CHAPTER FIVE

2440 Words
"Napaano iyang kamay mo? Bakit ka may gasgas?" tanong sa kanya ni Ophelia nang maabutan siya nitong ginagamot ang isa munang palad. Galing ito sa pamamalengke nang abutan siya at may dalang bayong. Bumaling siya rito at ngumiti lamang at umiling. "Wala 'to Nay, malayo sa bituka. Nadapa kasi ako diyan sa may sapa kasi nakaapak ako sa may madulas na bato kaya sumadsad itong kamay ko nang mapatuon," aniyang pagdadahilan. Hindi niya na para sabihing itinulak siya at siguradong susugod ito sa mansion ng mga De Luca at aawayin si Señorito Ceb kaya hindi na dapat pang pinalalaki 'to. Nilapitan naman siya ng kanyang Nanay. "Sa susunod, uli-uli, titingin ka nga sa dinaraanan mo nang hindi ka nasusugatan," pagalit nito na may paalala at tumungo na sa lamesa para ayusin ang mga pinamili. "Bumili ka na ng gulay, Nay?" Natawa siya nang mapansin niya kay rami ng gulay dahil hindi na nga kasi sila makakakuha pa ng libre. Napamangot naman si Ophelia. "Oo... at baka tayo'y masabihan pa ng makapal ang mukha kung hihingi pa rin tayo ro'n kaya ayan bumili na 'ko." Muli na lang natawa si Gillian at napailing. Kaysa dibdibin, tawanan na lang tutal kota naman na sila sa lupain ng De Luca tuwing anihan noon, tama na nga iyon. "Nabalitaan ko nga pala pauwi raw sina Señor at Señora. Marahil nabalitaan na nila ang nagiging palakad ng anak nila sa lupain nila. Isang linggo pa nga lang naman simula nang nakauwi ito ang dami na agad nabago pati mga taong hiniya 'di lang daw ikaw ang napagsalitaan marami kayo. Baka nga ang nagparating pa iyung mga ibang taga-rito o kaya si Manang na mismo kaya sila uuwi," ani pa ni Ophelia habang nagsisimpan ng mga pinamili na ilalagay sa pridyider. Nagpatuloy lang ito sa pagsasalita habang pinapanuod lang siya ng anak na nakaupo sa sopang kahoy at nakikinig lang. "Ikaw ba naman, ayaw patungtungin ang kahit na sino sa lupain nila lalo kapag hindi trabahador at lalo kapag mga dalaga? Ano kayang klaseng kahibangan iyon?" Nag-iba na rin ng tingin nito sa binata na dati-rati nila hinahangaang mga taga-rito dahil sa angkin nitong kabaitan ngunit ngayon nauuyam na halos lahat sila. "Ayos lang sana kung naglagay siya ng mga karatulang BAWAL, ang nakakasama ng loob halos lahat ng mga taga-ritong pumaparoon pinahihiya niya! Nakakagalit, hindi baga?" Nagpamaywang ang nanay niya at tiningnan siya. Asar talaga ito. "Wala tayong magagawa, Nay. Hindi naman tayo may-ari no'n. Marahil nasanay lang kasi tayo na parati tayong kaparte at binibigyan," aniya bilang komento. "Lahat naman ng pagbibigay Nay, may hangganan iyan. Kaya kailangan naman natin masanay ngayon na 'di na sila gaya ng dati," aniya pa para ipaintindi sa ina niya na ganoon talaga ang buhay. Kita niya kasing masama talaga ang loob nito. "Alam ko naman iyan, 'nak. Kaso binigla niya naman ang mga tao, pati tayo dinadamay sa kasadlakan na dinadanas niya. Dahil ba siya eh niloko, lahat na ng tao lolokohin din siya?" patuyang ani ni Ophelia. Pagak namang natawa si Gillian sa ina. Parang kanina lang sinabi rin nito sa kanya na intindihin na lang nila pero parang mas lalo pa itong nabanas sa binata imbis na intindihin. "Akala ko ba Nay, intindihin na lang? Bakit halatang asar na asar pa rin kayo?" tanong niya. "Eh, paano? Naalala ko ang ginawang pangpapahiya sa iyo at kapag naiisip ko parang kumukulo ulit ang dugo ko katulad kanina nang nakumpirma ko sinabihan ka nga talaga at pinamukhaan mahirap lang tayo kaya tayo nakikihingi!" sagot nito at medyo lumagabog pa ang lamesa nang ipatong ang pinya. "Eh, hindi ba totoo naman talaga na mahirap lang tayo?" Tumawa siya dahil ayaw niyang sabayan ang Nanay niyang mainit ang ulo dahil nasa menopausal stage na rin kasi. "Mahirap nga tayo pero kaya natin bumili! Kaya heto, pasuwal ko sa kanya ang dami nito! Kaya natin bumili!" Ito naman ang gustong nagpamukha ngayon. Mas lalo lang natawa si Gillian sa inaasta ng ina na alam niyang galit lang kaya tumayo na lang siya mula sa kinauupuan at nilapitan ito sabay niyakap niya mula sa likuran kaya napahinto ito pansamantala sa ginagawa. "Nanay... hayaan mo na... hindi natin alam ang totoong sinasaloob niya. Baka naman 'di niya siguro iyon intensyon at nabigla lang din siya siguro," aniya na may kalambingan para bumaba ang kalooban nitong galit. Gillian kung makapagsalita ka rin para namang hindi ka itinulak kanina! Hindi niya naman kasi kaya magalit ng matagal sa tao, hindi lang din talaga niya nakaugaliang magtanim ng sama ng loob. Humugot ng malalim na paghinga si Ophelia at nagbuga ng marahas na hangin mula sa ilong. "Sa tatay mo ka talaga nag-mana. Napagsalitaan na ng hindi maganda, nasaktan na, pero palaging sinasabing hayaan na! Kaya palagi kami nagaaway dalawa noon dahil ang dami niya nang pinalagpas," pagbabalik tanaw nito. "Kaya sa tuwing kausap kita at pinagmamasdan, parang hindi naman nawala ang tatay mo... kaugaling-kaugali mo kasi," medyo nabasag pa ang boses nito sa nagbabadyang pag-iyak. Humarap ito sa kanya at 'di nga siya nagkamali, umiiyak na nga ito kaya lumamlam din ang mga mata niya pinagmasdan ang mukha ng ina. Hinawakan ni Ophelia ang mukha niya at hinaplos ang magkabilang pisngi gamit ang magkabilang hinlalaki ng kamay. "Kay buti-buti mong bata... pero hindi lahat anak, dapat mong pakitaan ng kabutihan kung masama na ang ginagawa sa iyo..." pagpapayong ani ng Nanay. Na-guilty tuloy siya dahil hindi niya sinabi rito ang ginawa sa kanya ni Señorito Ceb kanina nang itulak siya nito sa may sapa pero binaliwala niya lang iyon. Hinayaan lang niya saktan siya nito kanina... at umalis na lang doon na parang wala lang nangyari. "Opo Nay," aniya na lang para hindi na ito mag-isip pa. "Kakaisip ko riyan sa tatay mong sa sobrang bait nakakainis na kaya ayaw ko maging ganoon ka, na darating ka sa puntong aapihin ng iba dahil hindi ka maalam lumaban," may pangangaral nito. Napanguso naman siya. "Maalam naman ho akong lumaban, Nay!" Ah talaga ba, Gillian? Iyak ka nga kanina sa sapa. "Siya! Tulungan mo na nga lang ako magbalat ng kamoteng kahoy nang tayo'y may meyendahin tayo mamaya," magiliw na ani na lang ni Ophelia nang malibang silang pareho. Ngumiti na lang si Gillian at tinulungan na nga lang niya ang Nanay niya sa gagawin. Nag-tungo rin sila sa may likod bahay kung nasaan ang poso nila at nag-umpisa nang mag-balat ng mga kamote. Samantala, sa mansion naman ng mga De Luca, kadarating lang ni Cebrian sakay ng kabayo niyang si Phantom. Basa pa ang kanyang buhok, suot ang puting tshirt, kupas na pantalon at bota papasok ng bahay kung saan naghihintay na pala sa kanya ang mga magulang nang hindi pa niya alam. "Señorito..." Sinalubong siya agad ni Manang nang patungo na sana siya sa hagdanan sa kanyang silid para maligong mabuti dahil galing siya sa sapa. Hinarap niya ito. "Bakit Manang?" Nahalata niya namang tila guilty ito sa kung ano mang bagay halatang nababagabag sa sasabihin sa kanya. "Manang, I have no patience for this. Sabihin niyo na kung anong sasabihin niyo," aniyang pa-angil sa matanda. "Sina Señor Vicente at Señora Dellia... umuwi ho at naghihintay na sila sa inyo sa salas," ani Manang Feliz na ikinabigla niya. "Did you... tell them ?" he asked in a terrifying tone so the old lady took aback afraid of his sudden change of expression. Sinabihan niyang h'wag sasabihin pero mukang hindi nito napigilang kumati ang dila. Umiling si Manang Feliz. "Hindi ho! Hindi ako—" "Eh sinong magsasabi kung hindi ikaw?!" Tumaas ang boses niya at pinanlakihan ito ng mata dahil sa hindi nito pagsunod sa kanya. "Cebrian!! Bakit sinisigawan mo si Manang??" Boses iyon ni Señor Vicente kaya natigilan siya. "Kailan ka pa naging b*stos sa nakakatanda sa 'yo?!" Galit itong lumapit sa kanila kasunod si Señora Dellia kaya napatiim bagang siya at napaayos ng pagkakatayo nang harapin niya ang mga magulang. "Mom, Dad welcome—" Hindi niya ma naituloy ang sanang pa-sarkastikong pag-bati niya sa kadarating lang na mga magulang nang isang malakas na kamao kaagad ang natanggap niya mula sa amang bakas ang labis na pagkauyam sa kanya kaya napahandusay siya malamig na sahig sapo ang parte ng mukha niya na nasuntok. "Vicente! Anak mo iyan!" Awat-awat naman ni Señora Dellia ang asawa nang ibinungad sa anak ay isang malakas na suntok. Akmang dadaluhan ni Dellia si Cebrian nang muling sumigaw si Señor Vicente kaya hindi nito naituloy ang paglapit. "Don't you dare!! Hayaan mo siyang tumayong mag-isa! Niloko lang ng babae, naging walanghiya na! Ikaw! Hindi ka namin pinalaking b*tos sa tao higit hindi ka namin pinalaking maramot!" Nangangalit nang husto si Vicente dahil sa nakarating sa kanilang mag-asawa. Dinuro niya pa si Cebrian na mabagal na tumayo mula sa pagkakahandusay sa sahig at hinarap sila nang ni walang mababakas na kahit anong eskpresyon sa mukha. Hindi pa nakuntento si Vicente nang kwelyuhan niya ang binata. "Hindi si Manang ang nagsabi, may nag-re-report sa 'min kaya h'wag kang namimintang! Ano sa tingin mo itong ginagawa mong pamamalakad dito? Bakit lahat pinagbabawalan mo? Mayro'n pang naririnig na hindi usap galing sa iyo ang mga tao rito! Tingin mo kukunsintihin namin ito?" "Dad... can you let go of me first? I'll talk to you peacely," Cebrian said and he wants peace talk but his expression isn't. Binitiwan naman siya agad ng kanyang ama at inayos niya ang nagusot niyang t-shirt. "First of all, let me say it again what was interrupted a while ago... Welcome home Mom and Dad, I'm glad you're here," he said and he gave them a cold smirk so his parents didn't like his odd behavior in front of them. Lumapit sa kanya ang inang si Señora Dellia at hinawakan ang mukha niya kagaya ng parati nitong ginagawa sa kanya. "Ano ba kasing nangyayari sa 'yong bata ka, huh?" Lumamlam ang mga mata ng ina kaya kaya napaiwas siya ng tingin. He can't bear to see his mother crying but no one can take away the pain he's enduring, no one. So he's expressing it in his most satisfying way, he's hurting so he wants to share this pain... he knows it's wrong but it kinda helps him for some reason. Napa-iling na lang si Vicente, umalis na muna ito dahil baka hindi na naman nito ma-kontrol ang sarili at masuntok muli ang anak kaya lumabas na muna ito kasama na si Manang Feliz, para tanungin sa mga iilang bagay pang nangyari dito habang wala sila na hindi pa nila alam. Iginaya naman ni Dellia si Cebrian papasok sa living room upang doon ito kausapin ng masinsinan. Bilang isang ina, gusto niyang maintindihan ng mabuti ang anak niyang hindi naman talaga masamang tao. Napaiwas naman ng mukha si Cebrian nang mahawakan ng ina ang pumutok niyang labi dahil sa pagkakasuntok ni Vicente nang nasa salas na sila at magkatabing naupo sa mahabang sofa. "Hindi ako galit kay Papa. Dapat nga lang talaga sa akin ang masuntok." Nagawa niya pang matawa dahil doon medyo natauhan siya. Ng kaunti. Hinawakan nito ang kamay niya. "Ceb, this isn't you... kaya bakit naman ganoon ka sa mga tao? Ipinahihiya mo sila... nag-bigay ka pa raw ng mga specific na pamantayan dito sa hacienda na wala naman dating ganoon? Bakit naman ganoon, anak?" Mababakas ang natural na kabutihan sa mukha ng Señora na kapag kausap mo'y kayang palubagin ang iyong galit na sinasaloob. "I just set the new rules, Mama. Imbis na bigyan ang mga taga-nayon na iyan, bakit hindi niyo pagtrabahuhin nang hindi lang sila panay hingi? Hindi ba kakapalan ng mukha iyong sa hacienda na sila nabubuhay nang wala man lang ginagawa?" aniya na puno ng kagaspangan at pagraramot. "Sobra-sobra ang meron tayo. Gasino na iyong mga ipinamamahagi natin sa mga tao na iyon at hindi sila sa hacienda naasa, may mga hanapbuhay sila sa bayan pero kami ng Papa mo pinili naming mamigay sa mga tao rito bilang tulong na rin at alam mo iyan Ceb. Ganoong simpleng bagay lang at masaya na sila ipagdadamot mo pa? Hindi naman iyon kabawasan sa yaman natin." Natawa siya sa sinabi ng ina. "Maipambabayad ba sa punla, pataba, pesticides iyang kasiyahan nila? Di ba hindi? Negosyo ito, Mama," batid niyang wala nang libre ngayon. "Pera na ang nagpapaikot sa mundong ito kahit saan pa sila magpunta. Mga sinanay niyo kasi at bigay lang kayo nang bigay sa kanila kaya nang sinabi ko nang bawal na, mga nagalit sila kaya nakatikim sila ng 'di magandang salita sa 'kin. Subukan nilang magbanat ng buto sa lupain natin baka sakaling makuha nila ulit ang loob ko." Bakas naman sa mukha ni Dellia ang paninibago at pagka-disgusto sa bagong pinakikita niya ngayong paguugali na hindi niya naman ugali dati. Dahil tulad ng mga magulang niya mapagbigay rin siya noon ngunit hindi na ngayon. "Ang tao nagbabago iyan, Mama. Kapag patuloy kang naging mapagbigay sa mga iyan sasamantalahin at sasamantalahin ka lang nila hangga't may maiibigay ka pa, at hangga't may mapapala pa sila sa iyo pero subukan mong wala na? Hindi ba't mga nagalit pa sila?" aniya pang patuya sa masiyadong pagiging mabigay ng mga magulang niya. Napahilot na lang sa noo ang ginang at pinakatitigan siya ng mabuti. "Iba naman ang ginawa mo, binigla mo sila. Hindi sila gahaman, 'nak alam mo iyan dahil ikaw pa dati ang nagbabahay-bahay para mamigay pero bakit nagkaganiyan ka?" Naluluha na lang ito sa hindi kanais-nais na pagbabago niya. "Katulad ng sinabi ko Mama, ang tao nagbabago. Don't blame me for setting boundaries from rich to poor. Iyang mga mahihirap na iyan, karamihan diyan mga mapangsamantala." Pero nagpanting na si Señora sa sinabi niya, kahit ito nasagad na niya rin ang pasensya kaya napatayo na ito at naduro pa siya. "People aren't the same as your former fiance! Hindi sila katulad ng babaeng iyon! Ang mga taong iyon ay hindi rin katulad ng pamilya ng ex mong si Tatiana! 'Di sila mga mapangsamantala nga tao Cebrian! " She yelled angrily at his heartless son. Dumilim naman ang mukha ni Cebrian nang marinig na binanggit nito ang pangalan ng babaeng labis na niyang kinamumuhian. He stood up too and faced his mother who's now mad at him. "Don't you ever mention her name again, Mama... h'wag na h'wag na ulit." Tinalikuran niya na ang sariling ina na sinundan na lang siya ng tingin papalayo. Napaupo na lang ito sa sofa at nahilot ang noo sa sakit ng ulo at medyo nakaramdam ng hilo. Siya naman ay umakyat na sa kanyang kwarto upang doon ilabas ang galit na muli na namang nanariwa sa pagkakabanggit sa pangalan ng babaeng gustong-gusto niya nang kalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD