Chapter 3

1356 Words
Pinagmamasdan ni Amorie ang tatlong palapag na bahay na nasa harapan n'ya ngayon. "Once upon a time, there was a little princess that loves playing and roaming around this huge 3 storey house. It was her castle before she was sent out from there to live her own life," she mumbled as she stared at the house without blinking. "Stop thinking that, walang magandang magagawa ang pag-iisip mo sa mga bagay na iyan. Sisirain lang ng mga ala-ala ang bakasyon mo," dinig n'yang sabi ng kuya n'ya nang tumayo ito sa tabi n'ya habang hawak sa magkabilaang mga kamay nito ang dalawa n'yang maleta. "Actually, hindi ko naman iniisip iyon because I haven't moved on. I have moved on a long time ago, kuya. Gusto ko lang mag-reminisce, you know, sometimes, bad memories can be fun to think about when time comes," nakangising saad n'ya dito at kinuha ang isa n'yang maleta. Hinila n'ya ito kasunod sa kapatid n'yang nauunang pumasok sa malaking pintuan ng bahay na nasa harapan nilang dalawa. Hindi malabo na nasa loob ng bahay na ito ang daddy nila at makita s'ya nito. But who cares? Hindi naman ito ang inuwi n'ya — well, not all about is him. "Sir Rusty, sa guest room ko po ba ilalagay ang mga maleta ni ma'am Amor?" Naningkit ang mga mata ni Amorie dahil sa narinig na sinabi ng kasambahay nila. Guest room? She has her own f*cking room in this hell, why would she's going to sleep in the guest room? "Guest room?" patanong na saad n'ya. "Bakit sa guest room? She has her own room upstairs kaya doon mo ilagay ang mga gamit ni Amor," sagot naman ng kapatid n'ya sa tanong ng kasambahay. Nahuli n'ya ang pagsulyap ng babaeng kasambahay sa kaniya at pagngiwi ng bahagya na tila ba nahihiya at nagdadalawang isip sabihin ang mga gustong sabihin. "Eh kasi po kasi...." "What?" striktong tanong ng kapatid n'ya dahilan para mapatayo ng tuwid ang babae. "Pinagawa na po kasing stock room ni sir Sonny ang kwarto po ninyo, ma'am Amor," nakayukong sagot ng kasambahay. Agad na napatingin si Amorie sa kapatid at ganoon din ito sa kaniya. Pareho silang hindi makapaniwala sa narinig. Ang daddy nila ang nag-utos na gawing stock room ang sarili n'yang kuwarto? Ganoon talaga kagusto ng tatay n'ya na mawala s'ya dito sa bahay na ito? "What?!" Gulat at galit sa sambit ng kapatid n'ya at diretsong tinakbo ang mahabang hagdan upang tingnan ang silid n'ya. She was away for 5 years straight and that was the very first time that she didn't went here back for that long years. Kahit na hindi sila magkasundo ng ama, hindi n'ya naisip na gagalawin nito ang kuwarto n'ya. She asked her brother to change the lock of her room to make sure that no one could have an access of coming there in and out. "Sino ang nag-utos na gawing stock room ang kuwarto ko?" seryosong tanong n'ya sa kasambahay kahit na narinig n'ya na kanina ang pangalan ng ama. Gusto n'ya lang marinig ulit. Naningkit ang mga mata n'ya nang makita ang dahan-dahan nitong pagyuko. "A-ano p-po kasi ----" "Nevermind, ako na ang bahala. Dalhin mo sa itaas ang mga maleta ko," utos n'ya dito at diretsong tinahak ang hagdan upang sundan ang kapatid sa itaas. The way their house maid stutters, alam n'ya na kung sino ang walang-hiya na gumalaw ng kuwarto n'ya. Napa-smirk na lang si Amor nang agad na pumasok sa isip n'ya ang mukha ng babaeng kinamumuhian n'ya sa mundong ibabaw. She was called brat and blacksheep all her life for opposing the wants of the people she despises her whole life. Nagkataon lang siguro na hindi s'ya mahina kaya hindi s'ya ngayon luhaan kagaya ng ibang anak na takot sa mga demonyo nilang magulang. Naabutan n'ya ang kuya n'yang naglalabas ng mga gamit mula sa kuwarto n'ya at padabog itong ipinagbabato ng kapatid n'ya sa hallway. "Kuya!" Pagtawag n'ya dito pero hindi s'ya nito pinakinggan. Tiningnan n'ya kung kaninong mga gamit ang itinambak sa loob ng kuwarto n'ya at ganoon na lang ang panlilisik ng mga mata n'ya nang mapagtanto kung kanino ang mga ito. "You are not going to stay in the guest room, Amor! You have your own room and you will be staying here." matigas na saad ng kapatid n'ya. "Of course. This is my room, I will take it," seryosong sagot n'ya at kahit na ramdam n'ya ang antok ang pagod dahil sa kakulangan ng tulog ay hindi s'ya nagpa-awat. "Take this sh*t out of my room." Agad na kumilos ang kasambahay at nagtawag pa ito ng ibang kasama upang mapadali ang paglabas ng sangkatutak na mga gamit mula sa loob ng kuwarto n'ya. Matigas at malalim ang bawat paghinga ng kapatid n'ya nang tumayo ito sa tabi n'ya. "What the hell is going on here?" Sabay silang napalingon ng kuya n'ya nang umalingawngaw ang boses ng isang matandang lalake sa loob ng bahay. Nanlaki ang mga mata nito nang makita s'ya at agad na umapoy sa galit ang mga mata nito. "Well, hi Dad. I am sorry for troubling you in your sleep. However, there are garbages inside my room and I want it gone," nakangising sabi n'ya sa daddy n'ya. "What are you doing here?" matigas na tanong nito sa kaniya. Akmang sasagot s'ya nang biglang magsalita ang kapatid n'ya mula sa likuran n'ya. "What kind of question is that, dad? Of course, this is her home, she should be staying here," sagot nito sa daddy nila. "Umuwi ka ba rito sa bansa upang bigyan na naman ako ng sakit sa ulo? Upang bigyan mo na naman ng kahihiyan ang pangalan ko? Wala ka namang maitutulong sa kompanya, you should've been staying outside our sight!" galit at pasigaw na sambit nito. "Ganyan mo ba ako sasalubongin, daddy? Palagi bang ganyan ang bungad mo sa akin sa tuwing uuwi ako sa bansang ito? You should atleast give me a hug, dad." sarkastikong sagot n'ya dito dahilan upang tumulis ang paningin ng ama n'ya sa kaniya. "Don't you dare use that tone on me!" galit na saad nito. "Ibalik ninyo sa loob ng kuwartong iyan ang mga gamit na iyan!" Napatigil ang mga kasambahay sa pagkilos at agad na tumabi nang marinig ang boses ng daddy n'ya. "Dad, don't give me a reason to fight you in any way. This is Amorie's room and not your mistress' stock room," mahina ngunit madiin na saad ng kuya n'ya. Nawalan ng emosyon ang mga mata ni Amorie nang walang pag-alinlangan na ilapat ng ama n'ya ang kamay nito sa pisngi ng kapatid n'ya. "How dare you to call my wife a mistress!" Galit na sambit nito pero imbes na magalit din ang kuya n'ya ay ngumisi pa itong humarap sa ama n'ya. "No dad. How dare you to call her your wife when she is not your wife and will never be your wife," pabulong ngunit seryosong sambit ni Amorie dahilan para mapatingin sa kaniya ang ama. "Hinayaan kita sa mga ginagawa mo dahil ang mahalaga lang naman sa akin ay nasa malayo ka dahil alam ko kung gaano kakalat ang buhay mo. Fine! Papayagan kita na tumira dito sa bahay ko but I'm giving you 3 days to fine your own place, Amorie," saad ng daddy n'ya at tumalikod, pero humalakhak s'ya dahilan para mapatigil ang daddy n'ya sa paglalakad at lumingon pabalik sa kaniya. "Daddy, noon kasi nag-eenjoy pa akong mag-travel abroad pero ngayon, napag isip-isip ko na there was no place like home, kaya kahit anong sabihin mo, dito ako titira at kahit gaano katagal," matigas na saad niya dito. "Wala akong tiwala sa mga kilos mo, Amorie. I know you, and I know in less than 24 hours, magdadala ka na naman ng gulo at kahihiyan sa pangalan ko, kaya papahanapan kita ng lugar kung saan ka puwedeng manirahan kahit kailan mo gusto, sa dami ng gusot mo dito, wala kang karapatan na tumira dito." "Dad, I think you forgot that among people, I was the rightful owner of this house," sagot n'ya sa ama kaya napatigil ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD