Chapter 3
ALMIRA
Nanginginig ang mga kamay ko ng mahawakan ang result ng check up ko. "D-dok, sigurado po ba na ito ang result ng check up ko?” kinakabahan kong tanong sa family doktor namin na si Dr. Villamor. Kinuhanan niya ako kanina ng dugo at urine. Pagkatapos ng check up ko ay nagtungo na ako sa paaralan kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo. At heto nga dinaanan ko ang result ng test ko bago umuwi.
“Yes, Almira. Buntis ka ng sampung linggo and five days." Parang nabingi ako sa sinabing iyon ni Dr. Carmen Villamor. Nakatulala ako na tumitingin sa kaniya. Nagbunga and isang beses na nangyari sa amin ni Samuel. Paano ko ito sasabihin sa pamilya ko? Lalo na kay Ate at Samuel?
"D-dok, puwede bang huwag mo munang sabihin sa pamilya ko ang tungkol sa pinagbubuntis ko? Tiyak na papatayin ako ni Daddy ko pag nalaman niya na buntis ako," pakiusap ko kay Doctor Villamor.
"Kahit hindi ko man sasabihin sa kanila malalaman at malalaman pa rin nila ang tungkol sa pinagbubuntis mo. Lalaki at lalaki ang tiyan mo, Almira. Kailangan ipaalam mo rin man sa Tatay ng magiging anak mo."
Napakagat labi ako sa sinabi ni Dr. Villamor.
“Ako na lang po ang magsabi sa kanila dok," bagsak ang balikat ko na sabi kay Dr. Villamor
"Sige, pero hindi ko maipapangako na hindi sasabihin kapag nagtanong sila sa akin kung ano ang resulta ng check up mo,’’ sagot ni Dr. Villamor sa akin.
Wala naman akong magawa kung sasabihin niya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Umuwi ako ng bahay na blanko ang isip. Sinasabi ko na lang sa aking sarili na sana panaginip lang ito. Paano ko haharapin si Ate Alena. Paano ko titingnan ang kanyang mga mata? Paano ko sasabihin na dala-dala ko sa aking sinapupunan ang anak ng lalakeng mahal niya at papakasalan niya?
Maaga pa naman. Si Yaya Rosie at Manang Linda lang ang tao sa bahay dahil nasa trabaho pa ang mga magulang ko at si Ate Alena.
"Dito ka na pala, Almir. Kumusta ang check up mo? Nakakuha ka na ba ng exam para sa kolehiyo?" sunod-sunod na mga tanong ni Yaya.
Kapapasok ko lang at naupo sa sofa nang makita ako ni Yaya, Galing ito sa kusina. Alas-tres pa lang ng hapon at mamaya pa darating si Ate Alena at ang mga magulang namin.
"Hindi po ako nakapasa sa exam, Yaya . Pero bukas susubukan ko mag-take ng exam sa ibang school,’’ sagot ko kay Yaya at isinandal ko ang aking likod sa sandalan ng upuan. Hindi ko pinansin ang tanong niya tungkol sa check up ko.
"Nako, magagalit na naman ang Mommy at Daddy mo sigurado dahil hindi mo pinasa ang exam mo. And ba ang kinuha mong kurso?’’ tanong niya sa akin.
“Architecture na lang po, Yaya. Mahilig naman ako sa design at gumuhit.’’
Mataman naman akong tinitigan ni Yaya.
"Bakit ba ang putla mo? Ano ang resulta ng check up mo, ha? Masama ba ang pakiramdam mo?”
Hindi nakaligtas kayi Yaya ang maputla kong labi at mukha. Natanggal sa siguro ang lip gloss na pinahid ko kanina sa aking labi. Hindi rin kasi ako naglagay ng blush on sa aking pisngi.
"Kulang daw ako sa tulog Yaya," pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung kailan ako magkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa kanila ang tungkol sa batang nasa sinapupunan ko?
“Ayan na nga ang sinasabi ko s’yo na iwasan mo ang pagpupuyat hanggang maaari. Kumain ka na ba?" Nag-alala naman na tanong ni Yaya pagkatapos niya akong sermon-an.
“Kumain po ako ng kwik-kwik. Bumili ako sa labas ng school kanina.’
Malalim itong nagbuntong hininga.
"Sige, ipaghanda kita ng makakain. Ano ang gusto mong lutuin ko para sa'yo?" tanong pa nito sa akin.
“Ayaw ko po ng kanin Yaya. Gusto ko po sana turtang talong," sagot ko sa tanong ni Yaya.
Ewan ko ba parang nagki-crave ako ng talong na maraming itlog. Ayaw ko naman kumain ng kanin baka masuka lang ako.
Kaninang umaga pinilit ko lang kumain kahit kaunti ngunit para naman akong masuka
“Lutuin ko na lang ang talong na pinamalingke ni Linda kanina. May tinapay doon sa pantry gusto mo gawan kita ng sandwich?" tanong ulit ni Yaya.
Umiling-iling ako. "Hindi na Yaya. Lagaan mo na lang ako ng itlog, Yaya. Saka dalhin mo na lang sa silid ko.”
Tumango si Yaya at tumalikod na. Umakyat ako sa itaas at pumasok sa aking silid. Nilapag ko sa kama ang aking bag at nagtungo sa aking cabinet para kumuha ng damit ko na pambahay at nagbihis.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kumukuha ako ng aking damit gumugulo ito. Maayos ang pagkatupi ni Yaya, pero heto nagulo ko na naman. Kapag si Yaya naman ang kumuha hindi naman naglalaglagan ang mga damit ko. Inaamin ko na hindi ako magaling sa kahit kaunting bagay katulad na lang sa pagkuha ng damit. Kahit sa pagtutupi ay wala akong alam.
Hindi rin ako malinis sa bahay. Kahit nga lang alam sa pagwawalis ay wala akonng alam. Kahit nga sa pagluluto ay hindi ko rin alam. Hindi naman ako tinuruan kung paano gawin ang mga simpleng bagay. Lumaki ako na may taga silbi. May naglilinis ng aking silid, may tagatupi at may tagaluto. Kakain na lang ako at mag-aral. Hindi naman
kami mayaman na mayaman. May sarili lang negosyo sina Mommy at Daddy. Tumutulong lang din si Ate sa pagpapatakbo ng negosyo namin. Oo, nga bunso ako. Aminado naman ako na go happy lucky ako.
Mula sa bag, damit at mga sapatos ko mamahalin lahat. Si Ate Alena ang bumibili ng mga gamit ko. Kung ano ang gusto ko binibigay niya na walang alinlangan. Oo, spoild ako ni Ate Alena, pero alam ko naman na hindi tama ang ginawa ko. Inaamin ko na parang inabuso ko si Ate dahil sa ginawa kong pagsuko ng sarili ko kay Samuel.
Kinalkal ko ang aking bag at kinuha ang mga gamot na binigay ni Dr. Villamor sa akin. Tinago ko iyon na hindi makita ni Yaya at Ate Alena. Silang dalawa lang kasi ang pumapasok dito sa silid ko. Si Mommy at Daddy hindi naman pumapasok rito.
Sumapit ang gabi at sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Katulad kaninang umaga mabaho pa rin ang pang-amoy ko sa kanin. Parang binabaliktad ang sikmura ko.
“Kumusta ang lakad ninyo ni Samuel, Alena? Nakapagpasukat ka na ba ng gown mo?” nakangiting tanong ni Mommy kay Ate.
"Hindi på ako nakapagpasukat, Mom. Sa day off na lang namin ni Samuel ako mag papasukat. Tumingin lang ako ng mga design ng gown kaninang tanghali. Bukas lalakarin namin ni Samuel ang mga requirements sa munisipyo para makakuha kami ng civill register. Gusto namin maayos ang lahat para kapag namanhikan siya kasama ang pamilya niya, wala na kaming ibang iisipin kundi ang parating naming kasal," sagot ni Ate. Masayang-masaya ang mga mata niya habang sinasabi iyon sa mga magulang namin. Ayaw kong sirain ang masayang nararamdaman ni Ate. Paano ko itatama ang pagkakamali kong nagawa lalo na at nagbunga ito?
“Mabuti kung ganoon, iha. Mabuti 'yong nakahanda na ang lahat para hindi kayo stress ni Samuel, pagsapit ng kasal ninyo!” wika ni Daddy.
Akala ko ligtas na ako dahil naka-focus ang atensyon nila kay Ate Alena, subaut sa akin na naman bumaling ang atensyon nila.
“Kumusta ang check up mo. Almira? Ano ang sabi ni Dr. Vilamor?” tanong ni Monmy.
Tipid akong ngumiti sa kanila bago nag salita.
“Okay, lang, Mom. Wala naman akong malubhang sakit. Kulang lang daw ako sa tulog," pagsisinungaling ko.
"Ano ba ang pinagpupuyatan mo. iha? Wala ka naman pasok. kumusta ang pag-take mo ng exam? Saka ano pala ang kinuha mong kurso?” sunod-sunod na usisa ni Daddy sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sagutin sa mga tanong niya.
"Hindi po ako nakapasa, Dad. Pero subukan ko po sa ibang school mag-take ng exam. Architec na lang po ang kukunin korg kurso."
Tumaas ang gilid ng labi ni, Daddy sa aking sagot.
“Siguraduhin mo na makapagtapos ka at kakayanin mo kurso na gusto mo kunin mo. Ipasa mo muna ang exam. Baka naman sa gitna ng pasukan mo at mag-iba ka ng kurso. Isipin mo na hindi namin pinupulot ang pera na pambayad para sa tuition mo,’’ wika ni Daddy na may kasamang panenermon sa akin.
Sigurado na po ako sa kurso na kukunin ko, Dad," Nakayuko ato habang sinasabi ko iyon kay Daddy.
"Kaya iyan ni Almira, Dad," pagtatanggol naman ni Ate sa akin. Laging tagapagtanggol ko si Ate Alena sa tuwing pinagsasabihan ako ng mga magulang namin.
May katigasan nga ako ng ulo, inaamin ko iyon. Kaya palagi akong senesermonan ni Mommy at Daddy.
Inaamin ko rin na hindi ako mabuting kapatid dahil sa pag-ahas ko sa kaniya kay Samuel.
Naisipan ko na ipalaglag na lang ang batang ito na nasa sinapupunan ko. Kapag isinilang ko ito tiyak na malaking gulo at kahihiyan ng pamilya ang mangyayari.
Inaamin ko naman ang pagkakamali ko. Hindi ko naman kasi inisip na magbunga ang kapusukan ko.
Pagkatapos namin kumain umakyat na ako sa itaas at tumuloy sa terrace. Nakaupo ako bakal na upuan at nakatingala sa langit. Napangiti ako nang makita ang kalangitan na nagniningning sa mga kislap ng mga bituin.
Para bang sinasabi nito na kahit madilim ang buhay mo ay maraming munting mga bagay na nagpapakislap sa madilim nating buhay.
Napahaplos ako sa aking tiyan. Alam ko na mali ang gagawin kong pagpapalaglag sa musmos na batang ito sa aking sinapupunan. Litong-lito ang isip ko at wala akong mahihingian ng payo sa problemang dinadala ko.
Ilang sandali ang lumipas ay lumapit si Ate sa akin. “Bakit hindi pa tulog ang baby ko?" malambing niyang tanong sa akin.
Ngumiti ako na lumingon sa kaniya. Hinagod niya ang likod ko, kaya napayakap naman ako sa baywang niya.
"Ate sorry," hingi ko ng paumanhin sa kaniya. Alam ko hindi niya maunawaan ang paghingi ko ng sorry.
"Sorry, saan?" malambing niyang tanong habang hinahaplos nito ang aking hubok.
Hinagpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya.
"Sorry dahil hindi ako kasing talino mo. Sorry, kung hindi ako nakapasa sa standard na inaakala ninyo nila Daddy at Mmmy sa akin. Sorry sa lahat lahat Ate. Sorry mga magagawa kong kasalanan sa’yo na hindi ko sinasadya."
Kinalas niya ang kamay ko sa pagkayakap ko sa kaniyang baywang. Yumuko siya at hinaplos ang aking pisngi. "Wala kang dapat ihingi ng paumanhin, Almira. Ako ang dapat humingi ng sorry sa’yo dahill palagi ka na lang kinukumpara ng parents natin sa akin. Hindi naman nila iyon sinasadya na masaktan ka. Ayaw lang nila na matulad ka sa ibang mga bata na hindi pinapahalagahan ang paghihirapan ng mga magulang nila para lang makapagtapos sa pag-aaral. Gusto lang nila Mommy at Daddy na mabigyan ka ng magandang edukasyon, dahil sa huli ikaw din naman ang makikinabang non," paliwanag ni Ate sa akin.
Hindi niya alam na nakagawa ako ng isang pagkakamali na ika-disappoint nila sa akin.
“Ate, kung sakali ba na makagawa ako ng mali sa’yo, mapapatawad mo ba ako?" Nagusot ang noo ni Ate sa tanong ko. Tumaas pa ang isa niyang kilay na nakatingin sa akin.
“Oo, naman! Lahat naman tayo nagkakamali. Kaya, kahit ano pa ang kasalanan na nagawa mo na hindi mo sinasadya mapapatawad pa rin kita dahil mahal kita. Hiningi kita sa mga magulang natin, kaya nga mahal na mahal kita.’’
Nabawasan anng kaba ko sa sinabi ni Ate.
Napakasuwerte ko dahil may kapatid ako na katulad niya, subalit hindi ko naman aasahan ang agad niyang pagpapatawad sa akin kung sakaling malaman niya ang totoo. Kung ako siguro sa kalagayan ni Ate, hindi ko gugustuhin na magkaroon ng kapatid na katulad ko.
"Matulog ka na. Huwag ka muna magpupuyat. Tingnan mo ang putla mo na. Siya nga pala gusto ko ikaw ang maid of honor sa kasal namin ni Samuel. Alam mo ang saya ko, Almira. Sa wakas malapit na ako magiging Mrs. Fajardo. At kapag nanganak kami ni Samuel, gusto ko ako mismo ang mag-aalaga ng mga anak namin.” Masayang binahagi ni Ate ang gusto niyang mangyari sa hinaharap nila ni Samuel. Mas lalo pa akong inuusig ng aking konsensya.
"May nangyari na ba sa inyo ni Samuel, Ate?" Wala sa plano ko na itanong iyon sa kanya. Tumawa siya sa tanong ko. “Syempre wala pa. Gusto ko kasi ialay ang sarili ko sa kaniya kapag kasal na kami. At nirerespeto naman iyon ni Samuel,’’ sagot ni Ate sa akin.
Hindi niya alam naunahan ko na siya naibigay ang sarili ko kay Samuel. Napakawalang kuwenta kong kapatid, alam ko 'yon.
"Sana makatagpo rin ako ng boyfriend na katulad ni Samuel,’’ wika ko pa kay Ate.
“Oo, nama! Makakatagpo ka rin ng boyfriend na katulad ni Samuel. Wala ka bang napupusuan sa mga manliligaw mo?" tanong niya.
Tipid lang ako ngumiti kay Ate. Wala naman nanliligaw sa akin sa school dahil first interpresion nila sa akin masungit raw ako. At hindi naman sila makapasa sa akin dahil naka-focus ang atensyon ko at puso ko kay Samuel. Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-rami ng lalake sa mundo ay doon pa talaga tumibok ang puso ko kay Samuel? Ang masakit pa sa boyfriend pa talaga ng Ate ko.
"Akala ko kasi bawal pa akong ligawan Ate dahil bata po ako.’’ Iyon lang ang naging sagot ko sa tanong ni Ate Alena.
"Sige, Ate. Matutulog na po ako. Matulog na rin po kayo dahil maaga pa kayo papasok bukas sa opsina,’’ pagtatamboy ko na kay Ate Alena. Gusto ko umiwas sa kaniya.
Hindi ko na kasi matagalan na titingnan siya. Tumindi pa ang konsensya na nararamdaman ko dahil wala naman siyang ginawang masama sa akin, para gawin ko iyon sa kaniya.
"Sige, good night, Baby,” lambing niya pa sa akin at hinagkan ako sa aking noo. Pumasok na ako sa aking silid na dala-dala ang mabigat kong problema.
Lumipas pa ang isang linggo at tatlong araw ay namanhikan na si Samuel sa bahay kasama ang mga magulang niya. May dala silang litson at sari-saring handa. Nakikita ko ang masayang pag-iibigan ni Samuel at Ate Alena sa kanilang mga mata.
Nasa sala ang lahat nang dumating si Mommy, Nagtungo kasi ito sa doktor dahil inuubo ito. May dala-dala itong papel at masakit ang titig nito sa akin. Nagulat kaming lahat nang lumapit ito sa akin at ginawaran ako ng malakas na sampa sa aking pisngil.
"Hanggang kailan mo itatago ang resulta ny test mo, ha?" galit na galit niyang tanong. Parang gusto kong maglaho sa tanong niyang iyon. Alam ko na kung ano ang kinagagalit niya. Nalaman niya na siguro ang totoo. Nagawa niya akong sampalni sa harap ng mga magulang ni Samuel at mismo sa harap ni Samuel at Ate Alena. Ito ang kauna-unahang pagdapo ng kamay ni Mommy sa akin.