CHAPTER TWO

1821 Words
Lumabas na mula sa banyo si Ceb habang nagdurugo pa rin ang kanyang kamay. Hindi na siya nag-abala pang gamutin ito dahil sa pamamanhid. Naupo siya sa ibabaw ng kama at itinuon ang magkabilang siko sa magkabila ring hita. Hindi niya alintana kung ang kamay man ay nagdurugo. Pahagod niyang nasabunutan ang sariling basang buhok kasabay nang mariing pagpikit. Nagpakawala siya ng marahas na hangin at napamura sa bigat na kanyang kasalukuyan nararamdaman. Napahilamos siya gamit pa ang dalawang palad at saktong mayroong kumatok sa labas ng pinto. "Señorito Ceb?" Bakas ang pagaalala sa boses ng katiwala mula sa labas. "Ayos lang ho ba kayo riyan?" Nang wala itong narinig na sumasagot mula sa loob ng kwarto pumasok na lang ito nang walang pasabi at nagulat pa ito sa nadatnan nang makita siyang dumurugo ang kanang kamao at kitang may mga nakabaon pang bubog dito. "Señorito!" puno ng pagaalalang bulalas ni Manang Feliz at agad siyang tinakbo para maapitan. "Ano na naman itong ginawa ninyo... sandali at magpapatawag ako ng doctor!" Dali-dali na itong lumabas para tawagan ang family doctor ng mga De Luca rito sa probinsya. Si Manang Feliz na katiwala ng mansion at hacienda ay siya rin nakaatas na magbantay sa kanya at tingnan-tingnan siya sa utos na rin kanyang mga magulang kung kaya't parati itong nakasunod sa kanya. Hinayaan niya lang ang natatarantang katiwala, nahiga lang siya sa kama at hindi pa muna nag-abalang mag-bihis. Lahat ng maaaring niyang gawin dito para lang makalimot kahit papaano o malibang ginawa niya na. Isa na riyan ang parati niyang madalas na pangangabayo sa tuwing umaga at padapit hapon hanggang gabi, para malibang lang ang isip niya. Pansamantalang nakakatulong sa kanya ang paglilibang na ginagawa niya sa araw-araw ngunit pagkatapos din ay manunumbalik na naman ang lahat sa kanya at lalamunin na naman siya ng labis na sakit kapag siya'y napag-iisa. Ilang sandali pang nanatili siyang nakahiga, tulala lang sa itaas ng kisame nang bumukas ang pinto at muling iniluwa si Manang Feliz na may kasama na, si Dr. Atienzo. "Señorito... ang doctor ay nandidito na. Kayo ho ay bumangon na nang ang sugat niyo'y nagagamot na," nababahalang ani ni Manang Feliz nang lapitan siya. Bagot siyang bumangon kasabay nang pormal na pagbati ni Dr. Atienza sa kanya "Magandang umaga, Señorito Ceb. Maaari ko bang makita ang kamay niyo?" ani nito na may pasintabi. Walang imik niya na lang na ibinigay ang kamay sa doktor at nilingon niya si Manang Feliz upang sabihing h'wag nang ipaalam pa sa mga magulang ang tungkol dito. "Manang, h'wag mo na itong ipaaalam sa kanila," aniya rito sa katiwala at muka pang nagdadalawang isip ito kung susundin siya. "Manang," mariin niyang tawag muli rito batid niyang h'wag siyang hindi susundin kaya napilitan na lang itong napatango. "Sige... ho, hindi makakarating," ani ng katiwala. Kung ipapaalam nito sigurado susugod ang mga iyon gayong wala lang naman ito. Muli na niyang ibinalik ang atensyon sa doktor na hinayaan na lang niya gamutin nito ang sugat niya sa kanyang kamay. At nang maalis na nga ang mga bubog na bumaon nilinis na at saka binalutan ng bandaid at bandage. Nagpakawala ng marahas na hangin si Dr. Atienzo. "Señorito... alam ko na 'di biro ang iyong pinagdadaanan ngunit kailangan niyong pag-ingatan ang inyong sari—" "Tapos ka na ba?" tanong niya kung tapos na ba ito sa panggagamot sa sugat niya at kung tapos na pwede na itong umalis. "Makakaalis ka na,"aniya. Hindi niya kailangan ng simpatiya mula sa iba, mas lalong hindi niya kailangan ng awa mula sa mga taong umaastang nag-aalala pero lihim lang naman siyang kinukutya at patagong tinatawanan. Tumayo na nga ang doktor at ibinalik na ang mga gamit sa dalang bag. "Aalis na ho ako at hangga't maaari mag-iingat na kayo sa susunod." Tinahak na nga ni Dr. Atienzo ang pinto palabas at narinig pa niya ang sinabi ni Manang Feliz na halos pabulong pero nahagip pa rin ng tainga niya. "Pasensya na kayo sa kanya doktor... kayo na lang ang umunawa," ito na ang humingi ng dispensa para sa inasta niya pero mas lalo lang siyang nakaramdaman ng insulto. Ngumiti lang naman ang doktor. "Naiintindihan ko, his situation is understandable." Tuluyan na ngang hinatid ng katiwala palabas ng kwarto ni Cebrian ang doktor kaya muli siyang naiwang mag-isa sa silid. Mariin na lang siyang napasabunot sa sarili at napayuko na lang kaya naisipan niyang tumayo mula sa kama at sumilip sa labas. Tinanaw niya ang malawak na lupain ng kanilang hacienda... napakalawak at sariwa ang hangin ngunit napakalungkot din, hindi pa siya sanay rito sa probinsya sanay siya sa maynila ngunit ayaw naman niyang magtigil doon dahil sa nangyari. Hindi niya matagalan ang kahihiyang dulot sa kanya ng nangyari, sigaradong tampulan pa rin siya ng mga tao at usap-usapan pa rin na ang isang miyembro ng De Luca nagawa lang iputan sa ulo. Baka hindi lang siya makapagpigil at anong magawa niya sa mga taong maririnig niya na siya ang pinaguusapan. Hindi iyon maaatim ng p*********i niya. Muli niya na lang itinuon ang atensyon niya sa payapang lugar ng lupain na sa sobrang tahimik mas lalo lang siyang nakararamdam ng pagkaburyong. Isang malalim na paghinga at marahas na pagbuga mula sa bibig ang pinakakawalan niya habang nililibang ang sarili sa malawak at halong berde na mala-tsokolateng tanawin. Mula rito sinundan niya ng tingin ang sasakyan ni Dr. Atienzo na papalayo na. Namataan niya naman ang isang babaeng may dalang basket na papasok sa bakuran ng kanilang hacienda kaya ganoon na lang ang pagsasalubong ng dalawa niyang kilay. Agad na nag-init ang ulo niya ngunit gayon pa man nagawa niya pa rin pagmasdan ang babae kung anong gagawin nito sa kanilang bakuran. Nakita niyang agad na sinalubong ito ni Manang Feliz at mukang magkakilala. Kahit nandito siya sa itaas ng ikatlong palapag ng mansyon kita niya ng malinaw ang itsura ng babae. Nakasuot ito ng kulay rosas na bestida, may pagka-morenang kutis hindi niya gaanong tanaw ang mukha nito habang may bitbit na basket na wari niya lagayan ng mga gulay. Wala ritong mga bulaklak para iyon ang putihin nito. Balak nitong maki-ani sa kanilang taniman? Humalukipkip siya habang pinagmamasdan ang babae habang kausap pa ito ni Manang Feliz. Hindi niya rinig ang usapan nila ngunit hula niyang hindi ito pinayagan ni Manang Feliz na pumasok. "Manang, bakit ho bawal? Parang noong isang linggo lang pinayagan niyo naman akong maki-ani sa gulayan niyo..." ani ng dalagang si Gillian na may kalungkutan sa tinig ganoon din sa kanyang mukha. Ang pakay lang naman niya ay makahingi ng mga gulay sa taniman ng lupain ng mga De Luca. Dati na siyang nakakalabas pasok dito sa hacienda sa seksyon ng taniman ng mga gulay. Dati pa siya pinayagan ng mga De Luca at sila pa nga ang nagsabi noon sa kanila na libre lang kumuha ang mga taga-rito dahil marami naman ang mga tanim at kumuha lang ng nasasapat sa pangangailangan kaya ba't naman ngayon bawal na? . "Ilang araw na simula nang dumating si Señorito Ceb, ang nag-iisang binatang anak ng mga De Luca, ayaw ng Señorito na may ibang naglalabas-pasok dito sa lupain lalo na't babae," ani ni Manang Feliz na mas lalong ikinalungkot niya. Ibig sabihin bawal na siyang pumasok sa bakuran ng hacienda para makakuha ng mga gulay? Lumungkot ang mukha niya sa balita kaya nakonsensya ang katiwala ngunit 'di talaga siya nito mapapayagan dahil bilin ni Cebrian na wala nang ibang tao na p'wede pumasok hangga't nandidito ito. "Lalo na't babae? May problema ba siya sa taliwas sa kasarian niya?" tanong niya nang maging pala-isipan sa kanya kung bakit ba bawal na pumasok lalo kapag babae? Ang tagal na niyang naglalabas pasok dito, kilala na rin siya ng mag-asawang De Luca tapos umuwi lang ang anak nila biglang bawal na? Nahirapan naman ang katiwalang ipaliwanag sa kanya kung kaya't sinabihan na lang siya sa paraang maiintindihan niya. "May pagka-istrikto ang binatang iyon, kumbaga sa ating mga babae ay moody. Mahirap siyang timplahin at makuha ang loob. Iniiwasan kong siya pa ang sumita sa iyo dahil masakit manalita ang Señorito at ayoko naman na magkapahiyaan pa bago ka paalisin," tanging ani ni Manang Feliz at hindi naman maaaring sabihin nito sa kanya ang pingdaraanan ng binata kaya ito naging ganito. "Gusto ko sana ng ginisang ampalayang may itlog ng itik pero dahil bawal na naiintindihan ko po," aniya na may kalungkutan. Pero wala siyang magagawa at wala naman siya sa lugar para magpumilit pa kung kaya't humakbang na siya paatras. "Sige ho, Manang ako'y magpapatiuna na," paalam na niya rito na bigong makakuha ng gulay. Ngunit ang katiwala'y hindi siya natiis. "Sandali Gillian, akin na nga iyang basket mo at maghintay ka na lang dito ako na'ng mamumuti para sa iyo—" "Sino ang babaeng iyan, Manang?" Natigilan naman si Manang Feliz hindi pa man siya tapos magsalita at ganoon din si Gillian na nagulat dahil may bigla na lang lumitaw na lalaki sa likuran nila kaya sila napukaw ng malagong nitong boses. Panabay silang napalingon sa direksyon ng binatang nagtataglay ng malamig na tingin at madilim na ekspresyon ng mukha bakas ang pagka-disgusto sa presensya ng dalagang naririto. "Señorito, si Gillian nga pala taga riyan lang sa nayon. Pinagbawalan ko na siya at sinabi ko nang ayaw niyo ng ibang tao rito kaya—" "Anong pakay mo rito, babae?" may himig ng kagaspangang diretsong tanong ni Cebrian kay Gillian hindi na pinatapos magsalita si Manang Feliz dahil nasa dalaga ang atensyon niya. Ito pala ang Señorito ng mga De Luca. Namangha man si Gillian sa dala nitong kakisigan nangibabaw pa rin sa kanya ang pagkataranta niya at pagiging aligaga dahil sa nakakangilag nitong tingin na para bang pakiramdam niya ay buong pagkatao niya hinuhusgahan nito. "A-Ano... makikihingi lang po sana ako ng gulay—" "Wala kang pambili kaya nanghihingi ka sa hindi mo naman lupa?" putol nito sa kanya na ang hatid sa kanya'y pagka-insulto at panghahamak. Napahiya siya at idinaan na lang sa pagkurap at binalingan si Manang Feliz na ginawaran siya ng mapagpaunmanhin na tingin sa kagaspangan na ipinakikita sa kanya ng Señorito. "M-Manang alis na ho ako, hindi bali na lang po, sa palengke na lang po ako bibili," hiyang pasintabi niya na lang niya sa kanila. Mababaw lang ang luha niya kaya dinamdam niya ang pagkapahiya sa kanya ng Señorito. Kaya kaagad na lamang siyang umalis doon at ramdam niyang nakasunod ng tingin ang mga ito sa kanya habang papalayo siya. "Gulay lang naman, bakit ganoon siya magsalita?" aniya na masama ang loob habang tahak niya ang daan papalayo sa bakuran ng hacienda. "Ang layo ng ugali ng Señorito na iyon sa ugali ng mga magulang niya," aniya pa at hindi na nga napigilan ang maiyak dahil sa naramdamang pagkapahiya. Ang sakit magsalita, may pambili naman ako!" Idinagdag pa niya para lang ilabas ang sama ng loob sa binatang ngayon niya lang naman naka-engkwentro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD