Poker face na tinanggal ni Amorie ang suot na sunglasses nang makalabas s'ya sa eroplano at maka-apak ulit sa bansa, kung saan naka-ukit ang dahilan kung bakit nagsimula s'yang gustuhin ang paglibot sa mundo, huwag lamang s'yang manatili dito.
Although she always went here for special occasions and all, she never ever dreamt of living nor spending her life in this place. Pero sa pagkakataon na ito, kailangan n'ya itong gawin hindi para sa kahit kanino, hindi para sa kaniya kung hindi ay para sa laro n'ya.
She just realized that she was sent away for them — her family got the peace they have been said but she end up having the missed up life and mind. Lumawak ang ngiti ni Amorie nang makita n'ya ang paparating na sasakyan ng kuya n'ya. Itinaas n'ya ang kamay para kumaway at agad na bumaba ang bintana ng sasakyan.
Obviously, her brother was living the best of his life being the recent CEO of their company.
"Hi, brother! Long time no see," nakangising sabi n'ya nang makababa ang kapatid at matalim ang mga mata nitong sumalubong sa kaniya.
"Bakit kanina mo lang sinabi sa akin na uuwi ka? Ginulat mo ako! I was supposed to be in the meeting! You could've told me yesterday," masungit na sambit nito.
Napatawa ng mahina si Amorie at agad na ipinulupot ang braso sa braso ng kapatid saka ipinatong ang ulo sa balikat nito, alam n'yang hindi s'ya matatanggihan ng kuya niya. Ito lang ang kakampi n'ya sa pamilya nila.
"Kuya, hindi ko sinadyang kalimutan ang pagsabi sa iyo na uuwi ako sa bansang ito. Sinulit ko lang talaga ang mga natitirang oras ko abroad kaya nakalimutan ko, unintentionally," aniya dito nang may paglalambing.
Mas napangisi s'ya nang masungit na tanggalin ng kapatid n'ya ang kamay n'ya at kinuha ang dalawa n'yang maleta saka inilagay sa sasakyan nito.
"I have already heard that excuse more than a hundred times. Could you please use another excuse that would surely make me believe?" masungit na saad nito.
"Bakit ba ang sungit mo?" Natatawang sabi n'ya at mas lumakas ang tawa n'ya nang hindi nakatakas sa mga mata n'ya kung paano umikot ang mga mata nito. "Please, sabihin mo sa akin na hindi ka nag-change ng gender. I mean, I have nothing against l***q for I love them. It's just that, I would never thought of you being ----"
"Amorie Eugenio!" Pasigaw na sambit nito sa pangalan n'ya dahilan para mapatigil s'ya sa pagsasalita. She then bit her lower lip when she saw how frustrated of a brother she has this moment. "What the hell are you talking about?! I am not gay for God's sake!"
Napahalakhak si Amorie nang walang pasabi na binuksan ng kuya n'ya ang pinto ng sasakyan at tahasang itinulak s'ya nito sa loob. Masama ang tingin ng kapatid n'ya sa kaniya kaya mas lumakas ang halakhak n'ya.
"Kuya, I am not even saying nonsense things. I was asking! Bakit kasi ganiyan ang hitsura mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa! Ayosin mo kaya hitsura mo, sa ating dalawa ako dapat ang hindi masaya dahil nandito ako," aniya nang may ngiti sa mga labi.
"Hindi ka sumagot sa email ko, but you're here. Should I assume that you have realized and planned to accept my invitation?" tanong nito habang inaayos ang mga gamit nito sa sasakyan bago nito buhayin ang makina.
"No. Hindi ko pa napag-isipan ang tungkol sa invitation mo. I just thought of, masaya pala sina tanda kapag nasa malayo ako, pero sa tingin ko, magiging masaya rin ako kapag nakikita ko na hindi masaya si tanda," nakangising saad n'ya dahilan para mahulog ang emosyon ng kapatid n'ya.
"Why? Hindi ka ba masaya sa mga travels mo? I know how much you love travel. You even have a bucket list of the places you wanted to go and play. Aren't you happy? May problema ka ba? You can tell me, I'm all ears," seryosong saad nito.
Tiningnan n'ya ang seryosong mukha ng kapatid n'ya at binigyan n'ya ito ng isang tipid na ngiti.
"Sino ba ang hindi magiging masaya sa pagta-travel? That was my hobby plus I don't need to work for a penny just to have it to spend in my travels and all. It's just that, gusto ko lang din na mas maging masaya." Kumunot ang noo ng kapatid n'ya nang kindatan n'ya ito at bigyan ng isang nakakalokong ngiti.
"Pag-isipan mo ang invitation na binigay ko sa 'yo, I want to introduce you to our colleagues. The company always have place for you, Amor. Palagi mong tatandaan iyan," saad nito na sinagot n'ya lang ng tango.
Mahaba na ang tatlong araw na pananatili dito noon sa tuwing umuuwi s'ya sa bansa. This time, she have planned of staying her longer than before. Hindi n'ya alam kung gaano katagal pero sa tingin n'ya ay may katagalan. Habang tahimik na nagda-drive ang kapatid ay itinuon n'ya sa labas ng sasakyan ang mga mata n'ya.
"EU Hotel." Pagbasa n'ya sa pangalan ng isang malaking hotel na nadaanan nila.
"That's ours," dinig n'yang saad ng kapatid pero hindi niya ito nilingon.
Alam n'ya iyon. Hindi s'ya sigurado sa bilang ng hotel na mayroon ang EU Corp na pag-aari ng ama nila. The only thing she knew was that, it wasn't just a hotel that the EU Corp has. Hindi s'ya kahit kailan nagka-interest sa pag-aalam ng mga bagay-bagay patungkol sa negosyo ng ama.
Wala rin naman kasi s'yang balak na pasukin ang negosyo. In her 27 years of existence, she has been traveling the world for 10 years. Naka-ilang balik na rin s'ya sa ilang lugar and she have already found it dull.
"Yours not ours," aniya sa kapatid. "Alam natin pareho na kahit anong mangyari, hindi ibibigay ni tanda sa akin ang negosyo n'ya. Sure, bibigyan n'ya ako ng pera, pero hindi ng negosyo. He would never trust me," nakangising sagot n'ya dito.
"That is why I want you to accept the invitation and attend the 50th anniversary of EU Corp. Lahat ng kasusyo sa negosyo ni Daddy ay pupunta doon and I think, that would be the best time for you to show yourself up there. Dad would appreciate your presence," ani ng kuya n'ya.
"Hindi ako interesado sa negosyo kuya, ang pera lang ni tanda ang kailangan ko para may mawaldas ako in my every game and plans. But this time, titingnan ko, pag-iisipan ko."