Nakatayo ako sa harapan ng isang fountain sa labas ng building kung saan ay hinihintay ko si Angelo. May kinausap pa ito na isang businessman. Habang hinihintay ko si Angelo ay naisip kong maglakad-lakad sandali. Paikot sa paligid ng fountain.
Sa aking paglalakad ay nakasalubong ko si Ram. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa akin. At puno ng katanungan ang mga mata habang nakatitig sa aking mukha.
"Penelope, totoo ba na asawa mo si Angelo?" paniniguradong tanong sa akin ni Ram.
Nginisihan ko siya at saka tinawanan ng mahina. "Bakit bigla kang naging interesado sa buhay ko ngayon, Mister Salazar? Ano naman ngayon kung asawa ko nga si Angelo? May mababago ba sa sitwasyon natin ngayon?" sarkastikong tanong ko rito.
Tumingin ako sa paligid at maraming mga tao na nakatingin sa amin. Pinilit kong ngumiti para sa imahe ni Angelo. At bilang isang mabuting may-bahay nito.
Inilapit ni Ram ang mukha nito sa akin. "Nagsisinungaling ka lang. Aalamin ko ang totoo."
Ngumiti ako at buong tapang na tumingin sa mga mata ng dati kong asawa. "Sige lang. Bakit hindi mo gawin tutal diyan ka magaling." Tatalikuran na sana niya ito nang bigla nitong hawakan ang kaniyang kamay.
Mahigpit ang paghahawak nito. Dumaloy ang init ng palad nito sa kaniyang katawan.
"Alam kong ako pa rin ang mahal mo," mahinang sabi nito sa akin.
Mapang-akit ko siyang tinignan. "Sigurado ka?" Dahan-dahan kong hinila ang aking kamay. "Hindi na ako ang dating Penelope na kilala mo..." Nakita ko si Jewel na palapit sa amin ni Ram. Inilapit ko ang mukha kay Ram at tumingin kay Jewel na mabilis ang paglalakad patungo sa aming dalawa.
Nang makalapit si Jewel ay hinila nito ang kamay ni Ram. Masama niya akong tinignan na para bang natatakot ito na maagaw kong muli si Ram sa kaniya.
"At ano ang ginagawa mo sa fiancé ko, ex-convict!" matigas na sabi ni Jewel sa salitang ex-convict.
"Bakit hindi mo siya tanungin?" Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingin kay Ram. "Siya ang lumapit sa akin at hindi ako."
Nanggigil si Jewel na tumingin sa akin. Gusto niya akong sampalin pero inawat siya ni Ram dahil sa mga taong nakatingin sa amin.
"Hindi ka na nahiya! May asawa ka na pero nilalandi mo ang fiancé ko," sabi pa ni Jewel na nanlilisik ang mga mata.
"Hindi ako tulad mo, Jewel. Gusto ko lang ipaalala sa iyo kung ano ang ginawa mo five years ago," nginisihan ko si Jewel na nanlalaki ang mga mata.
"Ako ang minahal ni Ram at hindi ikaw."
"Kung ganoon bakit siya biglang naging interesado sa akin?" mapang-asar na tanong ko.
"Tama na, Penelope," mahinang sabi sa akin ni Ram.
"Hayop ka!" malakas na sabi ni Jewel na ikinalingon ng mga tao sa aming paligid.
"Huwag kang mag-iskandalo rito, Jewel. Nakakahiya..." Nagtaas ako ng kilay bago tuluyang talikuran ang mga ito ngunit hinarang ako ni Donya Margaret.
"Hindi mo pa rin talaga tinitigilan si Ram!" galit na sabi nito sa akin. Itinaas nito ang kamay at akma niya akong sasampalin ngunit mabilis ko iyong nahawakan.
"Donya Margaret, be professional. Nakalimutan ho yata ninyo na maraming nakatingin sa ating dalawa. Hindi ako lumalapit kay Ram, siya itong parang linta na gustong dumikit sa akin." Marahas kong binitawan ang kamay ng matanda.
Kinuha ko sa bag ko ang hand sanitizer at nagpahid niyon. "Allergy ako sa mga taong hindi ko kilala," sabi niya rito.
Nilapitan ni Ram ang step mother nito. Naroon din si Dante na mabilis na lumapit sa ina.
"Sumusobra ka na, Penelope," sabi sa kaniya ni Jewel. Sinugod niya ako ngunit mabilis ko siyang iniwasan. Nawalan tuloy siya ng balanse at bumagsak sa tabi ng fountain.
Mabilis ang paglapit ng mga photographer at kinuhanan ng larawan si Jewel. Tinulungan naman ito ni Ram na makatayo.
"Nakakainis ka talaga!" Nagpapadyak si Jewel at patakbong umalis. Sinundan naman ito ni Ram patungo sa parking lot.
Hinarap ako ni Donya Margaret. "Hindi pa ito ang huli nating pagkikita, Penelope!" may pagbabantang sabi nito sa akin.
Tumango ako at ngumiti sa matanda. "Sure, Donya Margaret. Alam mo naman na gustong-gusto kong nakikita kita palagi," pang-iinis ko pa rito.
"Penelope, stop. May sakit si mama," ani Dante sa akin.
"Ohh... malapit na ba siyang mamatay? I'm very sorry to hear that."
"Hindi pa ako mamatay. At kung mauuna man ako, isusunod kita," galit na sabi nito sa akin.
"Hindi ako takot... limang taon akong nakulong, at hindi na rin ako natatakot na mamatay," bulo ko sa matanda habang nakikipagbeso dito. Nagkunwari silang close dahil sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
Dumating si Angelo at nilapitan ako. Masama itong tumingin sa akin na tila pinapaalala nito ang dapat kong gawin.
"Love..." mahinang tawag sa akin ni Angelo. Nilapitan ko naman siya at hinawakan ang braso nito.
"Please... excuse us," nakangiting sabi ni Angelo sa mga paparazzi.
Sumakay kami sa van at nagulat ako nang makita si Daniel na siyang driver namin. Bumuga nang malalim si Angelo at hinawi ang buhok.
"Nakakaloka!" masungit na sabi nito. "Ano ba ang pumapasok sa isip mo, Openg?" sermon nito sa akin.
Tumingin ako sa binatana. "Gusto ko lang ipakita sa kanila na dapat nila akong katakutan."
"Penelope, hangga't maaari ay dapat mong iwasan muna si Ram at ang pamilya niya. Ikaw pa rin ang isa sa mga suspek sa pagkamatay ni Jana. At hindi pa tuluyang natatapos ang kaso," paalala sa akin ni Daniel.
"Alam ko ang tungkol doon, Daniel."
"Umuwi na tato para makapagpahinga ka. Alam kongaaiyado kang stress dahil sa mga nangyayari. Angelo, mag-uusap tayo sa office ko pagkatapos nating ihatid si Penelope sa bahay niya," maawtoridad na sabi ni Daniel bago nito paandarin ang sasakyan.
Tumingin ako sa bintana at nakita ko sina Ram at Jewel na naghahalikan sa may parking lot. Mabilis kong ibinaling sa ibang direksyon ang aking mga mata. Tumingin sa akin si Daniel at narinig ko ang pagbuga nito nang malalim. Alam kong nakita niya rin si Ram.
Hinawakan niya ang aking kamay at saka ngumiti. Pinapayapa ni Daniel ang aking isipan. Ipinapaalala nito na palagi itong nasa tabi ko sa kahit anong sitwasyon.