Chapter 15 ALMIRA Pilit kong sinisiksik ang sarili ko sa pader. Kung puwede lang na tumagos ako roon ginawa ko na sana. “Huwag mo ako saktan, hindi ko sinasadya.’’ Patuloy kong pakiusap kay Samuel. “Almira, ano ba ang nangyayari sa’yo? Hindi kita sasaktan, kaya huminahon ka!’’ narinig kong sabi ni Samuel. Medyo nawala ang sobra kong kaba nang sabihin niya iyon. Nanginginig pa ang katawan ko. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Dahan-dahan akong bumaling kay Samuel at hinarap ang takot ko sa kaniya. “Hindi ko sinasadya na masunog ang damit mo, Samuel. Huwag mo ako saktan. Aalis na lang ako, sorry talaga!’’ humahagulgol ko na naman na hingi sa kaniya ng patawad. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang panga at pagtatagisan ng kaniyang mga ngipin. “Hayaan mo na lang ako umalis. Huw