NAKATAYO ako sa harapan ng malaking salamin at nakasuot ng bestidang kulay itim. May mahaba itong slit sa tagiliran at bumagay sa kurbada kong katawan. Ipinusod ko ang ang aking buhok at saka naglagay ng makapag na lipstick sa aking labi.
Isinuot ko ang diamond necklace na ibinigay sa akin ni Daniel. Ang assistant nitong si Angelo ang magiging kasangkapan ni Daniel sa aming plano.
Isang buwan kong pinag-aralan ang lahat ng mga sinabi ni Daniel. Tinuruan niya ako kung paano makipag-usap sa mga sosyal na tao. Tinuruan din niya akong kontrolin ang aking pasensiya. Dahil alam nito na mabilis akong magalit at umiyak.
Patay na si Openg at ibinaon ko na siya sa limot. Nakatayo ako bilang si Penelope, isang babaeng lalaban para sa hustisya at para sa karapatan bilang ina.
Lumabas ako sa kuwarto ng bahay ko at naroon na sa labas si Daniel. Inalalayan niya ako habang pababa kami ng hagdan.
"Ibang-iba ka na talaga, Penelope. Hindi na kita makilala, tiyak ako na magugulat silang lahat kapag nakita ka nila. Naayos ko na ang pekeng marriage contract ninyo ni Angelo. Kinausap ko na siya tungkol sa pagpapanggap ninyo bilang mag-asawa na nagmamay-ari ng Leigh Holdings."
Huminto ako sa aking paglalakad at tumingin kay Daniel. "Hindi ba nakakahiya kay Angelo ang gagawin naming ito." Nakilala ko si Angelo bilang isang maarte at supladang bakla.
Bimalingan ako ni Daniel. "Nakausap ko na siya at pumayag na siya." Itinuro ni Daniel ang lalaking naka-suit na nakatalikod sa pintuan. "Kanina ka pa niya hinihintay."
Pagkababa namin ng hagdan ni Daniel ay nilapitan ako ni Angelo. Gusto kong tumawa nang malakas pero pinigilan ko ang aking sarili. Mula sa pagiging magandang bakla ay naging isa itong matipunong lalaki.
"Ikaw na ang bahala kay Penelope, Angelo. At kapag may problema tawagan mo lang ako. Pupunta rin ako sa event para magmasid."
Tumingin ako kay Daniel na seryosong nagsasalita.
"Okay," malambot na sabi nito. "Okay." Pang-uulit nito na pilit na pinapalaki ang boses.
Binitawan ni Daniel ang kamay ko. Inalalayan ako ni Angelo pasakay ng kotse at nagtungo kami sa Veins Hotel para dumalo sa isang auction fundraising event na para lamang sa mga negosyante. Nakakatiyak ako na darating si Ram kasama ni Donya Margaret, Dante at ni Jewel.
Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi habang iniisip kung ano ang kanilang magiging reaksiyon kapag nakita nila ako. Tiyak ako na mag-aapoy sa galit si Donya Margaret.
Hindi nagtagao ay narating namin ni Angelo ang lugar. Nakasunod sa amin si Daniel na naka-disguise. Kailangan nitong umiwas para hindi maghinala ang mga kalaban na hindi namin natutukoy kung sino.
"Hindi ko alam kung gaano katagal ako magpapanggap bilang asawa mo, Openg," mahinang sabi sa akin ni Angelo. Nakangiti ito habang sinasabi iyo dahil sunod-sunod ang flash ng camera sa aming mukha. Maraming mga tao na ang nasa loob ng lobby ng hotel.
Ibinigay ni Angelo ang card nito sa isang staff habang nakakapit ako sa braso niya.
Mula sa malayo ay nakita ko si Ram na kasama si Jewel na sobrang seksi sa suot nitong spaghetti stripe na red dress. Kitang-kita ang cleavage nito at kumikinang ang suot nitong alahas. Nakahawak-kamay ito kay Ram kasunod nina Donya Margaret at Dante.
Pinigil ko ang galit na aking nararamdaman. Bumuga ako nang malalim at tumingin lamang sa mga ito.
Nagsimula ang auction for a cause na inoorganisa ng isang non-government organization. Ang adhikain ng organization ay makatulong sa mga batang may cancer sa buong mundo.
Umupo kami ni Angelo sa pang-apat na lamesa sa harapan. Naka-reserve na iyon sa aking dalawa ni Angelo. Nasa unang table naman sila Ram.
Nagsimula ang auction ng bags at itinaas ni Jewel ang kaniyang flag.
"Hanson for 100 thousand pesos!" sigaw nito na ikinagulat ng lahat maliban sa akin.
"Mukhang gustong magpaaikat ng Salazar," mahinang sabi ni Angelo sa kaniya.
"Hanson bag for 100 thousand pesos? Is there anyone who wants to raise?" anang host na nasa kanilang harapan.
Walang nagtaas ng kamay. "Hanson bag is taken by Miss Jewel Mendoza!" Nagsipalakpakan ang lahat maliban sa kanilang dalawa ni Angelo.
Uminom ako ng wine habang naka-cross legs at pinapakiramdaman ang nangyayari. Muling naglabas ng bag ang host at isang silver bag iyon na may tatak na Winx, isang sikat na bag collection na mula pa sa bansang France.
"This little bag is a limited collection of Preya Winx, the one who designed this beautiful silver bag. I raise this for 100 thousand pesos as an initial bid," malinaw na sabi ng host.
"Winx for 200 thousand pesos!" sigaw sa aking likuran ng isang matandang babae.
Nagtaas ng flag ang Salazar at nagsalita si Donya Margaret. "Winx bag for 500 thousand pesos."
Nagbaba ng flag ang babae sa likuran namin ni Angelo. Umiling ito at saka inginuso sa akin ang reaksyon ni Donya Margaret na tila nagmamayabang.
Itataas ko na sana ang aking kamay nanag biglang pigilan ako ni Angelo. "Painitin muna natin."
Sinunod ko si Angelo. Nagkaroon ng maikling pagsasalita ang foundation at ipinakilala ang mga batang matutulungan. Naalala ko si Rux, miss na miss ko na ang aking anak.
Nagpatuloy ang bidding at isang body bog ang inilabas ng host. Naalala niya si Daniel na mahilig sa mga bag na katulad niyon.
"This bag is one of the best bag on Italy. This is made from quality fabrics and made by a man. I will raise this Dayen boy bag for 100 thousand pesos."
Nagtaas muli ng flag ang Salazar at si Ram na ang nagsalita. "Raising for 500 thousand pesos."
"Raising 500 thousand pesos from Salazar Corporation. Anyone who wants?" tanong ng host na napabuka pa ng bibig dahil sa sinabi ni Ram.
Nagtaas ako ng flag at saka tumingin ng diretso sa host. "Raising for 600 thousand pesos!"
"600 thousand pesos from Leigh Holdings! Wow!" anang host na tumingin sa akin.
"Raising for 800 thousand pesos!" Hindi nagpatalo sa akin si Ram kahit na hindi niya ako nakikita.
"Raising 800 thousand pesos. I can't believe this." Bumaba na ang host mula sa stage at inilahad ang kamay sa direction namin ni Angelo.
"Raising 5 million pesos!"
Nagsipalakpakan ang mga bisita at tumingin sa aking direksyon. Masayang-masaya ako dahil ako ang nakakuha ng bag na iyon na ibibigay ko para kay Daniel.
Hindi na nagsalita pa si Ram. Lumapit sa amin ni Angelo ang host at saka ngumiti. "Thank you so much for giving a huge amount for our foundation. Congratulations to Leigh Holdings, and to Misis Penelope's Gamboa, Leigh. Cheers to their business success."
Kinamayan namin ang mga bisita. Hinawakan ni Angelo ang kamay ko at nakipagbeso kami sa mga businessmans at head ng foundation. Ibinigay ko rin ang 5 million pesos na cheque para sa foundation na siyang ibinilin sa akin ni Daniel.
Hindi makapaniwala si Donya Margaret nang makita ako. Maging si Ram ay napabuka ng bibig habang nakatingin sa akin. Nasa tapat na nila ako at tinignan nila ako mula ulo hanggang paa.
"Penelope..." mahinang sambit ni Jewel at kumapit pa ito sa braso ni Ram.
"Good evening, Donya Margaret. And to all of you. I'm glad we're finally meet together. Anyway, I'm sorry if I am selfish. I just want that bag for my husband." Tumingin ako nang may pagsuyo kay Angelo.
"A-Asawa mo si... si Angelo Leigh?" takang tanong sa akin ni Ram.
Humalukipkip sa aking harapan si Donya Margaret. "Hm, sa isang katulad ni Penelope na isang kriminal at mamamatay tao tiyak ako na may ginawa siyang hindi maganda para lamang makarating dito," pang-iinsulto nito sa akin.
Tumawa ako at saka ngumiti. "Nalulungkot tuloy ako dahil hanggang ngayon ay galit pa rin kayo sa akin. Anyway, hindi kami nagpunta rito para lamang makipag-away. I am happy na naging kasama ko kayo sa event na ito. The socialize and well-mannered family here in this event." Tumingin ako kay Ram na nakatitig sa akin. "Honey, let's go. We'll see them around. Ayoko ng hangin dito sobrang polluted," mapang-asar na sabi ko habang nakatingin sa mga ito.
"We'll see you again. I hope we can build a business together," nakangiting sabi naman ni Angelo na pormal na nakipagkamay kina Dante at Ram. Iniwan namin sila na halatang gigil na gigil habang nakatingin sa aming paglayo ni Angelo. Nagsimula pa lang ako... simula pa lamang ito ng impyerno.