Episode 4

2123 Words
CHAPTER 4 ALMIRA Agad na humarang sa harqp ko si Ate Alena, nang tangkain akong sampalin ulit ni Mommy. "Mom, ano ba ang nagawa ni Almira, para saktan mo sya?" nagtatakang tanong ni Ate kay Mommy. Umiyak si Mommy sa sobrang galit sa akin. Binigay niya ang papel na hawak niya kay Ate Alena. Nang mabasa iyon ni Ate Alena ay nanginig ang mga kamay nito at dahan-dahan na bumaling sa likuran niya kung saan doon ako nakakubli. Lahat ng nakasaksi sa tagpong iyon ay tulala na pinapanood ang mga susunod na eksena. “May boyfriend ka ba? O ‘di kaya ginahasa ka? Sabihin mo akin, Almira. Sino ang ama ng batang nasa sinapupunan mo?” Nag-aalala pa rin ntanong ni Ate sa akin. Lumapit naman si Daddy sa amin ni Ate Alena at hinablot ang papel na hawak ni Ate.e Habang ang ina naman ni Samuel ay umbalalay kay Mommy dahil halos mawalan ito ng lakas sa natuklasan niya. “Buitis ka, Almira? Ginahasa ka ba?" mariin at nakakatakot na boses na tanong ni Daddy. Wala naman kasi silang alam na may kasintahan ako, kaya marahil iniisip nila na sinamantalahan ako. Dumating na nga ang kinakatakutan ko, ang malaman nila ang totoo. Umiling -iling ako kay Daddy na siyang lalong ikinagalit niya. "Kung ganoon, sino ang hayop na ama ng bastardo mong anak, ha?" Dumagundong ang malakas na bodes ni Daddy sa loob ng bahay. Ang masayang pamamanhikan ng pamilya Fajardo ay nauwi sa gulo. Lalo na siguro kapag nalanan nila kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan ko. "Hindi ko puwedeng sabihin, Dad. Ipapalaglag ko naman itong bata, eh!’’ umiiyak kong sabi na siyang nagpaigting sa mga panga ni Daddy. “Punyeta ka, Almira! Pinapainit mo talaga ang ulo ko. Wala ka ng ginawa kundi bigyan kami ng sakit ng ulo ng Mommy mo!’’ galit na galit na sabi ni Daddy na namumula na ang pisngi nito. “Maghunos dili ka sa binabalak mo, iha. Huwag mong gawin 'yan. Buhay ang papatayin mo at sarili mo pang laman. Kapag ginawa mo iyan hindi ka patutulugin ng konsensya mo,’’ sabi naman ni Tita Amme; ang ina ni Rafael. Agad naman hinablot ni Mommy ang aking buhok dahil sa sinabi kong pagpapalaglag sa dinadala ko. Maabuti na lang at agad din siyang inawat ni Ate. "Napakawalang hiya mo Talagang bata ka! Hindi ka kinikilabutan sa sinasabi mo!" galit na galit na sigaw nito sa akin. “Mom, huwag mo ng saktan si Almira. Hindi pa nating alam ang totoong nangyari sa kaniya. Narito na ito, eh! Wala na tayong magawa kundi tanggapin na lang na magkakaapo na kayo sa kaniya,” pagtatanggol naman ni Ate sa akin kay Mommy. Hinaplus pa nito ang pisngi ko na sinamapal kanina ni Mommy. “Almira, sabinin mo sa amin kung sino ang ama ng pinagbubuntis mo. Magtiwala ka sa akin. Saka huwag mong balakin na ipalaglag iyan dahil malaking kasalanan ‘yan sa Diyos," mahination na sabi ni Ate Kinukumbinsi niya ako na sabihin ang ama ng batang nasa sinapupunan ko. Hindi nila alam na si Samuel ang ama ng batang dinadala ko. Muli akong umiling-iling kay Ate Alena. Ayaw kong sabihin kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ko. "Sorry Ate, pero ayaw kong sabibin. Patawarin mo ako, Ate," paulit-ulit na paghingi ko ng patawad sa kaniya. Sumulyap ako kay Samuel. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang mga panga at masakit na titig sa akin. "Hindi matatapos ang araw na ito hangang hindi mo sinasabi kung sino ang nakabuntis sa’yo! Kallangan panagutan ka ng lalaking lyon dahil ayaw ko magkaroon ng apo na bastardo! Huwag mong kaladkarin sa kahihiyan ang pamilyang ito, Almira!’’ May himig na pagbabanta sa boses ni Daddy. "Sasabihin mo ba sa amin o gusto mo gulpihin na lang kita?’’ pagbabanta pa ni Daddy sa akin. "Sige na, Almira. Sabihin mo sa amin kung sino ang ama ng pinagbubuntis mo,’’ pag-aalo ni Ate sa akin. Nanlalabo ang aking mga habang nakatitig kay Ate. “Sorry Ate, ssang beses lang naman iyon, eh! Hindi ko naman akalain mabubuntis ako," umiiyak kong paliwanag sa kaniya. Hinamplos ni Ate ang aking buhok. Pilit siyang ngumiti at kumbinsihin ako na sabihin kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan ko. “Sino siya?" malambing pa niyang tanong. Saglit akong tumigin kay Samuel. Nakayuko ito at hindi mabasa ang ekpresyon ng kaniyang mukha. Gusto ko na matapos ang mga katanungan nila. Napag-isipan ko na ipaalam na lang sa kanila dahil lalo lang tatagal at lalala ang usapan. “Si Samuel, Ate,’’ mahina kong sagot ngunit alam ko na nakakabingi iyon sa pandinig ng Ate ko. Ang maganda niyang mukha ay napalitan ng pait. “Ulitin mo nga kung sino?" nanginginig na boses niyang utos sa akin. Sinisigurado niya lang kung tama ba ang narinig niya? "Si Samuel, Ate, ang nobyo mo. Oo tama ang narinig ninyo. Si Samuel ang ama ng pinagbubuntis ko!" Halos hindi sila nakapaniwala sa sinabi ko. Natameme si Ate Alena at naghihintay na bawin ko ang sinabi ko. “Sinungaling! Paano ako naging ama ng pinagbubuntis mo gayung wala nama akong maalala na may nangyari sa atin?" galit na itinanggi ni Samuel ang nangyari sa amin ng araw na iyon. Totoo naman na wala siyang matatandaan dahil lasing siya ng araw na iyon. At si Ate Alena pa nga ang sinasambit niya habang inaangkin niya ako. Lahat ng mga mata nakatingin sa akin. Hinihintay ang paliwanag ko. “May nangyari sa atin, Samuel! Noong huli kong punta sa bahay mo kasama si Ashley. Noong araw naglasing ka. Noong araw na hindi kayo nagpapansinan ni Ate. Habang umiinom ka bigla mo na lang ako hinalikan. Akala mo si Ate Alena ako. Oo, kasalanan ko dahil nagpaubaya ako. Kasalanan ko dahil matagal na akong may gusto sa’yo, pero hindi ko naman alam na magbunga ang nangyari sa atin, eh! Hindi ko naman sinasadya na magkagusto sa’yo. Samuel. Hindi ko rin gusto na masira ang kasal ninyo ni Ate. Kaya nga balak ko na lang ipalaglag ang batang ito. Huwag lang masira ang kasal at relasyon ninyo." Iyon na yata ang pinakamahaba kong paliwanag. Bumaling ako kay Ate na hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Parang nadurog ang puso ko nang makita na pumapatak ang kaniyang mga luha. “Hindi mo gusto na sirain ang relasyon namin? Sinira mo na, Almira! Paano mo ito nagawa sa akin, ha? May nagawa ba akong mali sa’yo para gawin mo sa akin ito? Hindi ba ako naging mabuting kapatid sa’yo?” nanginginig niyang boses na tanong sa akin. Durog na durog ang puso niya, alam ko ‘yon. Umiling-ling ako at hinawakan ko siya sa kaniyang kamay subalit iwinaksi niya ang kamay ko. "Hawag mo akong hawakan!” sigaw niya sa akin na parang nandidiri niyang pag-iwas. "Napakawalang hiya mo talagang bata ka!" sigaw ni Mommny at hinampas nga ako nito sa braso habang napapahagulgol ito ng iyak. Masakit man sa aking balat ang pagdapo ng kamay ni Mommy, subalit alam ko na kulang pa iyon sa malaking kasalanan na nagawa ko. "Paano mo ito nagawa sa Ate mo, ha? Paano?" sigaw pa na tanong ni Mommy. Inawat naman siya ni Tito Manuel; ang ama ni Samuel. “Tama na 'yan, Kumare.” Hinila nito si Mommy ng isang dipa palayo sa akin. Nakita ko na nakakuyom ang kamay ni Daddy, Hinihintay ko na lang na dumapo ang kamao niya ssaang parte man ng aking katawan. Napapailing si Ate na hindi makapaniwala, habang umiiyak ito na niyakap ni Daddy. “Bawiin mo ang sinabi mo. Sabihin mo na nagsisinungaling ka lang, Almira. Ikakasal na kami ng Ate mo, alam mo 'yon! Huwag mo naman sirain o huwag ka naman magbiro ng ganito! Nagsisinungaling ka lang hindi ba?" galit na galit na sigaw sa akin ni Samuel. "Ingrata kang bata ka! Alam mong lasing ang anak ko hinayaan mong isuko ang sarili mo? Ang sabihin mo ginusto mo na agawin ang nobyo ng kapatid mo! Malandi ka!" galit na sabi ni Tita Amme sa akin. Pakiramdam ko ginigisa ako ng mga taong nasa paligid ko. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Tita. Bumaling ako kay Ate. "Ate. Sorry. Hindi ko sinasadya. Ipapalaglag ko naman itong bata!” umiiyak kong sumamo kay Ale Alena. Umaasa na mapatawad niya agad ako. Malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Hindi lang isang sampal, kundi mag-asawang sampal galing sa palad ni Ate Alena. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas masaktan ng mga taong mahal ko. Napahawak na lang ako sa magkabila kong pisngi. “Akala mo ganoon kadali iyon, Almira? Huwag mo ng dagdagan ang mali mo sa isa pang mali. Ibinigay ko sa'yo lahat ng gusto mo, pati ba naman si Samuel gusto mong kunin? Wala kang kuwentang kapatid! Nagsisisi ako kung bakit hiningi pa kita kina Mommy at Daddy! Sana hindi na lang ikaw ang naging kapatid ko!" Tagos sa kaibutuuran ng aking puso ang masasakit na salitang iyon ni Ate. pagkasabi niya ay agad siyang tumalikod at tumakbo palayo sa amin. Sinundan naman siya ni Samuel. "Babe!” tawag ni Samuel sa kaniya, Lumapit naman a Mommy sa akin na pinipigilan na hindi ako masaktan."Anong klase kang kapatid? Sinira mo ang kasal ng Ate mo. Sinaktan mo ang damdamin niya! Kahiya-hiya ang ginawa mo. Kung alam ko lang na ito ang gagawin mo sa Ate mo na walang ginawa kundi ang mahalin ka! Sana hindi na lang kita isinilang. Simula ngayon tinatakwil kita bilang anak ko. Kakalimutan ko na isinilang kita, Almira!" masakit na sabi ni Mommy. Sa buong buhay ko ngayon lang nila ako napagsalitaan ng masasakit na salita ni Ate Alena at Mommy. Iyon ang pinakamasakit sa lahat. Hndi mo gugustuhin bilang isang anak ang mga salitang iyon ni Mommy at Ate. Masakit man ngunit alam ko na deserve ko iyon. Tinalikuran ako ni Mommy, katulad ni Ate. At sumunod naman sa kaniya si Tita Amme, upang alalayan ito. "Ano ang plano mo sa anal mong iyan kumpadre?” tanong ni Tito Manuel sa aking ama. "Ayaw kong magkaroon ng bastardong apo. At kahit balibaliktarin man natin, anak ko pa rin ang nadihado. Actually, dalawang anak ko ang lugi Kumpadre," sagot ni Daddy sa tanong ni Tito. Tinapik ni Tito ang balikat ni Daddy. "Nauunawaan kita. Hayaan mo kumbinsihin ko na pakasalan ni Samuel si Almira. Apo rin namanı namin o natin ang dinadala niya sa kaniyang sinapapuran. Wala na tayong magagawa, kundi ikasal ang dalawa na dapat sana ang panganay mo at panganay ko ang ikakasala," sagot ni Tito Manuel. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman nang marinig ko ang usapan nila. Basta ang nararamdaman ko lang ang pamamanhid ng pisngi ko na sinampal ni Mommy at Ate Alena. Pamilyang sampal iyon dahil mag-asawang sampal ang pinatikim ni Ate sa akin at ang panganay na sampal naman ang pinatikim ni Mommy sa akin. Pinaakyat na muna ako ni Daddy sa aking silid dahil may pag-uusapan daw sila ni Tito Manuel. Inalalayan naman ako ni Yaya na pumasok sa aking silid. Walang tigil ang aking pag-iyak dahil sa hindi ko inaasahan na mangyayari. "Iha, tumahan ka na. Baka mamaya makakasama iyan sa ipinagbubuntis mo,’’ pagpapatahan ni Yaya sa akin. Nakahiga na ako sa kama habang umiiyak. Kasalanan ko naman ang lahat at wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko, kaya ito na ang kabayaran sa pagiging marupok ko. Sa isang iglap lumayo ang loob ng pamilya ko sa akin, lalo na si Ate Alena. "Tama nga ang kasabihan, Yaya, Laging nasa huli ang pagsisisi. Hindi ko naman ginusto na magkakagusto ako kay Samuel. Unang beses på lang siya noon na dinala ni Ate rito sa bahay ay naramdaman ko na mahal ko siya. Hindi ko dapata ito maramdaman, Yaya." Umiyak na pag-amin ko kay Yaya sa totoong nararamdaman ko kay Samuel. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking mga kamay. "Pero mali pa rin na pinatulan mo ang boyfriend ng kapatid mo. Dapat noong hinalikan ka ni Samuel, umiwas ka na lang sana. Hindi sana umabot sa ganito ang lahat. Pero kahit sisihin pa kita huli na dahil may nangyarii na sa inyo ni Samuel,’’ agad na pagbawi ng p paninisi ni Yaya sa akin. Buong araw akong nakakulong sa aking silid. Tahimik ang paligid. Sinira ko ang araw ni Ate na dapat ay masaya siya ngayon dahil sa namanhikan na si Samuel, kasama ang pamilya nito. Alam ko na hindi ako mapapatawad ni Ate sa ginawa ko sa relasyon nila ni Samuel. Mabuti na lang may biscuit na dinala si Yaya kanina dito sa silid ko, kaya iyon muna ang kinain ko. Wala rin naman akong balak na lumabas dahil wala na akong pagmumukha na iharap sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD