo," she awkwardly said that made me chuckled. Stop stating the obvious come on. "Thank you." "Maiwan ko na po kayo rito," nakangiting sabi nito kaya tumango ako. "Thank you, Maria," sabay na saad nina Kuya at Carmel. "Nasaan sila Penny?!" Sabay kami nina Kuya na napatingin sa gate na naka-open nang marinig namin ng sabay ang boses na iyon. I suddenly felt like my heart was tumbled and hammered. Ang lakas ng kaboig ng dibdib ko nang makilala ko ang boses na iyon. "Nasa labas po, lola." Walang pasabing nahulog ang luha ko nang tumambad si Nanay Asun sa nakabukas na gate. Si Kuya ang nasa tapat ng gate kaya sa kaniya unang tumama ang paningin ni Nanay Asun. "Haru Diyos ko, mga anak!" Mas nag-unahan ang mga luha ko sa paglabas mula sa mga mata ko nang makita ko ang mga luha ni Nanay Asun na tumulo mula sa kaniyang mga mata at tumakbo kay Kuya. Oh gosh! "Nanay Asun, I'm sorry." Umiiyak na sabi ni Kuya kaya napatakip ako ng bibig ko gamit ang kamay ko. "Sandali, narinig ko na narito rin si bunso nasaan ang kapatid mo?" "Nanay Asun, I am right here." Pinunasan ko ang pisngi kong nabasa ng luha ko pero agad din iyong nabasa ulit nang manlaki ang mga mata ni Nanay Asun nang makita ako. My heart heaved when I heard her sobs and when she ran unto me opening her arms widely to enveloped it around me. "Diyos na mahabagin. Amor! Ikaw nga ito! Anak!" My tears were non-stop when finally I have her in my arms. How I miss this warm hug, this real hug. "Nanay Asun, I am so sorry if it took me too long to see you. I am sorry if I didn't call you, I don't know, I have no idea that…." Kumalas s'ya sa pagkakayakap sa akin at saka tumingala upang tingnan ang mukha ko. Tumutulo pa rin ang kaniyang mga mga luha kaya maging ang sa akin ay hindi ko maawat. "Psssh. Huwag kang humingi ng tawad sa akin, wala kang kasalanan. Na-miss kita ng sobra anak. Lalo kang gumanda, kamukhang-kamukha mo na ang mommy mo." "Nanay Asun, how are you doing in here?" "Maayos naman ako, anak. Carmel, kamusta ka na hija? Masaya akong malaman na hanggang ngayon ay magkasama kayong dalawa ni Rusty. Teka, sa loob tayo mag-usap, pumasok kayong tatlo." Napangiti ako nang hindi na binitawan ni Nanay Asun ang kamay ko at saka hinila ako papasok ng gate nila. Nang makapasok kami ay sumalubong sa amin ang mga may edad na rin na siguro ay mga kamag-anak ni Nanay Asun. I will thank them later for taking care good of my Nanay Asun. "Nakikita ninyo ang mga kasama ko? Ito ang mga talaga ko, ang gwapo at ang gaganda hindi ba? Ang tatangkad pa." Itinuro kami ni Nanay Asun isa-isa kaya yumuko ako bilang pagbati sa mga matatandang narito rin. "Pumasok kayo sa loob, ate Asun, ano ang pwede natin na impa-meryenda sa kanila?" Tanong ng isang babae na kamukhang-kamuha ni Nanay Asun. "Paborito ni Amor noon ang maruya at tamang-tama dahil nagluluto ako noong tawagin ako nitong si Penny. Kumakain ka pa ba ng maruya, anak?" Tumango agad ako bilang sagot. "Opon naman po." "Si Rusty, hindi naman mapili ang batang ito sa pagkain, ikaw hija, kumakain ka ba ng saging na may harina?" Bumaling s'ya kay Carmel na s'yang ngumiti at tumango. "Opo naman po," nakangiting sagot nito. "Paano kayo napunta rito? Sino ang nagsabi sa inyo na narito ako?" Nagtatakang tanong ni Nanay Asun kaya bigla akong napaseryoso. "Kahapon lang po ako nakabalik ng bansa, Nanay Asun…" Saad ko kaya napatingin s'ya sa akin. "Nagtaka po ako kung bakit hindi ko po kayo nakita kaniyang umaga. I thought you were like buying groceries yesterday but when I asked the other housemaid, I was shocked when she told me she doesn't know you." "I am sorry that I didn't visit you in the mansion, Nanay Asun. Ang huli kong tongtong sa bahay na iyon bago ang kahapon ay noong huling uwi rin ni Amor and that was 5 years ago," saad naman ni Kuya. "Hindi ko inasahan na darating kayo rito sa probinsya namin. Napakahabang byahe ang ginawa ninyo upang makarating lang dito." Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa aming tatlo. "Ang tagal ko na kayong hindi nakita kaya nagpapasalamat ako na narito kayo." "Kanina ko lang nalaman na wala na po pala kayo sa bahay. Kung hindi pa ako sinugod ni Amor kanina sa office ay hindi ko pa po malalaman na pinaalis po pala kayo ni Daddy. I want to say sorry, Nanay Asun. I thought dad won't make a move like that. I am really sorry for not visiting to you at home. Pasensya na po talaga napabayaan ko kayo." Hinawakan ni Kuya ang kamay ni Nanay Asun. "Nanay Asun, sama na po kayo sa pagbalik namin ng Manila." Nanay Asun looked at me when I said that and smiled a little. Alam ko na malungkot ang ngiti na iyon kaya wala pa mang kahit na anong salitang lumabas sa bibig n'ya ay parang alam ko na kung ano ang sasabihin n'ya dahil sa klase nang ngiti na iyon. "Dito ang mga kasama ko ay ang mga kapatid ko at mga pamangkin ko kasama na rin ang mga anak nila. Marami kami rito sa bahay. Ang bahay na ito ay pinatayo ko noon pang nasa Mansyon pa ako." Tumingala ako nang igala ni Nanay Asun ang paningin n'ya. Sinundan ko ang galaw ng kaniyang ulo. Nang tumingin s'ya sa amin ay hindi nakatakas sa paningin ko ang panunubig ng kaniyang mga mata. "Dahil alam ko na darating ang araw na mawawala ako sa buhay ninyo." Umiiling ako nang makita ko ang pagtulo ng kaniyang luha. "No, that is not true. Nanay Asun, that will never happen. Hindi mangyayari na mawala kayo sa buhay namin, kailangan ko po kayo, kailangan po namin kayo." Nakatingin ako sa kaniya habang nag-uunahan ang mga luha ko. "Masaya ako na nakita ko ulit kayo, pero mas panatag na ang buhay ko rito mga anak. Inaalagaan ako ng mga kapatid ko at ng kanilang mga pamilya. Gustuhin ko man na sumama sa inyo at alagaan kayo ay hindi ko na magagawa." Nanghina ako dahil sa narinig ko. I felt like my knees lost it's strength. I bit my lower lip to hold back my sobs. "Bakit po hindi? Nanay Asun, I am back and I have no plan yet of going out the country. Please, samahan po ninyo ako sa bahay? Wala po akong kakampi roon." I begged. "Diyos ko po. Anak, kung maaari lang ay sasamahan kita. Pero ang daddy mo, siniguro n'yang hindi na ako makakabalik sa mga buhay ninyo. Kaya hindi ako makakasama sa inyo dahil ayaw kong mapahamak kayong dalawa. Hangga't maari ay ayaw kong malaman ng daddy ninyo na natunton ninyo ako. Ang sabi n'ya sa akin ay pahihirapan nila kayo kapag lumapit ako sa inyong dalawa kaya mas ginusto kong huwag nang ipaalam sa iyo Rusty ang paglisan ko sa mansyon." "Bakit naman po iyon ginawa ni tito?" Nagtatakang sambit ni Carmel. "Nanay Asun, sinaktan po ba kayo ni Daddy?" Napatigil ako sa naging tanong ni Kuya. Please tell me he didn't. I don't want to live in a jail. "Si Stella ang gumawa ng paraan upang mapa-alis ako ng daddy ninyo. Hindi naman n'ya ako sinaktan pero siniguro lang ng daddy ninyo na wala nang mangingialam sa kanilang pamamalakad sa mansyon. Pasensya na kayo mga anak, hindi na ako sasama sa inyo. Pwede naman po kayong pumarito kahit kailan ninyo gusto." "Binigay po ba ni Daddy sa inyo ang retirement ninyo?" Seryosong tanong ni Kuya. Ngumiti si Nanay Asun, "Hindi na iyon mahalaga, ang mahalaga sa akin ay ang huwag n'yang pakialaman ang mga buhay-buhay ninyong dalawa." "Hindi binigay sa inyo ang retirement fee ninyo? Pero sinabi n'ya sa amin na binigay n'ya. How dare he!" Galit kong binalingan ng tingin si Kuya Rusty na ngayon ay umigting ang panga sa galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD