CHAPTER ONE
CEBRIAN VICENZO DE LUCA
Mula sa malawak na lupain ng hacienda kung nasaan ang rancho, isang binata ang kay bilis na nangangabayo, ang tanging suot lang ay bota sa paa, at kupas na pantalon sa pang-ibaba at sa pang-itaas naman ay wala.
Ang kanyang pawis tumatagaktak sa bilis at tumatalsik sa hangin na sumasabay sa bilis ng takbo ng kabayo at sa bawat haplit niya rito. Kay lakas, kay tigas at kay rahas.
"Señorito!" Isang babae na may edad na ang naninilbihan sa mansion ng hacienda ng mga De Luca ang sumigaw upang tawagin siya.
Ngunit dahil abala ang binata sa pangangabayo hindi nito narinig dahil malayo ang boses ng tumatawag sa kanya kaya patuloy lang siya sa pangangabayo sa malawak na rancho.
"Señorito Ceb!" muling sigaw ng babae at nilakasan na sa pagkakataong ito kaya naulinigan na ng binata.
"Hiya! Hiya!" Hinila ni Ceb ang taling nakakabit sa bibig ng kabayo para patigilin ito sa pagtakbo at iniliko niya na papunta sa kinaroroonan ng may edad nang katiwala.
Humahangos ang kabayong nakalapit kay Manang kaya muli niyang hinila ang tali ng bibig ng kabayo para patigilin na ito kaya huminto na sila sa tapat ng katiwalang kanina pa panay ang tawag sa kanya.
"Bakit ho, Manang Feliz?" tanong niya rito buhat ng pagod at malalim nang boses, kanina pa siya walang tigil at ngayon lamang siya napahinga.
Naniningkit pa ang mga mata niya dahil sa silaw mula sa tirik nang araw na nakakatutok sa kanyang makisig na mukha idagdag pa na panay rin tulo ang kanyang pawis.
"Handa na ang umagahan niyo, Señorito at tama na ho kayo sa pangangabayo masakit na sa balat ang sikat ng araw," ani ni Manang.
Bumaba na nga siya ng kabayo at may tinawag siyang tauhang lalaki ng hacienda para ibalik sa kuwadra si Phantom. Pangalan ng kanyang alaga.
"Dante, pasuyo sa kuwadra," utos niya rito at hinimas na muna niya ang mala-tsokolate nitong buhok at tinapik sa likod saka ipinaubaya ito kay Dante.
"Sige ho, Señorito ako nang bahala." Inakay na nito ang kabayo pabalik na sa kuwadra.
Inabutan naman siya ng malinis na tuwalya ni Manang Feliz para pamunas sa nanlalata niyang pawis ngunit hindi niya tinanggap.
"Marumi ako, Manang. Ililigo ko na 'to, at mamaya lang ako kakain pagkatapos ko," aniya at tinahak na ang daan patungo sa kanilang mansion kaya sumunod na lang sa kanya ang matandang katiwala.
Dumiretso siya agad papasok sa kabahayan at tinungo niya ang mahabang hagdanan paakyat patungong kanyang kwarto at dumiretso siya kaagad sa banyo.
Hinubad niya lahat ng maruming kasuotang pang-ibaba at kaagad na sumalang sa ilalim ng shower at hinayaan nang dumaloy ang malinis at buhay na tubig sa matipunong pangangatawan.
Tangay lahat ang duming nanikit sa kanya, may talsil-talsik siya ng putik kung kaya't kay dungis niyang tingnan dahil basa ang mga lupa sa rancho, puro putik sa kasaagsagan ng pangangabayo niya.
Napadako naman ang tingin niya sa pinto ng banyo sa kalagitnaan ng kanyang pag-ligo nang may biglang kumatok doon at nagsalita si Manang Feliz.
"Señorito, ang damit niyo'y ihahanda ko na. Ilalagay ko ho rito sa ibabaw ng inyo hong kama," may pasintabing ani ni Manang.
Hindi na siya nag-abalang sumagot pa at nagpatuloy na lang sa pag-ligo at hinayaan ang pag-ragasa ng tubig sa kanyang buong katawan.
Siya si Cebrian Vicenzo De Luca, ang nag-iisang anak at taga-pagmana ng pamilya De Luca, walang mga kapatid, nag-iisang binatang anak na may iilang kamag-anak.
Kasalukuyan lang siyang nagbabakasyon dito sa kanilang hacienda sa probinsya ng Biliran sa bayan Almaria Poblacion kung nas'an ang kanilang malawak na lupaing pagmamay-ari nila na kinatatayuan ng kanilang mansyon at hacienda.
Kagustuhan niyang umuwi ng probinsya hindi dahil para magbakasyon kundi para magpalamig at magpalipas ng matinding galit...
Dapat siya'y ganap nang kasal ngayon at mayroon nang ganap na maybahay ngunit ang babaeng sana'y kanyang pakakasalan ay nagawa lamang siyang lokohin.
Napag-alaman niyang hindi kanya ang dinadala nito kundi sa ibang lalaki kung kaya ganoon na lamang ang labis na pagka-poot at pagpupuyos niya kung bakit nito nagawa sa kanya iyon sa kabila ng lahat ng pinagsamahan nila.
Napakasakit bilang isang lalaki na lokohin lang ng isang babae na buong buhay niya sineryoso niya simula nang makilala niya ito.
Nagkamali siya, maling pinaglaanan niya ito ng panahon, at higit na maling minahal niya ito ng husto na mauuwi lang naman pala sa panloloko at labis na kahihiyan at higit pang dumikdik sa p*********i niya.
Sa tuwing naiisip niya ang ginawa nitong panloloko, sa tuwing nakakakita siya ng mga babae, kumukulo ang dugo niya... tingin niya pare-pareho na lang ang mga ito at iisa lang ng mga gusto at pakay at walang iba kundi ang pera niya.
Mabuti na lang napag-alaman niya kaagad na hindi kanya ang bata bago pa matuloy ang seremonya ng kasal sa tulong ng pamilya at mga kaibigan.
Kung hindi niya makakasal pala siya sa babaeng matagal na pala siyang niloloko, aako pala siya ng responsibilidad na hindi naman pala sa kanya.
Natawa na lang siya ng mapait sa kinahinatnat ng relasyon niya sa babae... Nakakagalit, higit na nakakapangngitngit. Nakakadala na muling magmahal at ibigay ang lahat-lahat sa takot na maulit.
Mariin siyang napapikit at nasuntok niya ang muwebles na dingding at sa lakas ng suntok niya ay namula ang kamao niya ngunit 'di man lang siya nakaramdaman ang sakit, mas nangingibabaw lang ang sakit na nangagaling sa kanyang kalooban.
Nagtagal pa siya sa ilalim ng shower na kahit malamig na tubig ay hindi kayang alisin ang pangungulo ng kanyang dugo ganoon din ang init ng kanyang ulo.
Ilang saglit pa nang napagdedesisyunan niya na nga rin tapusin ang pag-ligo niya at pahiklat na kinuha ang tuwalyang nakasabit at ipinalibot sa kanyang baywang.
Lumabas na siya ng shower room habang tumutulo pa ang sariwang mga tubig mula sa kanyang buhok hanggang sa katawan at humarap siya sa malaking salamin kung nasaan nakapwesto ang lababo.
Tinitigan niya ang sarili, kung tutuusin nasa kanya nang lahat... lahat-lahat ng katangian na meron ang isang lalaki na gugustuhin ng mga kababaihan, maganda siyang lalaki na mayroong magandang pangangatawan.
May magandang hanapbuhay dahil siya'y nag-aari ng maraming negosyo bukod pa ang hinahawakan niyang negosyo ng kanilang pamilya.
Hindi rin naman siya masamang lalaki, maalaga siya sa naging kapareha ngunit bakit kaya nagawa pa siya nitong lokohin? Paulit-ulit na niya ring tinatanong ang sarili.
Bakit? Bakit? Bakit?!
Sa galit niya ay nasuntok na niya lang ang salamin na naging dahilan ng pagkabasag nito at pagdurugo ng kanyang kanang kamao.
Mabilis ang bawat paghinga niya, ang panga ay galit na nagiigtingan at ang ilong ay marahas na nagbubuga ng hangin. Galit ang ang tanging nangingibabaw.
Walang mapag-sidlan ng nararamdaman niyang ito tuwing naiisip niya ang ginawang panloloko sa kanya at sa kahihiyang idinulot nito sa kanya pati na rin sa kanyang buong pamilya.
He was ready to settle... he was ready to be a good and loving husband with her, and most likely he was ready to be a good father with their future children but this is just what happened. She deceived him.
Nang ganoon lang.
Nanginginig ang kamay niyang naikuyom ang kamao at 'di pa siya nakuntento nang kanyang muling isuntok ito sa basag nang salamin kaya mas lalo pa itong nabasag.
Nangilid ang luha niya dahil sa matinding galit, pakiramdam niya sa puntong ito gusto niya rin manakit dahil sa kagustuhan niyang makaganti.
Nakatitig na lang siya sa sariling mga mata mula sa pirasong salamin na naging bubog na na natira sa dingding.
Ang magaganda niyang kulay tsokolateng mga mata na dating puno ng saya, puno ng ligaya ngayon ay nabalutan na ng matinding kapootan, naging madilim, nawalan ito bigla ng buhay at kulay.
Inalis mula sa kanya ang dating sayang namumuhay sa kanya, inalis ng taong handa sana niyang paghandugan at pag-alayan ng lahat-lahat ng meron siya ngunit nagawa lang siyang lokohin!
Hindi niya matanggap, hinding-hindi niya magagawang tanggapin lumipas man ang mahabang panahon at maraming taon.
Nakadadala nang magmahal, nakakadala na. Kaya ipinapangako niya sa sarili na hindi na siya muling iibig pa. Hinding-hindi na.