CHAPTER 9 ALMIRA Lahat ng bagay sa paligid ko ay bago. Sumakay ako sa Jeep na may sign board na papunta sa Baclaran. Sa tabi ng driver ako sumakay. "Kuya, dadaan po ba ito ng Kabihasnan," tanong ko sa driver. “Oo, Miss. Doon ka ba bababa?" tanong nito. Tumango-tango ako at kumuha ng isang libo sa wallet ko. Dalawang libo lang ang laman ng wallet na natira sa allowance ko. "Wala ka bang small amount, Miss? Wala pa akong panukli rito,” sabi ng driver at hindi niya tinanggap ang pera na inabot ko. "Ito lang po kasi ang pera ko, Kuya. Pasensya na po kayo,” hingi ko ng paumanhin sa driver. "Sige, hawakan mo lang muna iyan. Mamaya dadaan ako sa gasoline station, para mabaryahan iyan. Sa susunod na sasakay ka, Miss siguraduhin mo na may barya ka. Lalo na sa umaga dahil magagalit ang dri