Chapter 14 ALMIRA Umakyat ako sa itaas nang tawagin ako ni Samuel. Iniwan ko si Ashley na naghuhugas ng plato sa kusina. Si Manang naman abala sa nagdidilig ng mga bulaklak sa harap ng bahay. “Ang bagal mo pakilusin! Iligpit mo ang higaan, pagkatapos mamalantsa ka ng mga damit ko ko dahil papasok na ako sa opisina sa susunod na araw. Aalis ako ngayon, kaya kailangan pagdating ko malinis ang silid na ito,’’ maawturidad niyang utos sa akin. “Saan ka pupunta?’’ tanong ko. Siguro may karapatan naman akong alamin kung saan siya pupunta. Masakit ang tingin niya na bumaling sa akin. “Huwag mo nga ako tanungin, Almira! Nakakabwisit ka!’’ mataas na boses niyang singhal sa akin. “Masama na ba ngayon ang magtanong? May karapatan din naman siguro ako na malaman kung saan ka pupunta,” lakas loo