Chapter 13 ALMIRA Tinuruan ako ni Tita magluto ng ulam. Pero pinapanuod ko lang siya at sinasabi niya lang kung ano ang kasunod na ilalagay sa caldireta na niluluto niya. Nagprito rin siya ng ham, itlog, at tucino. May pritong talong din siyang pinirito. Tinulungan niya ako kung paano iyon hiwain. Sana nga lang pumasok lahat sa isip ko ang mga tinuturo niya sa akin. Tuwang-tuwa pa nga ako nang maluto na ang kanin dahil perfect daw ang pagkaluto ko sabi ni Tita. “Dapat marunong ka magluto. Alam mo ba na kahit may kasambahay kami hindi ko inaasa lahat. Ako mismo ang nagluluto para sa pamilya ko. Iba kasi kapag ikaw mismo ang nag-aasikaso sa mga anak mo at asawa. Kailangan marunong ka rin magligpit ng mga gamit nila. Kahit may katulong pa kayo huwag mo lahat iasa sa katulong. Natatandaan m