Episode 6

3078 Words
Chapter 6 ALMIRA Sumapit ang araw ng kasal namin ni Samuel. sinundo ako ng driver ng pamilya Fajardo. Walang isa sa pamilya ko ang nais dumalo sa kasal ko. Bago ako pumasok sa loob ng kotse ay matagal ko munang tinitigan ang bahay. Umaasa na isa sa kanila ay samahan ako o ihatid man lang ako. Subalit si Yaya lang ang nakatayo sa gate habang mangiyak-ngiyak sa aking pag-alis Sariwa pa sa isipan ko ang mga sinabi ni Mommy at Daddy na wala na akong lugar sa pamamahay na ito sa pagsapit ng kasal namin ni Samuel. Pumasok na ako sa kotse at sa Munisipyo ng Laspinas ako dinala ng driver na inutusan ng mga Fajardo na sunduin ako. Tanging shoulder bag at damit kong suot ang tangi kong dala sa paglabas ng aming bahay. Pagdating namin sa munisipyo ay tumuloy kami sa Mayor Office. Naghihintay ang mga parents ni Samuel doon at ang magiging saksi sa kasal namin. Blanko ang mukha ni Samuel at mugto rin ang mga mata nito. "Nandito na pala ang bride. Simulan na natin ang kasal," wika ni Mayor na siyang magkakasal sa amin. Masakit na nakatingin si Samuel sa akin. Hindi man siya umiimik, batid kong kontra gusto siya sa kasalang ito. Sinimulan na ang kasal namin. Opo, yes lang ang sagot namin sa tuwing tinatanong kami ni Mayor. Pagkatapos ng kasal ay tahimik na lumabas kami sa Mayor Offiice. Paglabas pa lang namin ay hinablot na ni Samuel ang braso ko. “Ano, masaya ka na sa pagsira mo ng relasyon namin ng Ate mo?" mahina ngunit marim na tanong niya sa akin. Nakakatakot ang boses niya. Nauna ang magulang niya sa amin. Nasa hulihan kami ng mga ito. "Sorry?," mahina kong sabi na ikinatawa niya ng pagak. "Kung inaakala mo na magiging prinsesa ka sa puder ko, puwes nagkakamali ka dahil araw-araw kitang sisingilin sa ginawa mo!” Pagkasabi niya sa akin ay nauna na siyang humakbang. Nilampasan niya ang mga magulang niya na parang nagmamadali siya. Bumaling naman sa akin si Tita Amme. Taas ang dalawa nitong kilay. “Ano ang akala mo, Almira! Akala mo ba maging masaya ka sa piling ng anak ko? Baka nga patitir hin ka pa niya sa probinsya, kaya ihanda mo ang mo na ang sarili mo," paalala ni Tita Amme sa akin. Nagpatuloy ito sa paglakad. Nakayuko na lang ako habang nakasunod sa likuran nila. Akala ko isasabay ako ni Samuel sa kaniyang sasakyan. lyon pala hindi dahil umalis na ito. Sa sasakyan naman ng Mommy at Daddy ni Samuel ay bumaba ang isang driver at si Tito Mnuel ang pumwesto sa driver seat. Naupo naman si Mommy sa front seat. “Sidoy, samahan mong sumakay sa jeep si Almira. Baka kasi maligaw. Sa bahay sa Alabang mo siya dalhin,’’ utos ni Tita sa family driver nila na tinawag niyang Sidoy. "Puwede naman siya rito sa sasakahyan, ah!! Mainit ang panahon, baka mamaya mapaano pa ang apo natin,’’ protesta naman ni Tito Manuel sa asawa niya. "Hayaan mo siyang mag-commute para matuto. Maraming buntis diyan na nagco-commute hindi naman napaano. Sige na, hon. Baka ma late na tayo sa okasyon na pupuntahan natin," utos ni Tita kay Tito Manuel. Tinaasan niya pa ako ng kilay bago sinara ang bintana ng sasakyan. "Hali ka na, Ma'am. Ihahatid na kita sa bahay,’’ aya sa akin ni Mang Sidoy. Tipid akong ngumiti sa kaniya at sumunod. Naglakad pa kami ng dipa para makarating sa tabi ng kalsada. Nagpara siya ng jeep saka sumakay na kami. Sa unang pagkakataon naranasan ko sumakay sa jeep. Nakakatuwa rin pala. Masaya pala kapag nag-commute. Iyon nga lang panay hinto ng jeep dahil sa mga pumapara na pasahero. Tapos ‘yong mga bumababa. Dati iniisip ko kung ano ang pakiramdam na sumaka sa jeep. Lumaki kasi ako na may sariling sasakyan ang mga magulang ko at si Ate. Kaya, kotse nila ang naghahatid sa akin sa paaralan. Ilang sandali ay muli huminto ang sasakyan dahil may nagpara. Pagkatapos umalis din ang jeep pagsakay ng isang pasahero. “Paabot po ng bayad," sabay abot ng bagong sakay na pasahero sa akin ng pera. Una ay nag-aalangan pa akong kunin iyon. Subalit hindi kalaunan ay kinuha ko iyon at ibinigay kay Manong Sidoy. Binigay naman ni Manong Sidoy sa driver. Nakarating kami sa Alabang na ganoon ang ginagawa ko. Ang tagaabot ng pamasahe ng mga pasahero. Bumaba kami ni Mang Sidoy sa terminal ng tricycle sumakay. Nagpahatid kami sa loob ng subdivision. Dumating kami ni Mang Sidoy sa bahay ng mga Fajardo. Pagpasok ko pa lang sa loob ay nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Isang kasambahay ang nakita ko na nagpupunas ng bintana na yari sa reflex glass. "Lelia, nandito na ang asawa ni Sir Samuel Ituro mo na lang kung saan ang silid nila ni Sir Samuel,” sabi ni Mang Sidoy sa kasamabahay. Mukhang mabait naman ito dahil matamis ang ngiti nito sa akin. Akala ko may handaan na magaganap sa araw na ito. Ito ang araw na itinali ako sa kasal namin ni Samuel na dapat sana ay si Ate ang bride niya. Ito ang araw na ikinasal ako, ngunit hindi katulad ng iba na may malaking okasyon na ginaganap. Ito ang kasal na wala man lang handa. Syempre hindi ko na iyon aasahan dahil ito ang kasal na walang pagmamahalan. At ang masama pa ay mag-isa lang ako umuwi sa bahay na ito. "Hali ka, ituro ko sa’yo ang silid ninyo ni Sir,’’ aya ni Manang sa akin. Humakbang na kami paakyat sa itaas. “Apat ang siilid sa itaas at isa rito sa ibaba. Minsan lang naman umuuwi rito si Sir Samuel dahil may sarili naman itong bahay sa Laspiñas," wika pa ng kasambahay sa akin. Nakangiti lang ako habang nakikinig sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang kapalaran na naghihintay sa akin dito. “Siya nga pala, Ma'am. Parating po ang sasakyan na maghahatid daw po ng mga gamit mo rito mula sa bahay ninyo. Pinadala ng mga magulang mo ang mga gamit mo," pagbabalita pa ni Manang Lelia sa akin. Tinotoo talaga ni Daddy ang sinabi niya noon na walang gamit akong maiiwan sa bahay. Isa lang ang ibig sabihi, talagang itinakwil na nila ako. Masakit man ang katotohanan, subalit wala naman akong magagawa pa. Pinihit ni Manang ang siradura at binuksan ito. Binuksan niya rin ang ilaw, kaya nakita ko ang magandang pagka-arrange ng mga gamit ni Samuel. Malaki din ang silid niyang ito. Kulay puti at gray lang ang kulay na makikita sa silid na ito. “Ito ang silid ninyo ni Sir Samuel, Ma'am. May sariling banyo rin dito. ‘Yong sa kabilang silid kay Ashley ‘yon; ang bunsong kapatid ni Sir. ‘Yong isa naman kay Sir Nemuel. Kaso nasa ibang bansa na Sir Nemuel. At ‘yong sa malapit sa terrace kina Don Manuel at Donya Amme naman. Kaso bihira lang din sila rito. Madalas doon sila sa mansyon nila sa Bicol,’’ kuwento pa ni Manang sa akin. Tumango-tango lang ako sa sinabi ni Manang Lelia. Pala-kuwento siya at nagustuhan ko naman iyon. “Maiwan na kita rito, Ma’am. Tawagin na lang kita kapag dumating na ang mga gamit mo,’’ paalam nito sa akin. Tipid lang ako na ngumiti sa kaniya at lumabas na ito ng kuwarto. Paglabas ni Manang, naupo ako sa malambot na kama. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko sa side table ang picture frame ni Samuel at Ate Alena. Ang ganda ng mga ngiti nila at halata sa mga mata nila na talagang mahal nila ang isa't isa. Kinuha ko ang picture frame at tinitigan iyon ng mabuti. Hinaplos ko pa ang larawan ni Ate Alena. "Sorry, Ate Alena. Sorry, kung minahal ko ang boyfriend mo. Sorry, kung nasira ko ang relasyon ninyo ni Samuel. Sorry kung ako ngayon ang nasa posisyon mo na dapat ay asawa ni Samuel,’’ hingi ko ng paumanhin sa larawan ni Ate. Alam ko na hindi sapat ang salitang sorry. Lalo na at sa larawan na lang ni Ate Alena ko masasabi iyon. Ayaw na akong makita ni Ate. Pinagsisihan niya na naging kapatid niya ako. Hindi niya man agad ako mapatawad sa kasalanan na nagawa ko, ngunit maghihintay ako na darating ang araw na matanggap niya na muli ako bilang kapatid niya. Binalik ko ang picture frame sa side table. Saglit akong nahiga at naisipan ko na tawagan si Yaya para makibalita. Ganitong pras kasi ay tapos na ang trabaho niya. Ilang ring ang narining ko sa kabillang linya bago niya sinagot ang tawag ko. "Almira, kumusta ka na? Saan ka ngayon?" tanong ni Yaya nang sagutin nito ang tawag ko. “Nandito ako sa Alabang, Yaya. Wala akong kasama rito dahil pagkatapos ng kasal umalis sila. Wala ngang handaan, eh!" sumbong ko kay Yaya. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga "Nandito si Samuel. Pinipilit niyang kausapin ang Ate mo, pero hindi lumabas ang Ate mo sa silid niya. Ang Moming at Daddy mo lang ang kumausap sa kay Samuel.” Parang sinaksak ng matalim na bagay ang puso ko sa binalitang iyon ni Yaya. Kaya pala umalis agad si Samuel, pagkatapos ng kasal namin dahil doon pala ito pumunta kay Ate Alena. "Ganoon ba, Yaya? Hanggang ngayon nandiyan pa rin ba si Samuel?” malungkot kong tanong kay Yaya. "kaaalis niya lang, Iha. Ayaw siyang harapin ng Ate mo. Siya nga pala pinadala na namin ang mga gamit mo riyan. Hintayin mo-" Hindi natapos ni yaya ang sasabihin niya nang bigla na lang narinig ko ang boses ni Daddy. "Si Almira ba ang kausap mo, Rosie?" galit na boses na tanong ni Daddy. Hindi ko narinig ang sagot ni Yaya. Subalit sapat na marinig ko muli ang mataas na boses ni Daddy. “Simula ngayon kahit isa man sa inyo ni Linda ay hindi na makikipag-usap kay Almira. Kapag nalaman ko na nakikipag-usap pa kayo sa kaniya papaalisin ko rin kayo sa pamamahay na ito. Siimula sa araw na ito walang sino man ang dapat sa inyo na magbanggit ang pangalan niya. Naintindihan niyo?" Iyon ang mga narinig ko na sermon Daddy kay Yaya at Manang Linda. Hanggang sa naputol na ang kabilang linya May mas masalimuot pa ba na darating sa buhay ko? ‘Yong itakwil ka ng mga magulang mo iyon ang pinakamasakit sa lahat. ‘Yong sa isang pagkakamali mo ay puwede pa lang mawala sa’yo ang lahat ng taong malalapit sa’yo. Natawa ako na parang baliw. Hanggang sa napansin ko na tumutulo na pala ang mga luha ko. Daig ko pa ang pumatay ng tao sa paningin nila sa akin. Kulang na lang durugin nila akong buhay. Ganito ba kalala ang kasalanan ko para mawala sa akin lahat? Ilang oras pa ang lumipas dumating na ang mga gamit ko. Parang lipat bahay na ang nangyari sa akin dahil lahat ng mga gamit ko ay pinadala nga nila sa akin. Nagpatulong ako sa pagbuhat ng mga maleta ko kay Mang Sidoy at Manang Lelia. Pinaakyat ko sa silid namin ni Samuel ang pitong maleta na malalaki at dalawang malilit na tig twenty kilos ang laman. Pati ang unan ko na ginagamit at mga kumot ay pinada rin nila sa akin. Nakalagay ito sa Inmalaking garbage bag. Nang maakyat na lahat ng gamit ko sa silid ni namin ni Samuel, ay nagpakamot na lang ako sa aking ulo. Hindi ko alam kung paano ligpitin ang mga iyon. Sanay ako na nariyan si Yaya na nagliligpit ng mga kalat ko. “Ma'am, gusto mo tulungan kita mamaya magligpit ng mga gamit mo?" alok naman ni Manang. Napansin niya siguro na namomoroblema ako sa mga gamit ko. “Salamat po, Manang. Pero baka marami ka pang gagawin. Hayaan mo na lang muna,” wika ko kay Manang. Ayaw ko naman kasi na abalahin siya sa mga ginagawa niya. "Sige, basta kapag kailangan mo ang tulong ko huwag kang mahiyang sabihin sa akin, ha? Diyan lang ako sa ibaba sa kusina. Maluluto lang ako ng tanghalian natin," wika ni Manang sa akin. Ngumiti lang ako at tumango sa kaniya, Lumabas na siya sa silid na ito. Napabuntong hininga na naman ako ng malalim habang nakatingin sa mga maleta ko na nakapila sa harap ng kama. Sumasakit ang aking ulo kung paano ko isa-isahing buksan ang aking mga maleta. Sinimulan kong buksan ang isa dahil gusto ko magpalit ng damit. Nang hindi ko makita ang mga damit ko na pamabahay ay muli kong binuksan ang isa hanggang sa isa-isa ko ng binuksan ang mga ito para hanapin ang aking damit na pambahay. Nakabalandra arg nga maleta sa sahig. Wala na nga akong madadaanan dahil nakakalat sa sahig ang mga ito. Sa kama pa ako dumaan para makapunta sa banyo. Ang lawak ng banyo ni Samuel. May bathtub at shower din. Hinubad ko na ang suot ko at nagbabad muna ako sa bathtub. Nilagyan ko ng bubles ang tubig. Pinaglaruan ko pa ang sabon sa aking kamay. Ilang oras din ako nagbabad sa bathtub bago nag-shower. Hayaan ko sa tiles ang puting dress na hinuad ko. Pagkatapos kong magbihis ay nagtungo ako sa living area. Para hindi ako ma boring ay nanood ako ng TV. Hanggang dumating si Ashley. Nagulat pa nga ito ng makita ako. "Tapos na ang kasal ninyo ni uKya!” Nakataas ang isa nitong kilay na tanong sa akin. Natuwa ako nang makita siya. Ilang buwan din kami na hindi nagkita. Tumayo ako at maganda ang mga ngiti ko na sumalubong sa kaniya. “Ashley, ang tagal natin hindi nagkita," tuwang-tuwa na sabi ko. Akman yayakapin ko sana siya subalit umiwas siya sa akin. Ang buong akala ko ay matutuwa siya dahil nagkita kami, iyon pala katulad din siya ng lahat na galit sa akin. Parang napahiya tuloy ako. "Patayin mo 'yang tv dahil malakas sa kuryente," utos niya sa akin sa malamig na boses. Oo, nasaktan ako sa pakikitungo ng kaibigan ko sa akin. "Pati ba naman ikaw galit sa akin?" mahina kong tanong at pinatay ang tv. Nakakauyam niya akong tiningnan. “At ano ang inaasahan mo ang magpasalamat ako sa pagpikot mo sa Kuya ko? Tiwalang-tiwala ako sa'yo na hindi ka malandi! lyon pala makati ka pa sa higad. Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mo? Mabuti sana kung ibang tao ang inagawan mo. Samantalang kapatid mo pa talaga. Tapos inaasahan mo na matutuwa ako sa'yo? Kung ang kapatid mo nga kaya mong ahasin, ibang tao pa kaya? Alam mo, Almira? Nakaka-trauma ka." Hindi ko inaasahan ang pang-insultong iyon ni Ashley. Ayaw ko sana umiyak, kaso nag-uunahan na tumulo ang aking mga luha. “Akala ko ba kaibigan kita, pero bakit ganıyan ka sa akin, Ashley?’’ umiiyak kong tanong sa kaibigan ko. Agad ko rin pinunasan ang mga luha ko. “Simula ng inahas mo ang sarili mong kapatid, naputol na rin ang pakikipag-kaibigan ko sa'yo, Almira. Alam mo ba na pinapangarap ko na magkaroon ng Ate na katulad ni Ate Alena? Tuwang-tuwa ako nang malaman na ikakasal na sana silang dalawa ni Kuya dahil sabi ko makikihati na ako sa’yo kay Ate Alena. Kaso si Ate Alena ang pinamanhikan ni Kuya, pero ikaw ang pinakasalan ni Kuya. Kung ako siguro sa sitwasyon mo, magtatago na lang ako sa saya ng Mommy ko sa kahihiyan na ginawa ko,’’ pang-insulto pa ni Ashley sa akin. Humalukipkip pa ang mga braso nito sa kaniyang dibdib habang nakatingin sa akin ng nakakasuya Hindi ako makapaniwala na ipamukha ni Ashley sa akin ang mali kong nagawa. Tahimik lang ako at tinatanggap ang pang-iinsulto niya. “Oo, nga pala. Wala ka na pa lang Mammy dahil galit sila sa'yo. Sabagay, hindi ko sila masisisi dahil nagkaroon sila ng ahas na anak na katulad mo. Nakakahiya ka," dugtong pang pang-insulto ni Ashley sa akin bago ito tumalikod at umakyat sa itaas. Parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Wala na yatang natira sa akin. Pati si Ashley ay galit rin sa akin. Pinunasan ko na lang ang aking mga luha. Hanggang sumapit ang tanghali dumating sa Samuel. Madilim ang mukha nito at parang namatayan. Mapupula ang gilid ng kaniyang mga mata na parang galing sa pag-iyak. Nang makita ako nito ay lalong nandilim ang kaniyang mukha. Agad niya akong sinugod at sinakal ang aking leeg. "Masaya ka na sa ginawa mo, ha?’’ galit nitong sabi sa akin habang mahigpit na sinasakal ang leeg ko. Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa leeg ko. Pilit ko itong kinukuha dahil kinakapos ako sa paghinga. "Aray! Samue,l nasasaktan ako,’’ pagpupumiglas ko na hirap magsalita. "Kung alam ko lang na ikaw ang maging dahilan ng Paghihiwalay namin ni Alena, hindi na sana kita pinapasok sa pamamahay ko. Habang buhay buhay kang magdurusa sa piling ko, Almira!” galit na galit na sabi ni Samuel. Tanghaling tapat subalit nakainom siya dahil amoy alak siya. Halos hindi na ako makahinga dahil ang higpit ng pagkasakal niya sa aking leeg. Mabuti na lang lumabas si Manang sa kusina, kaya nakita niya ang ginawa ni Samuel sa akin. "Sir, bitawan mo si Ma’am. Mapapatay mo siya,” awat ni Manang kay Samuel, subalit walang awa niya pa rin akong sinasaka. Parang handa siyang patayin ako. “Kuya! Bitawan mo si Almira!" sigaw ni Ashley mula sa itaas. Dali-dali itong bumaba para awatin si Samuel. "Walang hiya ka! Wala kang kuwentang babae! Sinira mo ang pangarap namin ng Ate mo. Sinira mo ang masaya naming relasyon!" patuloy na sabi ni Samuel. Parang wala na ito sa kaniyang sarili. Nakaramdam ako ng matinding takot sa kaniya. "Kuya tama na! Baka mapaano ang anak mo!” awat ni Ashley sa kuya niya. Doon parang nahimasmasan si Samuel. Binitiwan niya ang aking leeg. Napahawak siya sa kaniyang buhok at parang nalilito at nagsisisi sa ginawa niya. Naubo ako at inaagaw ang aking hininga na maibalik sa normal. Kunting-kunti na lang ay muntik na akong mawalan ng hininga. "Kuya, naman! Kontrolin mo naman ang sarili mo! Gusto mo bang makulong at maging criminal sa mag-ina mo?’’ maktol ni Ashley sa Kuya niya. “Kapag pinatay mo si Almira, parang pinatay mo na rin ang sarili mong, anak!” dugtong pang sermon ni Ashley kay Samuel. “Nakakagigil kasi ang babaeng ‘yan, eh!’’ galit na sagot ni Samuel kay Ashley. Lumabas ito ng bahay. Nang makabawi ako ng aking hininga iyak ako nang iyak. Parang wala na yatang pag-asa sa buhay ko na maitama ko ang lahat ng pagkakamali na nagawa ko para tanggapin lang nila ako ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD