Chapter 11 ALMIRA Nasa harap kami ng hapagkainan tahimik na kumakain. Kaunti na nga lang itong kanin na nasa plato ko ay hindi ko pa masubo-subo. Ulam lang na adobong sitaw lang ang kinakain ko na hiningi ko pa kay Manang Lelia. Hindi naman kasi sila kumakain ng adobong sitaw at first time ko lang din makatikim nito. Hindi ko inaasahan na magugustuhan ko. Hindi kasi ako palakain ng gulay. “Almira, bakit walang bawas ang kanin mo? Kumain ka ng mabuti para naman may sustansyang makukuha ang apo ko sa kinakain mo,’’ puna sa akin ni Tito Manuel. “Ang totoo po, ayaw ko ng kanin. Para kasi akong masusuka,’’ mahina at maingat kong sagot kay Tito Manuel. “Tsss… Kaartehan kamo!’’ maktol naman ni Samuel. Pinipilit ko na nga lang na lunukin itong sitaw kahit masakit ang lalamunan ko. “Nasa p