Episode 5

2259 Words
CHAPTER 5 ALMIRA Napatingin ako sa aking tiyan. Muli na naman pumatak ang mga luha sa aking mga mata, habang nakayuko at nakatingin sa aking tiyan. "Kasalan mo ito, eh! Hindi ka dapat nabuo. Dapat hindi ka pumasok sa sinapupuran ko. Hindi sana nasira ang planong pagpapakasal ni Ate at Samuel. Hindi sana magkakagulo kung wala ka,’’ paninisi ko sa batang nasa aking sinapupunan. Marahil napak-immature ko pa dahil hindi ko pinag-isipan ng mabuti ang maaaring mangyari sa pagsuko ko sa aking sarili kay Samuel. Kahit magsisi man ako wala na akong magagawa pa. Lumipas ang mga araw nag-iba na ang routine sa loob ng bahay. Hindi na kami sabay-sabay na kumakain. Ibig kong sabihin hindi na ako nakakasabay sa kanila sa hapagkainan. Sa umaga lumalabas lang ako sa aking silid kapag nakaalis na sina Mommy, Daddy at Ate Alena. Sa gabi naman hindi na ako bumababa para kumain. Marahi ayaw din nila akong makita o makasama sa hapagkainan. Parang pinaparandam nila sa akin na hindi na ako parte sa pamilyang ito. Gusto ko man umalis dahil wala na akong puwang sa kanila, pero wala naman akong mapupuntahan. Wala akong alam sa buhay. Paano ko bubuhayin ang anak ko? Hanggang isang gabi tinawag ako ni Yaya. "Almira, pinapatawag ka ng Daddy mo." Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Ilang araw na hindi nila ako kinakausap at ngayon ay pinapatawag ako ni Daddy. "Nariyan ba si Ate,Yaya?" tanong ko. Bumangon ako at naupo sa kama. “Oo, nasa dining area sila. Bumaba ka na dahil hinihintay ka nila.” Tumango ako sa tugon ni Yaya. "Sige na, Yaya. Susunod ako,” utos ko kay Yaya. Lumabas na ito sa aking silid. Hindi ko alam kung tatayo ba ako para bumaba o magmumukmok na lang ako rito sa aking silid. O ‘di kaya harapin ko na ang mga magulang ko, lalo na si Ate Alena. Napansin ko na lang na kusang tumayo ako at dinala ako ng aking mga paa sa pintuan ng aking silid. Narealize ko na kailangan kong harapin ang resulta ng pagkakamali na nagawa ko. Bumaba ako ng hagdan at tumuloy sa kusina. Nasa hapagkainan sila tahimil na naghihintay sa akin. Wala man akong mukha na harapin sila, subalit kailangan kong humarap sa kanila. Nakayuko si Ate Alena na mugto ang mga mat. Wala itong balak na tumingin sa akin. Sa isang iglap nag-iba ang lahat. Umupo ako sa aking puwesto sa tabi ni Ate Alena. Walang gustong umimik at mas lalo na ako. Gusto ko na lang talaga maging invisible na lang para hindi nila ako makita. Si Daddy ang bumasag ng katahimikan sa amin. “Kumusta ang pakiramdam mo, Almira? Masaya ka ba sa ginawa mong pagta-traidor sa Ate mo? Masaya ka ba sa pag-agaw mo kay Samuel sa kaniya? Masaya ka na ba dahil nasira mo ang masaya nilang relasyon?" sunod-sunod na mapangutyang tanong sa akin ni Daddy. Kulang na lang malusaw ako sa kahihiyan na ginawa ko. Kung puwede lang bumuka ang lupa tumalon na ako para matakpan ang kahihiyan na ginawa ko. Tumingin ako kay Ate. "Sorry, Ate. Wala naman kasalanan si Samuel. Ako ang may kasalanan dahil lasing siya ng araw na may nangyari sa amin. Huwag mo sana siyang hiwalayan," garalgal na boses kong sabi kay Daddy. Nakakatakot na bumaling siya sa akin at tiningnan ako masama. "Inisip mo sana iyan bago ka gumawa ng nakakahiyang gawain. Kahit lumuha ka pa ng dugo hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pagta-traidor sa akin, Almira!’’ mariin na sabi ni Ate. Masama ang loob niya sa akin at inaasahan ko na iyon. "Sa susunod na linggo ang kasal ninyo ni Samuel, Almira. Pagkatapos ng kasal ninyo umalis ka sa pamamahay na ito!” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Daddy, tungkol sa kasal namin ni Samuel. Tinitipa ko pa sa aking isipan sa tanong na iyon ni Daddy. Baka kasi nabibingi lang ako. "Ano ang sinabi nyo, Dad?" tanong ko. Nakakasuyang tumawa si Ate sa tanong ko kay Daddy. “Nagbibingi-bingihan ka lang ba o sadyang tanga at bobo ka talaga?” masakit na pangungutya ni Ate sa akin na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko. “Magpapakasal ka kay Samuel, Almira. Sa ayaw at gusto mo ikakasal kayo, para matakpan ang kahihiyan na ginawa mo sa pamilyang ito. Iyon na lang ang huli naming magagawa sa’yo para hindi ka manganak ng isang bastardo. Pagkatapos ng kasal ninyo ni Samuel, bahala ka na sa buhay mo dahil wala ka ng lugar sa pamamahay na ito!” mariin na sabi ni Mommy. Parang isa-isang tinutusok ng punyal ang litid ng aking puso. Tinatakwil na nga nila ako sa bahay na ito at wala na rin akong puwang sa buhay nila. Masakit man tanggapin na sa isang iglap ay mawala ang pamilya na kinagisnan ko. Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Mommy. Wala rin akong masasabi at magagawa kung ayaw na nila sa akin. Muli ay nakaramdam na naman ako ng inis sa dinadalang tao ko. Sa kaniya ko sinisisi ang mga pagkakamali ko. “Papasok na ako sa silid ko Mom, Dad. Wala na akong gana kumain," paalam ni Ate na kumukilimlim ang kaniyang mga mata. Tumayo siya at tumalikod na. Hinayaan lang siya ni Mommy at Daddy. Alam ko na kung gaano kasakit ang ginawa ko sa Ate ko. Sa huli nga talaga ang pagsisisi. “Ihanda mo ang sarili mo, Almira. Sa oras ng kasal ninyo ni Samuel, wala kang mai wan na kahit isang katiting na mga gamit mo dahil kalimutan ko na ipinanganak kita sa mundong ito! Tagos sa kaluluwa ko ang sinabing iyon ni Mommy. Durog na durog na ang puso ko sa mga salitang binitiwan niya. Tumayo ito at inurong ang upuan upang makaalis sa pawesto niya. “Nawalan na rin ako ng gana kumain," saad ni Mommy at tumalikod na ito. Bumuntong-hininga si Daddy na tumingin sa akin.. "Tanggapin mo ang masasakit na salita ng Mommy at Ate mo sa’yo. Hindi mo masisisi kung bakit galit kami sa'yo. Ilang araw ng hindi nakakatulog ang Mommy mo. Ilang araw at gabi na rin naririnig ko ang paghikbi ng kapatid mo dahil sa ginawa mo. Ano ba ang pumasok sa isip mo at ginawa mo iyon, ha? Kung ano man ang consequence sa ginawa mong ito, Almira tanggapin mo!” galit na sabi ni Daddy. Tulad ni Mommy at Ate, nawalan din ito ng gana kumain. Umalis ito at naiwan akong mag-isa. Kaharap ko ang masarap na mga pagkain ngunit para sa akin mapait ang lasa ng mga ito. Kasing pait ng nararamdaman ko. Tumayo na lang din ako at uminom ng tubig bago umakyat sa itaas. Nang nasa itaas na ako nakatingin ako sa silid ni Ate. Napansin ko na humahakbang na ang mga paa ko patungo sa pintuan ng kaniyang silid. Pagdating ko sa tapat ng pintuan sinubukan kong pihitin ang siradura. Mabuti at bukas iyon.. Nilawakan ko ang pagbukas ng pintuan. Huling-huli ko ang pagpunas ni Ate ng mga luha niya. Nakaharap siya sa vaninity mirror habang nilalagyan ng cream ang kaniyang magandang mukha. "Ano ang kailangan mo?" galit niyang tanong nang mapansin niya na pumasok ako. “Ate, puwede bang mag-usap tayo?" maingat kong tanong sa kaniya. Masakit niya akong tiningnan. "May dapat pa ba tayong pag-usapan, Almira? Simula ng nilandi mo si Samuel, wala na tayong dapat pag-usapan. Pinutol mo na rin ang pagiging magkapatid natin, kaya ano pa ang dapat natin pag-usapan, ha? Lumabas ka dahil ayaw kong makita ang pagmumukha mo!” malakas na boses na pagtataboy ni Ate sa akin. Tumayo pa siya at marahan akong pinagtulakan palabas ng kaniyang silid. Pabagsak niyang sinara ang pintuan nang makalabas ako. Sobrang nasaktan ako dahil nag-iisa na lang ako. Lahat galit sa akin. Wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa aking silid habang nakatingin ako sa aking tiyan. "Kasalanan mo 'to. Nagkagulo-gulo na ang buhay ko nang dahil sa'yo. Umalis ka riyan sa sinapupunan ko. Ikaw ang dahilan kung bakit galit sila sa akin!" paninisi ko na naman sa batang nasa aking sinapapunan. Sinuntok-suntok ko ang aking tiyan subalit mahina lang iyon. Hindi ko napansin na umaakyat sa hagdan si Yaya. Nakita niya ang ginawa ko sa aking tiyan. “Almira, ano ka ba? Huwag mong saktan ang sarili mo, lalo na ang batang nasa sinapupunan mo!" saway nito sa akin at agad nalumapit. Si Yaya at Manang Linda, lang ang gustong kumausap sa akin sa bahay na ito. "Kasalanan niya ito Yaya. Kung hindi sana siya nabuo, hindi sana ito mangyari ngayon. Dapat mamatay na lang siya!" nakakakilabot na sabi ko kay Yaya at napahagulgol na naman ako sa iyak. “Walang kasalanan ang bata riyan sa sinapupunan mo, Almira. Huwag mo isisi sa kanya ang pagkakamali mo. Dinadagdagan mo lang ang kasalanan mo, eh!” maigting na sabi ni Yaya sa akin. Pangalawang magulang ko na si Yaya dahil mula nang isinilang ako siya na ang nagbabantay sa akin. Kaya siguro malayo ang loob ni Mommy sa akin dahil hindi naman niya ako naalagaan, katulad ng pag-aalaga niya kay Ate. Siya kasi ang nag-alaga kay Ate simula nang isinilang niya ito. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Yaya,’’ sumbong ko kay Yaya. Niyakap niya ako at inalo-alo. “Ano ang gagawin ko Yaya?’’ umiiyak kong tanong sa kaniya. “Ituloy mo ang pinagbubuntis mo. Tahan na, baka makakasama sa inyo ng baby mo ang pag-iyak mo. Pumasok ka na sa silid mo at matulog. Tahan na Almira, huwag ka ng umiyak?" Pagpapatahan nito sa akin. Inalalayan ako ni Yaya na makapasok sa aking silid. Pinahiga niya ako at pinunasan ang mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata. “Huwag mo ng sisihin ang batang ‘yan. Diyan ka dapat kumuha ng lakas ng loob sa mga naranasan mo ngayon at sa mararanasan mo pa sa hinaharap. Uusigin ka ng konsensya mo kapag may masamananyari sabatang iyan. Isipin mo na isang Fajardo, ang anak mo. Sa palagay mo ba mapapatawad ka nila kapag nalaman nila na gusto mong saktan ang batang iyan? Hindi ba mahal mo si Samirel? Kaya, dapat mahalin mo rin ang batang nasa sinapupunan niya dahil anak niya iyan,’’ payo ni Yaya sa akin. Tumango-tango lang ako sa payo ni Yaya. “Kung ganun hindi mo dapat saktan ang magiging anak niya sa'yo. Iyan ang magiging alas mo para makasama mo si Samuel. Kapag nawala ang batang iyan, wala ng matitira sa’yo Almira. Mas lalo kang itakwil ng mga magulang mo at tuluyan ka ng kamuhian ni Samuel. Abot kamay mo na si Samuel. Inagaw mo na siya sa kapatid mo, kaya samantalahin mo na ang pagkakataon,’’ sabi ni Yaya na siyang nagpabalik sa katinuan ko. "Paano si. Ate?" tanong ko kay Yaya. "Matuloy man ang kasal mo kay Samuel o hindi, hindi na magbabago ang lahat, Alvira. Nasira mo na ang relasyon ng dalawa, kaya tiisin mo ang balik sa’yo ng landas na pinili mo.” Bumuhos na naman ng masagana ang mga luha ko sa mga payo ni Yaya. Kahit ano pa ang gawin ko ay hinding-hindi na maibalik ang nagawa ko na. Pinatulog na ako ni Yaya bago ito lumabas sa aking silid. Lumipas pa ang ilang araw ay hindi pa rin ako nakakasama sa hapagkain. Malamig pa rin ang pakikitungo nila sa amin. Sumapit ang day off ni Ate at buong araw lang ito sa kanyang silid. Gusto ko talaga siya makausap ulit para kumbinsihin na nagsisisi na ako sa ginawa ko. Isa pa miss na miss ko na ang Ate Alena ko. Narinig ko na bumukas kaniyang silid, kaya agad akong bumangon sa kama at binuksan ang aking pintuan. Magkatapat lang kasi ang silid namin. Nakita ko na may dala siyang kape pumunta sa terrace. Lumapit ako sa kaniya. Hindi niya ako pinapansin nang makita niya ako sa pintuan ng terrace. Patuloy siya sa pag-inom ng kape habang mugto pa rin ang mga mata niya. “Ate, kausapin mo naman ako. Miss na miss na kita," pakiusap ko sa kaniya. Mukhang naging manhid ang puso niya para sa akin "Wala akong panahon makipag-usap sa'yo, Almira. Umalis ka sa harap ko dahil ayaw kitang makita pa," malamig niyang pagtataboy sa akin. Kahit pinagtabuyan niya ako ay pilit ko pa rin na isinisiksik ang sarili ko sa kaniya. Niyakap ko si Ate. "Patawarin mo ako, Ate. Hindi ko sinasadya,” umiyak kong sabi sa kaniya. Pili niyang kinakalas ang aking kamay at marahan niya akong itinulak. "Huwag mo akong yakapin! Huwag mo akong matawag na Ate dahil ayaw na kita maging kapatid! Maling-mali ako sa pagtatanggol ko palagi sa'yo, Almira. Hindi dapat kita pinagtatangol sa mga panenermon sa’yo nilla Mommy at Daddy. Hinayaaan na lang dapat kita,” galit na galit na sabi ni Ate at pilit na umiiwas sa akin. “Ate, sorry. Nagsisisi ako sa mga nagawa ko. Patawarin mo ako, Ate,’’ pagsusumamo ko pa sa kaniya. Oo, masakit ang ginawa ko kay Ate, kaya hindi ko siya masisi kung pinagsisihan niya na naging bahagi ako sa pamilyang ito. "Hindi maibabalik ang lahat sa sorry mong iyan, Almira. Wala akong kapatid na katulad mong ahas! Pinagsisihan ko na naging kapatid kita!’’ sigaw ni Ate sa pagmumukha ko. Umalis ito at pumasok sa kaniyang silid. Tanging iyak na naman ang ginawa ko. Iyon ang huli namin pag-uusap ni Ate. Lumipas pa ang mga araw ay hindi ko na tinangka na lapitan si Ate Alena. Kailangan niya ng space at lalo lang siya mairita sa akin kapag lapit ako ng lapit sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD