CHAPTER FOUR

2485 Words
"Nakausap ko na si Manang Feliz, hindi na raw talaga tayo maaari na pumaroon o ni maki-parte sa anumang pananim doon at mahigpit na ipinag-utos daw ni Señorito at kaya simula ngayon Gillian, h'wag na h'wag ka nang pupunta, at baka maulit na naman ang pagkapahiyang ginawa niya sa iyo," ani ni Ophelia sa anak na mas nalungkot naman sa ibinalita ng kanyang Nanay. "Bakit daw ganoon ang Señorito, Nay? Ang sabi niyo'y mabait siya at marunong dating makisama pero bakit nang bumalik naging masama na ang ugali?" aniya na gustong malaman. "Si Señorito Ceb, nakatakda na dapat ikasal sa dating katipan, kaso hindi natuloy dahil nabuntis ng iba ang dapat na magiging kabiyak niya, dinamdam nito iyon nang husto, kaya lahat damay sa galit niya," pabuod na paglalahad nito para sa kaalaman niya. Nabigla naman siya sa nalaman. "Ikakasal na po pala siya dapat, Nay?" kuryosong tanong niya. "Pero mukang bata pa po siya... gusto niya na agad lumagay sa tahimik?" "Matanda sa iyo ng limang taon iyon, bente dos ka, siya'y bente siyete ayos na ang edad para sa mga gusto na magpatali sa relasyon. Pero dahil nga niloko siya ng dating katipan kaya nag-iba siya, ang dating kaaya-ayang paguugali niya, ngayon hindi na kanais-nais. Hindi ko siya nakaharap kanina at si Manang Feliz ang nakausap ko, siya na ang humihingi ng paunmanhin sa atin dahil sa ginawa sa iyong pamamahiya ni Señorito," may kahabaang sagot ni Ophelia. "Nakakaawa naman pala talaga siya, Nay..." napagtantong aniya. "Kaya pala ganoon na lamang siya kung makatingin parang buong pagkatao ko'y nilalait niya sa tingin, dulot na pala ng galit niya iyon sa mga kababaihan at kaya pala bawal na ang mga babae roon 'di naipaliwanag mabuti sa akin ni Manang. May pinagdaraanan pala." "Oo, nakakaawa sa nakakaawa dahil matinong lalaki ang batang iyon tapos nagawa lang lokohin ng babaeng dating pinaglaanan niya ng buong panahon pero maling ibunton niya sa ibang tao ang galit na nararamdaman niya," ani ni Ophelia sa sariling palagay. "At hindi lahat ng tao magkakatulad, minsan man siyang niloko ng dati niyang katipan 'di naman ibig sabihin no'n ganoon na rin ang lahat," may pagkadismaya pang ani nito. "Intindihin na lang po natin, kaya ko naman kalimutan iyon ang pamamahiya niya sa 'kin ngayong alam ko nang mayroon pala siyang masakit na pinagdaraanan kaya galit siya sa mga babae at marahil iyon lang ang paraan niya para maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman," aniya. "Basta! H'wag na h'wag ka nang pupunta pa sa rancho ng hacienda o sa seksyon ng mga taniman. Bawal ka na roon at galit nga siya sa mga babaeng nasa edad mo at damay pati mga wala naman kinalaman sa buhay niya at sa nangyari sa kanya." Hindi maitago ang pagkabanas ni Ophelia, kapag anak na niya ayaw niya may kakanti dahil pinalaki niyang mabuti si Gillian. "Iwasan mo na lang si Señorito at para magawa iyon h'wag ka nang pupunta pa roon. Sanayin mo na ang sarili mo na h'wag maglalagi roon dahil baka mapaaway ako at makalimutan kong malaki ang naitulong ng mga De Luca sa atin kung kakantiin ka pa ulit ng binatang iyon," pinal nang ani ni Ophelia para tuldudkan na ang usapan. Malungkot na lang na tumango si Gillian habang naghahain siya ng mga pinggan at mga kubyertos sa hapag kainan at kinuha na ang ulam mula sa kusina pati na ang kaning nasa kaldero at naglagay ng sapat lang sa bandehado. Nalulungkot siyang bawal na talaga ngayong pumunta pa roon, gayong ang lugar na iyon ay naging libangan niya na. Nagaalaga siya ng mga hayop doon kahit na walang bayad dahil masaya naman siya sa ginagawa pero dahil mahigpit na at 'di na talaga maaari, hindi na siya makakapunta. Hihintayin niya na lang siguro ang pagbabalik nina Señora at Señor De Luca baka sakaling bumalik sa dati kapag umuwi na sila. "Sana Nay, bumalik na agad sina Señora Dellia at Señor Vicente baka kapag bumalik na sila'y manumbalik na rin ang regulasyon sa lupain nila at p'wede na tayo ulit pumunta roon," aniyang may kasiglahan nang makalabas na ng kusina. Inilagay na niya sa lamesa ang kanilang pananghalian habang ang kanyang Nanay nakaupo na sa silya kaya naupo na rin siya para mag-umpisa nang kumain. "Sana nga, pero mukang matatagalan daw dahil ang dami raw inaasikasong negosyo sa maynila, lalo pa ngayon may problema ang anak nila hindi rin makakatulong sa kanila," ani naman nito at naglagay na ng kanin at isda sa sariling pinggan ganoon din siya. Napanguso na lang siya at tumango. "Pray muna tayo Nay." Isang maiksing panalangin ang ginawa nila ng tahimik para pasalamat sa biyayang nasa kanilang lamesa. "Amen." "Kain na tayo, anak!" magiliw na ani ni Ophelia at nag-umpisa na nga silang kumain. Dalawa lang sila sa kanilang munting bahay, wala na ang Amang ni Gillian matagal na sila iniwan at sumalangit na, tanging ina niya na lang ang kasama niya sa buhay. Sila na lang mag-ina ang namumuhay sa maaliwalas na bahay na kahit salat sa kayamanan, masagana naman sa kaginhawahan at mapayapang pamumuhay. Napalaki nila si Gillian na isang mabuting bata ngunit ang labis na kahinaan lang ng dalaga ay mga masasakit na salita mula sa ibang tao dahil hindi naman siya pinalaki sa rahas kundi sa paggalang at saganang pagmamahal ng mga magulang. Kaya simpleng salita na masakit, mabilis siyang masaktan ngunit hindi marunong mag-tanim ng sama ng loob sa kapwa sa kabila ng hindi magandang pag-trato ay nagagawa pa rin niya maging mabuti sa taong nakasakit sa kanya. "Ayos ka na ba?" tanong sa kanya ng Nanay niya nang matapos na nga sila sa pagkain at nililigpit na ang pinagkainan. "Gusto ko sana talaga kausapin si Señorito ng personal kanina dahil bilang Nanay mo hindi talaga ako palagay na ginano'n ka," dagdag pa nito habang tulong sila magligpit at magpispis ng tinik ng isda. Ngumiti na lang naman siya. "Ayos na ho ako Nay! Wala na po iyon sa 'kin. Naiintindihan ko naman na po siya ngayon na sugatan pala ang kanyang puso kaya siya ganoon. Kayo na nga ang nag-sabing mabait naman po talaga siya... na hindi naman masama ang ugali niya." Pinakatitigan naman siya ng kanyang Nanay at hinawakan siya sa magkabilang mukha at iniisip kung gaano siya kabait na anak. "Ang bilin ko, susundin mo. Iba na ngayon si Señorito Ceb, baka mapagbuntunan ka pa talagang mapopaaway ako," ani nito batid lamang ang pangangalaga sa kanya. Nayakap na lang ni Gillian ang ina nang mahigpit at tumingala siya sa mukha nitong makikita ang pag-iingat at pagmamahal sa kanya. "Opo Nay... 'di na po ako pupunta ro'n," pangako niya at nagpahagod pa siya ng buhok dito kahit amoy isda pa sila at parang batang nagawa pang isiksik ang sarili dito. Natawa naman si Ophelia. "Dalaga ka na pero kung umistilo ka para ka pa ring paslit," tuwang ani nito habang hagod ang buhok niya. "Sinusulit ko lang naman Nay, dahil kapag po nagka-asawa na ako hindi ko na magagawa sa inyo ito, kabiyak ko na ang palagi ko nang kayaka—aray!" Natampal namang siya bigla ni Ophelia sa braso kaya napalayo siya rito. "Masakit po iyong hampas niyo Nay!" inda niya na hawak ang brasong natampal at napanguso na lang sa ginawa ng ina. "Anong asawa?? Anong kabiyak?? Kay bata-bata mo pa ha! Pa-graduate ka pa lang sa kolehiyo katipan na agad nasa isip mo?" Biglang tumaas ang boses nito. Muli na lang siyang napanguso. "Nagbibiro lang naman ho ako!" bawi niya sa sinabi. "Galit kayo agad..." dagdag pa niyang pabulong. "Gillian, wala munang boyfriend. Alam ko may mga nanliligaw na sa 'yo pero ayoko ha? H'wag muna, nag-aaral ka pa, umiwas ka sa mga makakapag-distract sa pag-aaral mo, mayroon namang panahon para diyan sa pakikipag-relasyon pero hindi ngayon iyon!" pangaral nito. Si Nanay naman hindi talaga mabiro pagdating sa mga ganoong bagay. "Sabi ko nga po..." Lumikot ang mga mata niya at kiming umayos ng tayo habang pinangangaralan siya. "Hindi kita pinaghihigpitan, pinagiingatan lang kita kaya h'wag mo iisiping istrikta ako dahil para din sa iyo ang mga sinasabi ko," pangangaral pa ni Ophelia. Tumango at pilit na ngumiti na lang si Gillian. Naiintindihan niya ang saloobin ng kanyang ina at wala naman siyang balak na suwayin ang mga utos at bilin nito para sa kapakanan niya at alam niya iyon. "Pangako Nay, magtatapos muna ako ng pag-aaral bago ako mag-boyfriend," aniya. "Hindi basta ang pagpili ng lalaki ha? 'Di iyung makapag-boyfriend ka lang. Matuto kang pumili at kumilatis ng tao, hindi lahat kasing buti mo kaya maging matalino ka sa pagpili at gamitin ang utak, hindi ang puso," tila hindi pa paaawat na ani ng kanyang ina kaya umisip siya ng idadahilan para makaalis na lang. Magto-tooth brush pa sana siya pero mamaya na nga lang. Magpapahangin muna siya sa labas malayo sa inang mabunganga. "Nay, alis muna ako punta lang akong sapa magpapalipas ako ro'n ng oras wala namang gagawin dito sa bahay. Hindi ako pupunta sa hacienda pangako," aniya at lumabas na ng bahay, hindi na naghintay pa na payagan siya. "Itong batang 'to!" Wala nang nagawa pa si Ophelia kundi ang sundan at habulin na lang ng tingin ang dalagang anak na tumakas na sa panenermon niya. Natawa na lang si Gillian nang ganap na makalabas na siya ng bahay nila at nagawa pang umunat at pumikit nang umihip ang sariwa na hanging tumama sa kanyang mukha. Alam niya naman lahat ng mga bilin at payo Nanay na saulado na nga niya sa paulit-ulit nitong pagsasabi sa kanya noon pa man at hindi naman niya para suwayin iyon. Alam na niya ang tama sa mali matagal na. Tinahak niya na ang daan papasok sa isang gubat, ligtas naman dito, dito na siya lumaki sa nayon at saulado na niya ang daan kahit saan, pasikut-sikutin man hindi na siya maliligaw pa. Nangungulila siya sa mga alagang hayop sa hacienda lalo na ang mga kabayo, paborito pa man din niya ang kabayong si Phantom pero kahit ito hindi na niya rin p'wedeng malapitan. May isang linggo rin siyang hindi nakapunta sa hacienda dahil naging abala siya ng husto eskwela kaya ngayong araw ng sabado lang siya nagkaroon ng pagkakataon makapunta pero iyon pala ay bawal na. Kumuha siya ng maliliit na mga bato mula sa lupa nang makarating na sa mala-paraisong sapa at naupo siya sa isang malaking bato roon. Isa-isa niyang pinaghahagis sa sapa ang mga batong nakuha dahil sa pagkaburyong. Bato lamang siya nang bato roon nang may biglang ulong lumutang saktong bato niya ng huling batong inihagis niya kaya sa ulo iyon tumama! "Aray!" inda ng ulo ng taong natamaan niya. Napatili naman siya sa takot at pagkataranta hindi niya alam na may taong biglang lilitaw ang ulo mula sa ilalim ng tubig! Napatayo siya at napaatras sa nerbyos dahil hindi sinasadyang nakasakit siya! "Sorry!" takot niyang hingi ng paunmanhin sa lalaki pero nang dumako ang tingin nito sa kanya ay dumilim ang mukha nito at siya naman ay nagulat nang mapagtanto kung sino ang lalaking natamaan niya. "Señorito Ceb..." Nahintakutan siyang napaatras sa talim ng nga mata nitong iginawad sa kanya. "Hindi ko po talaga sinasadya! Hindi ko alam na naliligo kayo riyan!" May kalakasang ang boses niya upang marinig siya nito mula sa layong distansyang namamagitan sa kanila. "B*tch!" Nagulat siyang minura siya nito. Umahon ito mula sa pagkakatubog sa sapa at mabilis na tinahak ang daan patungo sa direksyon niya at mabilis rin na nakalapit sa kanya sabay marahas siyang hinawakan sa braso na ikinangiwi niya dahil masakit. "Bakit ka nandito ha?! Anong ginagawa mo rito??" pagalit nitong tanong sa kanya kaya nahintakutan siya habang basang-basa ito. Ang mga butil ng tubig ay panay lang ang tulo mag-mula sa buhok pababa sa mukha hanggang sa hubad na taas ng katawan. Namula naman bigla ang magkabilang pisngi niya nang mapadako ang tingin niya sa katawan nitong matipuno pero agad din siyang bumalik sa ulirat at nangingibabaw ang takot dito. "H-Hindi ko po alam Señorito na narito kayo... hindi ko po sinasadya..." Napangiwi pa siya dahil mas humigpit lalo ang hawak nito sa kanya. "N-Narito po ako para magpalipas ng oras at bawal naman po sa hacienda niyo kaya dito na lang sa sapa. Hindi ko inaasahan naliligo pala kayo, hindi ko sadyang mabato kita sa ulo, bigla-bigla kasi kayong umahon," pagpapaliwanag pa niya. Mas lalo lang dumilim ang mukha nito at nagulat pa siya nang itulak siya nito kaya napaupo siya sa lupang may nakaumbok pang bato na tumama sa tumbong niya. "Aray ko po!" Napadaing siya at gumasgas din ang mga palad niya sa mabatong lupa nang sumadsad ang mga ito rito kaya ramdam niya agad ang hapdi. May kalakasan ang tulak nito sa kanya kaya napaiyak siya. Hindi naman niya intensyong makasakit ngunit ito, intensyong saktan siya. "Umalis ka na rito!" pagtataboy sa kanya nito kaya sapo niya ang pang-upo niyang tumayo na. "Aalis ho ako, 'di niyo na ako kailangang ipagtabuyan." Pinagpag niya ang dalawa niyang kamay na may gasgas dahil nanikit pa ang buha-buhangin at lupa rito. Pinahid niya ang luha niyang pumatak sa magkabilang pisngi gamit ang malinis na likod ng palad at saka niya hinarap ng maayos ang binata. "Hndi ko ho alam kung bakit kailangan niyong manakit gayong hindi ko naman ho talaga sinasadyang batuhin kayo," aniya na may katapangan kahit nanatiling galit ang mukha nito. "Hindi ko ho kayo kilala at mas lalong hindi niyo ako kilala kaya h'wag naman ho sana kayong ganito sa babaeng katulad ko kahit mahirap lang ako.. tao po pa rin po ako may pakiramdam," dagdag pa niya sa paraang maihahayag niya ang kanyang saloobin. "Hindi ko na nga kayo hiningian ng dispensa sa ginawa niyo sa aking pamamahiya kanina tapos nagawa niyo pa akong itulak. Pero sige ho, uuna na po ako pasensya na po ulit kayo hindi ko talaga sinasadya na mabato kayo," aniya pa na may pagpapakumbaba at tumalikod na para umalis. Pero natigilan siya nang magsalita ito. "Gamutin mo agad iyang sugat sa kamay mo pag-uwi mo at h'wag ka nang magpapakita pa sa 'kin at umiwas ka na lang para hindi ka na masaktan pa," ani ni Cebrian at tumalikod na rin at muli na itong sumulong sa sapa at ipinagpatuloy ang pag-ligo roon. Ibinaling naman ni Gillian ang mukha niya sa direksyon ng binata nang hindi na ganap na hinaharap ito pero nakita niyang wala na ito sa kinatatuyuan nito kanina at bumalik na pala muli sa paglalangoy. Ikinonsidera niya na lang na ang sinabing iyon ng binata ang paraan nito ng paghingi ng tawad sa kanya at 'di niya na rin naman inaasahan pa na magpakumbaba ito para lang sa katulad niya. Tumingin na lang siya sa harapan diretso sa daan palabas ng gubat para umuwi na lang. Wala na rin siyang gagawin pa rito alangan panuorin niya pa itong magtampisaw doon baka 'di lamang tulak ang abutin niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD