"Nanay Asun, sigurado po ba kayo na hindi kayo sasama?" Tahimik akong nakikinig kay Kuya habang kinaka-usap n'ya si Nanay Asun. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Maiinis dahil ayaw na n'yang sumama sa akin at wala na akong kakampi sa loob ng mansyon at hindi na naaalagaan ang mansyon ni mommy o matutuwa dahil kapag magpa-iwan s'ya ay magiging mas mapayapa ang kaniyang buhay. "Hindi na anak. Ikaw, alam ko na hindi mo pababayaan ang kapatid mo. Nakikita ko na hindi magtatagal ay lalagay ka na sa tahimik, napakaganda nang magiging mga anak ninyong dalawa. Hihintayin ko ang araw na si Amor naman ang makakahanap ng tunay na pag-ibig. Gusto kong masaksihan ang masaya ninyong mga buhay bago ako pumanaw." "Nanay naman, huwag po kayong magsasabi ng ganyan," saway ni Carmel kaya napa