CHAPTER SIX

1474 Words
"Nasaan si Ceb?" tanong ni Señor Vicente kay Manang Feliz ngunit umiling lang ito batid na hindi rin alam. "Hindi ko alam, Señor. Umalis ho sakay ng kabayo niya kanina hindi ko alam saan siya nag-tungo," sagot nito habang magkadaop ang mga palad, aligaga rin sa pag-alis ng Señorito. Napahilamos lang si Vicente gamit ang isang palad at problemadong hinarap ang asawang si Dellia na nagaalala na rin ng husto dahil kanina pa umalis ang binata, gabi na hindi pa umuuwi. "Kasalanan ko 'to, nasigawan ko siya kanina at nabanggit ko si Tatiana sa kalaigtaan ng pagtatalo namin..." aligagang ani ni Señora Dellia iniisip saan na kaya ito nag-tungo. "Sandali at ipahahanap ko na sa mga tao ng hacienda, nandiyan lang iyon sa tabi-tabi at h'wag ka nang mag-isip uuwi rin iyang anak mo," aniya upang pakalmahin ang asawa. Dali-dali na nga siyang lumabas ng mansion at inutusan ang mga tao nilang hanapin ang anak at hindi sila mapapalagay nang hindi pa ito umuuwi. "Señorito, tama na iyan..." pigil ng isang taga-nayong si Tope na kasalukuyang ka-inom ni Cebrian. "Hinahanap ka na sigurado sa inyo," dagdag pa nito. Natawa lamang si Ceb sa sinabi ng kainom at iniiwas niya pa ang basong hawak na may lamang alak nang subukan nitong kunin sa kamay niya. "Ano 'ko? Bata?" Medyo lango na niyang untag dito. "Hindi nila 'ko para hanapin na parang batang nawawala. Taga-rito ako." Si Tope ang tumayong kababata niya sa probinsya na dinayo niya pa talaga rito sa bahay nila para mayroon siya makasama at may makausap na rin dahil kung hindi niya ilalabas ang bigat sa dibdib niya, para na rin niyang pinigilan ang sarili niyang huminga. Napabuga na lang ng marahas na hangin si Tope habang pinapanuod siyang pakalunod sa alak. "Tingin mo ba maganda iyan?" tanong nito. Pagak siyang natawa ulit. "May maganda pa ba sa nangyayari sa buhay ko ngayon, Tope? Sabihin mo nga?" Tinampal pa niya ang mukha nito pero mahina lang naman. Tinabig nito ang kamay niya at asar siyang tiningnan. "Hanggang kailan mo pipiliin na magpakadusa? Ang dami-daming namang mga babae diyan na p'wede mong ipalit—" "Letseng mga babae iyan!" Ibinato niya bigla ang baso sa katapat na dingding dahilan ng pagkabasag nito kaya natigilan ito sa kalagitnaan ng pagsasalita. "Iisa lang iyang mga iyan, mga oportunista, mukang pera, mga manggamit!" bulalas pa niya na puno ng pagkauyam sa kababaihan. "H'wag mo namang lahatin! Parang sinabi mong nanay mo ganoon din! H'wag gano'n pare," ani ni Tope bilang pagpapayo sabay ginulo ang buhok niya pero tinabig niya agad ang kamay nitong nasa ulo niya. Lasing na niyang dinuro-duro ang kaibigang nagaalala lang naman sa kalagayan niya at nababahala sa ibinunuka ng bibig niya. "Kahit na anong sabihin mo... hindi na mababago niyan ang tingin ko sa mga babae, at iba naman ang Nanay ko kaya h'wag mo siyang maisali-sali sa kanila. Ako ba naiintindihan mo?" Mapupungay na ang mga mata niya dahil sa tama na ng alak at kaya si Tope ay napakamot na lang sa ulo. "Oo na, tama ka na," pagsuko na lang nito sa pakikipagtalo sa kanya. "Pero tama na iyang nainom mo, mangangabayo ka pa pauwi baka makatulog ka na nang nakasampa makaladkad ka pa," dagdag nito. "I'm good at horseback riding kahit nakainom kaya kong umuwi, hindi ako ilalaglag niyang si Phantom." Itinuro pa niya ang kabayong nakatali sa handang sulok sa may puno. Kahit daliri niya hindi na tuwid ang pagkakaturo. "Sige sabi mo eh," ani na lang ni Tope at hindi na nga lang nakipag-talo pa sa lasing, lasing eh hindi na alam ang sinasabi. "Ahm... Tope?" Isang malambing na boses ng babae ang biglang pumukaw sa kanilang dalawa kaya mula paglatalikod nila rito ay panabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng boses ng dalaga. Agad namang nangunot ang noo ni Ceb nang makita niya ang pamilyar na mukha ng babae na hindi niya p'wedeng makalimutan. Ang morena at napaka-kinis nitong kutis, ang mapupulang labi, ang ilong na tama lang ang tangos at ang maaamong mga mata nito na kung pagmamasdan mo ay kusang nangungusap. Anong ginagawa ng babaeng 'to rito? Agad na nag-iba ang timpla niya at kumulo agad ang dugo niya pagkakita niya rito. "Oh! Gillian! Gabi na ah bakit naparito ka pa? Anong atin?" Napatayo naman agad si Tope at nilapitan ang dalagang nagulat pa nang makitang naririto din si Señorito Ceb. "M-May bisita ka pala! Sige alis na ako bukas na lang Tope." Magmamadali na sanang umalis si Gillian pero maagap naman siya napigilan ni Tope sa braso kaya hindi siya nakaalis. "Bakit bukas pa pwede mo namang sabihin sa akin ngayon? H'wag mo intindihin iyang lasing kong bisita hindi ka kakagatin niyan," ani ni Tope na may biro pang kasama na ikinataas naman ng isang kilay ni Ceb. Na kay Gillian ang mapanuring tingin nito kaya mas lalong mukang hindi napakali ang dalaga at hindi naging komportable. Hindi niya naman alam na si Señorito Ceb pala itong nalatalikod kanina kaya hindi siya nagkuling lumapit. Pero ngayong nakilala niya ito parang gusto na niyang kumaripas at takbuhin ang daan pauwi dahil baka isipin nitong sinusundan niya ito kahit banda roon lang naman ang bahay nila. "Kasi ano..." Hindi siya makapagsalita dahil ang init nito kung makatingin sa kanya para siya nitong tinutupok sa tingin. "Kasi ano?" Natawa pa si Tope dahil hindi niya masabi-sabi kung anong ipinunta niya rito. "Mag-ano kayong dalawa?" Kamuntikan pa ngang magulat si Gillian nang marinig ang tanong na iyon ni Ceb. Nilingon naman ito ni Tope at mayabang na hinawakan siya baywang na ikinagitla niya pa. "Anong ginagawa mo, Tope?" Naguguluhan at may pagtatakang tanong niya rito sa kaibigang mukang may balak. "Ito bang si Gillian? Siya ang future nobya ko," pakilala nito sa kanya kay Señorito Ceb sa ganoong paraan kaya namilog ang mga mata niya sa gulat. "Anong sinasabi mo Tope—" "Talaga?" Patuyang tumawa si Ceb kaya pareho silang natigilan. "Wala na bang iba? No choice ka na kaya siya napili mo?" Isa na namang insulto ang natanggap niya mula rito. Hindi naman nagustuhan ni Tope ang sinabing iyon ni Ceb. "Cebrian, magkaibigan tayo pero h'wag mo insultuhin si Gillian. Iba siya sa mga babaeng inaakala mo. 'Di mo siya kilala para pagsalitaan mo siya ng ganiyan," pagtatanggol nito sa kanya. Ceb just makes a mocking face like. Batid niya na 'di man lang pumili-pili ang tinging iginawad niya sa dalaga kaya si Gillian ay muli na naman nasaktan ang damdamin. "I know her, I met her twice just today, at pangatlong beses na ngayon," he said with his insulting smirked kaya mas lalo lamang nabanas si Tope. "Tope, uwi na ako bukas na lang ako babalik pauwiin mo na rin iyan kaibigan mong muka ata nakarami na ng nainom," paalam na ni Gillian batid pa rin ang pag-alala sa binata sa kabila ng pang-iinsulto nito sa kanya. Tinalikuran niya na sila at akmang aalis na pero natigilan siya nang muling magsalita si Ceb na hindi na naman niya inaasahan ang maririnig niya. "Akala mo ba maganda ka?" patuya nitong tanong kaya pasulyap niya itong tiningnan at natawa pa ito. "Akala mo lang iyon, wala ka man lang ni katiting na ganda." "Ceb! Ano ka ba naman?!" galit nang saway ni Tope sa kaibigan dahil sa labis na nitong pang-iinsulto sa dalagang wala namang ginagawang masama sa kanya. Asar na sanang lalapitan ni Tope si Ceb nang mahawakan siya ni Gillian sa braso at umiling batid na hayaan na lang at intindihin na lang dahil nakainom lang ito... kahit alam niyang kahit hulas makakaya nitong sabihin iyon. "H'wag mo 'kong lokohin Tope, hindi mo girlfriend ang babaeng iyan. Hindi ganiyan ka-pangit ang taste mo," ani pa ni Ceb dala na nga talaga ng kalasingan kaya 'di na nga rin napigilan ni Gillian ang manginit ang mga mata. Pero bago pa man siya maiyak sa harapan nila ay tumalikod na siya pero nag-iwan siya ng mga katagang ikinatahimik nila. "Gusto ko lang din malaman mo Señorito na kung hindi ako maganda, hindi ka rin naman ganoon kagandang lalaki para umasta kang gwapo! Kung pangit ako sa paningin mo 'di hamak na mas pangit ka kasing pangit mo iyang ugali mo! Umalis ka na lang dito sa probinsya namin!" aniya sabay tumakbo palayo sa kanila pauwi na ng bahay at kasabay ng pagragasa ng luha na magmistulang galing away bata. She left them mouth hung open. "What did she say?" Ceb pretends he didn't hear what the young lady just said before she left them. Unti-unti namang napahalakhak ng tawa si Tope. "Nagkamali ka kasi ng inaway, mabait iyan pero marunong mang-real talk iyan. Samahan mo pa ng trash." Patawa namang napasinghal si Ceb na sinundan na lang ng tingin ang ginawang pagtakbo ng dalaga na parang bata matapos iyon sabihin sa kanya. Hindi siya natutuwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD