"Hindi ka puwede sa bahay na ito!"
Tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang pagtaas ng boses ng ama ko. Tiningnan ko ang nanggagalaiti sa galit kong kapatid at kitang-kita ko kung paano n'ya tinitingnan ng matulis si daddy. Ibinalik ko ang paningin ko kay daddy at umaapoy sa galit ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
"Dad, hindj mo yata narinig ang sinabi ko kanina. Ang sabi ko, nakakalimutan mo yata na sa ating lahat dito, ako ang may karapatan sa bahay na ito."
May ngiti sa mukha ko kaya alam ko kung bakit asar na asar ang matandang ito. Masyado na s'yang nagsasaya rito kasama ang kabit n'ya. Tama ang maraming taon na binigay ko sa kanila para maging masaya habang ako walang matatawag na bahay ko dahil ang bahay ko — ng bahay ng mommy ko ay pinupugaran ng babae ng daddy ko.
Umuwi rin naman ako para asarin ang matandang ito.
"Amor is staying." Matigas na sambit ni Kuya Rusty kaya sa kaniya naman ngayon nakatuon ang atensyon ng stressed naming ama. "I don't meddlew with your business if it's not about the company, dad. Pero kung tungkol naman kaya Amor ay makikita at maririnig mo ang boses ko."
Mas tumulis pa ang tingin ni daddy kay Kuya pero hindi na iyon binigyan pa ni kuya ng pansin at saka tumalikod ito sa amin.
"You could've just told your mistress that my room is not part of the mansion she can be with," seryoso kong sabi habang nakatingin kay Kuya Rusty na busy sa pag-uutos at pagpapadali sa pagtanggal ng mga gamit ng walang-hiyang kabit ni daddy.
"Let me hear that word again and you will be sorry. Marami ka nang ginawang mga bagay na ikinasira ng pangalan ko kaya hindi na ako papayag na dudumihan mo pang muli ang pangalan ko na nililinis ng kapatid mo," galit na sabi nito.
My God! Daddy! Hindi ko alam kung ano ang pinapakain sa iyo ng malanding iyon para kampihan mo s'ya ng ganyan. Masyado nang malaki ang atraso mo sa akin, dad. At hanggang nagyon ay hindi ka na natigil sa pagtulak sa akin para kamuhian kayo.
"Amor, I have to go. I have a meeting coming up, call me if you need anything and if there's any problem."
Tiningnan ko si kuya nang umakbay ito sa akin. I nodded with what he said and gave him an assurance such as smile that he can go and I will okay in here. Nakatingin ako sa bulto ng kapatid ko na paalis sa painingin ko. Matagal nang hindi rito nakatira si Kuya Rusty dahil iniiwasan n'ya si daddy at ang babae nito.
I'm sorry kuya pero magkaiba tayong dalawa. Kung ako nagawa kong magpakalayo-layo at magwaldas lang ng pera ni Tanda sa mahabang panahon ay magagawa ko rin na sakyan ang bawat galaw at kilos ng babaeng iyon dito.
"Hon? Ano ang ginagawa ng anak mo rito —ano ang nangyayari rito?! Bakit ninyo inilalabas ang mga gamit ko?!" Biglang sulpot ng isang baliw na mukhang clown at parang hindi rin yata ako nakita ng isang ito.
Tumaas ang kilay ko nang bigla na lang sumulpot ang social climber na babaeng ito sa harapan ko. Si kuya ang tinutukoy nitong anak ni daddy na narito. Ang swerte mo naman para maranasan ang kapayapaan sa loob ng mansion ng mommy ko. Masyado ka naman na yatang at home, kailangan mo nang bumalik sa kung saan ka galing.
"Ipapatapon ko, allergic ako sa mga basura."
Tinnasan ko ng kilay ang kabit ni daddy nang lumingon ito at nanlaki ang mga mata nang makita ako. Hindi ito makapaniwalang tumingin kay daddy na para bang nagtatanong kung bakit ako nandito at kung totoo ako.
"Amor, for once irespeto mo ang asawa ko at huwag mong pagsalitaan ng hindi maganda sa harapan ko."
Napa-smirk ako dahil sa tono ni Daddy. Bakas na bakas dito ang galit. The hell I care.
"Amor? Ano ang ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwalang sambit nito.
Kibit-balikat lang ang isinagot ko sa kaniya at saka tinalikuran ito pero bago pa man ako makahakbang ay nahawakan na ng tatay ko ang bag na nakasablay sa balikat ko kaya napatigil ako. Nilingon ko ang matanda sa isang boring na tingin.
"I am going to find you a place to stay. Hindi ka puwede na manatili dito sa bahay."
Napayuko ako ng bahagya bago sila tiningnan ng may ngisi. "Dad, I have already told you that I am staying in this house for as long as I want to. If you guys didn't want me around, feel free to leave here."
Napanganga ang malanding kabit ng tatay ko habang nakatingjn sa akin. Hindi n'ya ba inasahan na sasagutin ko ng ganoon ang matandang ito? Pagkatapos nang lahat nang ginawa nila sa tingin ba nila hahayaan ko lang sila sa ginagawa nila sa akin?
Nagsawa na akong gumala para bigyan sila ng kalayaan. Kaya ngayon, makikipaglaro ako ng apoy sa kanila. Nakangiti kong hinarap ang social climber na babaeng ito. Humakbang ako ng isang beses palapit dito. "Your stuff? Your choice, you get them and bring them away from my sight, from my room, from my way, otherwise, I will make them gone."
Itinaas ko ang noo ko nang hindi makatakas sa paningin ko kung paano kumibot ang mga labi ng babaeng ito. Tiningnan ko si Daddy at halos matawa ako nang malakas nang ganoon n'ya pa rin ako tingnan. Wala na bang bago, Mr. Eugenio?
"Pinapakialaman mo ang mga gamit ko?" Mataray ka pa rin talaga hanggang ngayon. Unlucky for you, I am home. Itinuro Teka, ayusin ninyo ang pagbitbit n'yan! Kapag iyan nasira ay palalayasin ko kayo rito! Hon! Ano ba ito? Bakit nila pinapakialaman ang mga gamit ko?"
At talagang nagreklamo ka pa kay Daddy? Bakit? Sa tingin mo naman may magagaw ang matandang 'to?
"Really? I've been gone for years and you think I'll be gone forever? Have you two forgotten about me? Do you think hahayaan ko lang kayo just because I didn't said hi nor hello fpr the past years? Hell no!" Asar ko sa kanila. "Not so fast, daddy." Walang emosyon kong sabi nang akmang sasampalin ako ng tatay ko sa harapan ng kabit n'ya.
"You ungrateful woman!" Napakuyom ako ng kamao ko nang marinig ko sa sinabing iyon ni dad.
"Is there even a think that I should grateful to you? Old man, you didn't give a thing to me," sagot ko sa kaniya. Nilingon ko ang mga kasambahay na nag-aayos ng kwarto ko. "Itapon ninyo sa bodega ang mga gamit na iyan. Kung wala nang bakante roon, bumili kayo ng cage ng aso, doon ninyo iyan ilagay."
Napa-smirk ako no'ng narinig ko ang pagsinghap ng babaeng ito. Tiningnan ko sila nang may ngiti sa labi.
"I will find you your place to stay." Pilit pa rin ng daddy.
"Dad, huwag mong hintayin na ako ang magsasabi sa iyo n'yan. Alam mong kaya at pwede kong gawin sa inyo iyan." Matigas kong sambit kaya mas nanlisik ang paningin ng ama ko sa akin.
"Hindi ko makakapayag na dudumihan mo na naman ang pangalan ko! I know you, Amor! Makalat ang buhay mo at kasiraan iyon sa reputasyon ko! Ang mga negosyo ko ang nagbibigay sa iyo ng mga luho mo, kaya ayusin mo ang buhay mo ngayong narito ka sa bansa kung ayaw mong tanggalin ko ang lahat ng allowance mo. Isipin mo na lang kung saan ka pupulutin kung wala ka nang pera."
"Alam mong hindi mo iyan magagawa sa akin, ikaw ang dapat magpasalamat sa akin that I didn't paid an attention to the business for long and that you gained your name." Hindi makapaniwala si daddy sa sinabi ko but I am not taking my words back. Nilingon ko ang hampaslupa n'yang kabit na anytime ay gusto akong tuklawin. "Save your strength, because starting today, your peaceful life will turn opposite like 360°."
Hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita tinalikuran na silang dalawa. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at saka binagsak ang pinto. Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto ko and it feels strange na may ibang tao na gumamit dito. Kailangan ko pa yatang palinisan ito dahil maduming tao ang umangkin ng kwarto ko.
Napaka-swerte naman ng babae na iyon. Kung hindi pa ako umuwi hindi ko pa malalaman na hindi lang kama ni mommy ang winalang hiya nila ni daddy, pati na rin ang lugar ko.
Hindi ko kayo hahayaan, tapos na akong maglaro sa buhay ko, naboring na ako siguro kasi kailangan ko na silang bigyan ng pansin. Isa-isa kong binuksan ang bawat pinto ng cabinet ko at mabuti na lang ay hindi pinakialaman ng hampaslupa na iyon ang mga gamit sa loob. Dahil kung nagkataon ay baka hindi ko na talaga s'ya matansya.
Napatingin ako sa bag ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito sa loob ng bag ko. Agad na kumunot ang noo ko pagkatapos kong makita ang pangalan ni Kuya Rusty sa caller ID. Ano naman kaya ang kailangan ng isang ito. Akala ko ba may meeting ang lalakeng 'to.
"Kuya?"
("Where are you?")
Kumunot ang noo ko sa tanong n'yang iyon. Eh alam naman nun kung nasaan ako.
"In my room?"
("Why are you not sure?")
Diretsong umirap ako dahil sa tono n'ya. Natawa tuloy ako ng mahina dahil parang bigla s'yang nag-alala. Kuya Rusty you are so sweet.
"Kuya, I'm in my room."
("Everything okay? Nakasalubong ko sa baba ang babaeng iyon.")
Ah kaya naman pala napatawag. Parang hindi mo naman ako kilala kuya para itanong kung okay lang porket dumating lang ang hampaslupang iyon. Eh wala namang panama sa ganda ko ang pooretang iyon.
"Kuya, everything's fine. Do you think she can pull a thing against me? Never."
("She doesn't know that.")
"Well, not my problem."
("I have to go now, I am still in the meeting. Nag-aalala lang ako sa 'yo."
Napangiti ako, hindi ka pa rin nagbabago kuya Rusty. Don't worry, hindi ako papayag na mahirapan ako rito dahil lang sa babae na 'yan. I am going to make her life a living hell. Dad will pay for everything that he did. I will give mom the revenge I should've done a long time ago.
Ngayon lang ako natauhan kaya ngayon ko lang magagawa. I was focused on myself for such a long time, but now that I am back, I will make things placed in a proper place. Sisiguraduhin ko na hindi magiging masaya ng babae na 'yan habang narito ako sa bahay at habang gusto ko pa na narito ako.
Tiningnan ko ang cellphone ko nang ibaba ni kuya ang tawag. Bumuntong hininga ako at saka hinagis ito sa kama. I need to have this room clean clean.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Agad na nahagip ng mga mata ko ang galit na mukha ni Stella habang komportableng naka-upo sa hapag at kumakain ng prutas. What a life she got after being the Queen of this house while I am gone.
Tumayo s'ya nang makita ako at kung talagang nakakamatay ang tingin ay baka bumulagta na ako. Pabagsak n'yang binitawan ang tinidor na gamit-gamit n'ya saka humarap sa akin.
"Nananadya ka ba?"
"Saan?"
Patay malisya kong sagot at halos matawa ako ng malakas nang makita ko sa mukha n'ya ang sobrang kainisan sa akin.
"Uuwi ka rito para sirain ang buhay ko?" Stella.
"Excuse me? Are you even worth it para itigil ko ang paglalayaw ko sa buong mundo? Kung iyan lang din pala ang gagawin ko ay sana noon ko pa ginawa."
Inikotan ko s'ya ng mata at tinalikuran. "Hey!" Tawag ko sa isang kasambahay na nakita kong nagliligpit sa bandang kusina.
"Ano po iyon, Ms. Amor?"
"I need my room clean. Pakilinis ng buong kwarto ko, kung kailangan sabunin ay gawin ninyo. I need to get rid of the dirt and itch left by those who used my room." Nakangiti kong sabi at kahit na nakatalikod ako ay alam kong nagpintig ang tainga ng isang ito na nasa likuran ko.
"Are you saying that I am dirty?"
Natawa ako ng mahina dahil hindi ako nagkakamali. Payuko akong humarap sa kaniya.
"Are you not?" Tanong ko pabalik sa kaniya. "Hey!" Natatawa akong umatras nang ambahan ako nito ng sampal.
"Napaka walang-hiya mo talaga! Bakit ka ba bumalik dito! Hindi ka namin kailangan dito!" At talagang tumaas ang boses n'ya kaya mas lalo lang akong natawa. Nawala tuloy ang pagod ko sa byahe at kahit na may hang-over pa ako bago ako bumalik ng bansa.
"Excuse you? Ako talaga ang papaalisin mo sa sarili kong bahay? Girl, wake up, you are dreaming and you're facing your nightmare."