CHAPTER THREE

2039 Words
"Oh? Bakit busangot iyang mukha mo? Nasaan ang mga gulay na pinakukuha ko?" bungad ni Ophelia kay Gillian na kadarating lang ng bahay na walang dala. Umiling ang dalaga sa tanong ng Nanay at ipinatong ang basket na walang laman sa ibabaw ng lemesang hapag kainan nila. "Wala ho eh.." Napaiyak pa siya sa harap ng Nanay niya nang maalala ang pagkapahiya sa kanya ng Señorito. Ganito siya kapusong mamon kaya dali-daling siyang dinaluhan ni Ophelia upang alamin ang nangyari. "Bakit ka umiiyak? Hindi ka lang nakakuha ng gulay umiiyak ka na?" tanong nito. "Sabihin mo, may nangyari ba? Sinita ka?" ani pa nitong dagdag. Tumango siya. "Sinita ako pero hindi ni Manang Feliz kundi ng Señorito. Hindi ko naman ho alam bawal na palang kumuha ngayon, Nay... nasabihan pa akong walang pambili kaya raw nakikihingi ako sa hindi ko naman daw lupa." "Sinabi niya iyon?!" Umusbong ang galit kay Ophelia. "Hindi ko alam na dumating na pala ang batang iyon pero hindi ganoon ang ugali ni Señorito, sigurado ka bang siya ang may sabi no'n sa iyo?" Tumango namang muli si Gillian. "Opo, tinawag pa nga siya ni Manang na Señorito at nakaharap ko siya ng malapitan at siya pa mismo ang sumita sa akin. Ang b*stos po ng pagkakataboy sa akin Nay... pakiramdam ko nanliit ako bigla." Iyon ang epekto sa kanya ng narinig niyang salita mula sa binata. Si Ophelia naman ay napaisip dahil kilala nila ang Señorito na hindi naman ito gano'n kaya bakit nito sinabihan ang anak niya ng gano'n kababang salita? "Imposible magsalita ng ganoon iyon dahil mabait iyon mana sa mga magulang niya," ani ni Ophelia pero naroon pa rin ang pagiisip. Hindi naman sa hindi ito naniniwala sa anak, bumabase lang talaga ito sa pagkakakilala nila kay Cebrian. "Tingin po ba ninyo nagsisinungaling ako? Ako po ang sinabihan, harap-harapan ako sinabihan ng Señorito Ceb na iyon!" aniya. "Alam kong hindi ka sinungaling hindi lang ako makapaniwala na si Señorito Ceb ang nagsabi no'n sa iyo ng ganoon dahil kilala iyong mabait na mana sa mga magulang. Aalamin ko kay Manang Feliz kung bakit nagkaganoon at baka mamaya may nagawa kang 'di niya nagustuhan." "Wala ho akong ginawa! Kausap ko lang si Manang Feliz bago pa man siya sumulpot at sinabihan nga ako ni Manang na simula raw ngayon bawal nang pumasok sa bakuran ng hacienda o makahingi ng mga tanim lalo na kapag babae..." aniya para sa kaalaman ng ina. Nangunot naman ang noo Ophelia at nagtaka sa sinabi niyang bawal nang pumasok at makahingi lalo na't kapag babae? "Ano naman kinalaman ng pagiging babae?" tanong nito na kahit siya hindi niya nga rin alam. "Ang mga magulang pa nga niya ang nagsabing maaaring magpunta roon sa kanila ang mga taga-nayon kapag tag-ani. Ang mag-asawang De Luca mismo ang may sabi no'n pero ngayon bakit biglaan naman niyang pinagbawal?" Iniisip pa rin nito ang dahilan. "Hindi ko nga rin alam Nay, iyan din ang tanong ko, at basta bawal na araw po... at nasabihan pa nga ako na walang pambili kaya nanghihingi," aniya batid pa rin ang pagdadamdam sa tuwing naaalala ang kaninang engkwentro nila. "Ako ngang kakausap kay Manang Feliz, hindi naman kasi maramot ang mga De Luca kaya paano kayang biglang bawal na. Hindi naman tayo mamimilit kung talagang ayaw na mamigay, aalamin ko lang kung anong dahilan." Kinuha muli ni Ophelia ang kaninang dalang basket ni Gillian. "Ako naman ang susubok na mang-hingi, at aalamin ko rin bakit ka ba niya kinailangang sabihan ng ganoon. Hindi tama iyon, p'wede naman siyang magpaalis pero h'wag siyang mamahiya ng tao," ani ni Ophelia at hindi makapapayag na ginano'n lang ang kaisa-isang anak na dalaga. "H'wag na kaya, Nay? Baka kayo naman ang pahiyain niya." Sinubukang pigilan ni Gillian ang ina pero papalabas na ito ng bahay at hindi na ito nagpapigil sa kanya. "Kilala ako ng binatang iyon, dati ko iyong nakaka-kwentuhan at magaling makisama iyan sa tao noong nandito pa siya naglalagi ilan taon na ang nakalilipas. Kaya hindi ako para pakitaan ng kagaspangan ni Señorito, ako'y nakakatanda pa rin naman sa kanya," ani ng kanyang Nanay batid na gagalangin pa rin naman siya ng binata kung siya na ngayon ang pupunta sa hacienda at haharap dito. "Sige ho... kayong bahala Nay basta umuwi kayo agad at balitaan niyo ako." Hinayaan na niya ang Nanay niyang umalis at pinag-ingat na lang sa daan. "Uuna na ako magsaing ka na at may isda riyan prituhin mo na para pag-uwi ko kakain na lang tayo ng tanghalian," paalam na ni Ophelia na may pagbibilin na kasama. Malapit lang naman ang bahay nila sa lupain ng mga De Luca kaya mabilis na lang na nakarating si Ophelia sa hacienda. Sakto ay namataan niya agad si Manang Feliz na may kausap na lalaking trabahador. "Manang Feliz!" pala-kaibigan na tawag ni Ophelia sa katiwala at kinawayan pa ito na may ngiti sa kanyang mukha. Nagulat pa si Manang Feliz na makita ang ina ng dalagang kanina lamang ay itinaboy ni Señorito at alam na nito agad kung anong pakay ng ginang. "Oh! Ophelia? Naparito ka?" May katanungan nitong bungad sa kanya kahit alam na nito ang dahilan ng pagparito niya at lumapit naman agad ito sa kinaroroonan niya at dumako ang tingin sa dala niyang basket. "Maitanong ko lang Manang, ang anak ko kasi ay umuwing umiiyak dahil ipinahiya raw siya ni Señorito Ceb, gaano ito katotoo? At isa pa ay bakit bawal na raw makahingi? Nais ko lang malaman hindi ako narito para mag-pilit na makahingi ng anuman, gusto ko lang din alamin bakit ginano'n ng Señorito ang anak ko?" aniya na wala nang paligoy-ligoy pa sa katiwala na hindi naman alam kung anong paliwanag ang gagawin sa kanya. Hinawakan naman siya nito bigla sa bisig at bahagyang hinila para ilapit sa kanya upang masinsinang kausapin siya patungkol dito. "Ako na ang humihingi ng pasensya sa nasabi ni Señorito Ceb sa iyong dalaga, ako man eh hindi iyon nagustuhan. Hindi ko alam paano ipaliliwanag sa mga tao ang biglang pagbabago ng ugali ng batang iyon." "Nangangahulugan na ipinahiya niya nga talaga ang anak ko?" may katarayang pangungumpirma ni Ophelia. Napahinga na lang ng malalim si Manang Feliz saka nagsalita upang ipaliwanag. "Ang Señorito ay may pinagdadaanan, Ophelia... nabalitaan niyo naman siguro na dapat ikakasal na ito?" "Oh? Anong koneksyon no'n sa pagbibitiw niya ng salitang hindi maganda sa dalaga ko? P'wede niyang paalisin na 'di kailangan pang pahiyain," aniya batid na pagdating sa anak niya'y ibang usapan na. "Makinig ka muna!" ani ni Manang Feliz kaya binigyang pagkakataon naman niya itong makapagpaliwanag. "Ilang araw na simula nang umuwi si Señorito Ceb dito sa probinsya at naging kapansin-pansin na nag-iba ang pauugali niya, nawalan na siya ng pasintabi sa mga nakakausap lalo na kapag babae pero maliban na lang sa may mga edad na katulad natin, may paggalang pa rin naman." "Hindi natuloy ang kasal niya dahil nalaman nilang buntis ang babae sa ibang lalaki kaya magmula no'n ganoon na siya makitungo sa kababaihan. Naging tingin niya sa lahat ng mga babae ay mga oportunista," ani pa nito na hindi niya naman nagustuhan dahil para na rin panghahamak sa mga kababaihan iyon pero gayon pa man nakakagulat na balita itong napag-alaman niya. "Malaki talagang kahihiyan ito para sa kanya higit sa buong pamilya ng mga De Luca kaya sana kayo na lang ang umintindi sa kanya at sa pagbabago niyang ito dahil kasalukuyang nasa ilalim siya ng matinding depresyon, mas nananariwa ang sugat sa puso araw-araw kaya ganoon na lang ito, naging masungit, iritable at istrikto ayaw ng mayroong ibang taong nakikita rito dahil pakiramdam niya'y siya ang pinaguusapan," buong pagbubuod ni Manang Feliz kaya si Ophelia ay biglang napaawa naman. "Ganoon pala ang nangyari Manang... kaya nagtataka ako 'di naman ganoon ang ugali ng batang iyon pero bakit nagawa niya na ipahiya si Gillian," aniya at naiintindihan na niya ngayon na may pinagdadaanan pala ito. "Oo, kaya ako na ang humihingi ng pasensya sa inyo at sa dalaga mo, kilala naman natin si Señorito na hindi maramot, nagkaganito lang siya dahil sa epekto ng pangyayari," batid ni Manang Feliz ang paghingi ng pangunawa mula sa mga taga-rito. Lalo na't pinagbawalan na maglabas pasok ang sino man sa hacienda kung hindi naman mga trabahador, at bawal ma rin mang-hingi o kumuha ng kahit ano sa taniman. "Naiintindihan ko, Manang. Ibig palang sabihin ay bawal na talaga kaming pamari't parito at hindi na rin kami makaka-ani kahit kaunti," may lungkot man kay Ophelia pero wala silang magagawa, nakikihingi na nga lang sila kaya wala silang mga karapatang mag-pilit. Napahugot ng malalim na pag-hinga si Manang Feliz. "Para kang anak mo kanina, ganiyan na ganiyan, iisa ang ekspresyon ng mukha niyo nang sabihin kong bawal na siyang magpunta pa rito at umani." "Ang lungkot nga ng anak ko Manang eh, gustong-gusto niyang pupunta rito dahil minsan nagpapakain daw siya ng mga kabayo, nalilibang siya rito hindi dahil nakakahingi siya ng mga tanim kundi masaya siyang pumaparito, hilig niya mag-alaga ng mga hayop," aniya na naiintindihan naman ng katiwala. "Wala tayong magagawa, utos ng anak ng may-ari, mahirap sawayin baka pati kami'y pag-initan at maisipan tanggalin," ani nito. "Hindi naman siguro Manang, sa kabila naman ng pinagdadaanan niya naroon pa rin naman siguro ang dating Ceb, nagkukubli lang dahil sa dinadanas na kapaitan," aniya bilang palagay. "Paano? Uuna na ako sa loob, at baka may kailangan na ang Señorito doon baka sabihin pa ay inuuna ko ang pakikipag-kwentuhan kaysa trabaho," paalam na ng katiwala. "Siya, ako'y uuna na rin Manang. Naparito lang talaga ako para kumpirmahin at alamin ang nangyari, alam niyo naman na ayokong naaapi ang anak ko, at nagdala pa pala ako ng basket nagbaka-sakaling maka-ani pero bawal na pala talaga," paalam na rin niya't naroon pa rin ang panghihinayang. "Walang umaapi, Ophelia nagkataon lang na hindi maganda ang timpla ni Señorito Ceb at kayo na lang ang umunawa, at pasensya na talaga kung mag-mula ngayon ay bawal na kayong makakuha ng mga pananim," ani ni Manang Feliz na may kalungkutan din. "Ayos lang Manang walang problema naiintindihan namin at maraming salamat," aniya batid na nauunawaan nila at hindi na lang sila papadpad pa rito at sasabihan ang anak na h'wag nang pupunta pa. Nagpaalamanan na nga ang dalawang babae at tinahak na ni Ophelia ang daan paalis sa hacienda para umuwi na sa bahay kahit walang bitbit kundi basket at basket pa rin at bumalik na rin naman si Manang Feliz sa loob ng mansyon at namataan pababa ng hagdanan si Cebrian. "Bakit naparito si Ginang Ophelia, Manang?" salubong ni Cebrian sa kapapasok lamang na katiwala. Kilala niya si Ophelia at tanda niya ang mukha. Hindi nila alam na pinanuod sila ni Cebrian mula sa itaas ng bintana ng kwarto niya at naging pamilyar sa kanya ang basket na dala ni Ophelia na dala rin kanina ng dalagang sumubok humigi ng gulay. "Pumarito si Ophelia para magtanong kung bakit niyo nagawang pahiyain ang dalaga niyang anak," ani ni Manang Feliz. Nangunot naman ang noo niya. "Dalagang anak? Anak niya iyung babae kanina?" Hindi niya alam. Tumango ito. "Oho, mag-ina iyon sila. Umuwi raw kasing umiiyak si Gillian at nagsumbong sa ina na ipinahiya niyo raw siya." Napataas naman ang isa niyang kilay. Gillian pala ang pangalan ng babaeng iyon... at ina pala nito si Ginang Ophelia. He chuckled and laughed a bit at it for a sudden reaction when he found her funny. "Such a crying baby, huh?" "Natuwa pa kayo na nakasakit kayo ng damdamin, Señorito? Mabait na bata si Gillian, hindi iyon sanay sa mararahas na salita. Kung kausapin nga iyon nina Señor, pati Señora eh parang prinsesa. H'wag ho ninyong ipahihiya ang dalaga ng ganoon," batid naman ni Manang Feliz na magkaron pa rin sana siya ng respeto kahit papaano. Nawala naman ang kakatwang ngiti ni Cebrian sa mukha sa paraan ng pananaway sa kanya ng matandang katiwala kaya nanumbalik siya sa pagiging seryoso. "Wala akong pakialam kung nasaktan ko man ang damdamin niya. She's just one of those women who has no worth to pay off. Kung ayaw niyang makarinig ng mga salita na makakasakit sa kanya, she better get away from here at h'wag na h'wag magpapakita sa 'kin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD