Chapter 16 Almira Hindi umaalis ang tingin ko sa lalake. Bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. “Dok, gising na siya,’’ sabi pa nito sa doktor. “Misis, kumusta ang pakiramdam mo?’’ tanong ng doktor sa akin. Wala ako sa huwisyo dahil parang nangangapa pa ako. “Anong nangyari? Miss pa po ako dok,” nakangiti kong sabi sa doktor. Tumingin ito sa gwapong lalake na parang nagtataka. “Hi,’’ bati ko sa lalake sa magandang ngiti. Nagawa ko pang kumaway sa kaniya. “Ang gwapo mo naman,’’ sabi ko pa sa lalake. Hindi ako natablan ng hiya. Para akong nanaginip talaga na hindi ko alam kung ano ang mga nangyari, kung saan ako at sino ang gwapong lalaking ito. Kumibot ang labi ng gwapong lalake. “Pinagloloko mo ba ako?’’ galit nitong sabi sa akin. Ang mga ngiti ko sa kaniy