Chapter 10 ALMIRA Nilakad ko mula sa Baclaran hanggang sa Manila Baywalk. Naglalakad ako na parang wala sa sarili habang hila-hila ko rin ang aking maliit na maleta. Hindi nga ako nakaramdam ng pagod. ilang beses na rin akong nasagasaan sa pagtawid-tawid ko. hanggang sa nakarating nga ako rito sa Manila Baywalk. Naupo ako sa may simento at tanaw ang malawak na dagat. Hindi ko na nga napansin ang oras. Naging madilim na sa paligid at tanging street light na lamang ang nagsisilbing liwanag sa palagid. Wala na ring mga luha na pumapatak sa aking mga mata basta blangko lang ang isip ko sa ngayon. Halos Ilang oras din ako nanatili nakaupo sa Seaside. Hindi alam kung saan pupunta at hindi rin alam kung saan tutungo. Alam mo yung pakiramdam na parang namatayan higit pa doon ang nararamdaman